Chapter 10 (apartment)

5.8K 140 0
                                    

Pasikat na ang araw kaya umalis na sila sa kubo matapos maglinis ng mga kalat nila. Nang makitang maayos na ang buong paligid ay nagsilabas na sila at pumunta sa lugawan ni Aling Nena.

Humiwalay na si Ver at Bobby sa lima at nagsabing matutulog na dahil napagod.

Kumakain na ng paboritong lugaw, tokwa't baboy ang magkakaibigan ng may dumating na tatlong babae. Nakapang jogging outfit ang mga ito. Nginitian sila..

"Kain tayo!..", aya ni Odyll sa tatlo.

"Salamat... kaya lang mag ja jogging kami sa plaza eh.", pa cute na sabi ng seksing chinita.

"Gusto nyo sama na lang kayo sa amin.", malambing na aya ng seksing mulata.

"Eh di kami nakapang jogging , saka medyo puyat kami ngayon.", sabi uli ni Odyll.

"Bukas pwede kayo?", tanong ng seksing balbon.

Hindi muna sumagot si Odyll, tumingin sa mga kasama. Nangiti ang apat, alam na nila ang kasunod na sasabihin ni Odyll.

"Sa gabi lang kami pwede eh,..", nagkakamot pa ng batok si Odyll ng sumagot. Kunwari ay nahihiya.

Natawa ang mga seksing babae...

"Walang jogging ng gabi pero may aerobic session sa plaza mamayang gabi. Kaya lang puro babae ang nandun.", nanghihinayang na sabi ni chinita.

"Ganun ba, sayang naman..", padama parin ni Odyll.

Ang apat na kasama naman ay kunwang nanghihinayang rin.

"Wala pala kaming chance na makasama kayo para magkakila-kilala tayo mabuti.", malungkot na sabi parin ni Odyll.

"Taga diyan lang kami sa kanto. Yung apartment na kulay blue.", bigay impormasyon ni balbon.

"Birthday ni Roxette ngayon, kung gusto nyo join kayo sa amin mamaya.", imbita ng mga babae.

"Ok lang?..", arteng tanong ni Odyll.

"Oo naman, tayo tayo lang naman. Di naman kami nag invite ng marami. Kaming magkakabarkada lang.", sabi pa rin ni chinita.

"Sige pasyalan namin kayo mamaya. Syanga pala ano na nga pala uli ang pangalan nyo?", tanong ni Odyll.

Nalaman nila na Meme, Rocky at Regie ang pangalan ng tatlong babae. Nakaalis na ang mga ito kaya natapos na nila kainin ang lumamig na lugaw at tokwa't baboy. Kailangan ng matulog para fresh na mamaya pag pinuntahan ang apartment na kulay asul. Pinasabihan nila si Meryll na wag mawawala sa lakad mamaya.

Nagkanya kanya na ng uwi ang lima matapos magkasundong magkita kita na lang mamaya sa tindahan ni Aling Biring.

7:00 o'clock pm...... tindahan ni Aling Biring

Magkakasunod na nagdatingan ang anim. Walang hindi mapapalingon sa itsura ng mga ito. Simpleng t-shirt at pantalon with topsider lang ang suot nila pero maganda nilang nadala ang sarili.Nandun na sa tindahan sila Joey boy, Benjie, Nilo, Jerry, Orlan, Laylay, Bebe, Rommel, Babet at Joaquin. Imbitado silang labing anim..

Naglakad na ang mga ito papunta sa apartment na asul.

Panty HunterWhere stories live. Discover now