Chapter 29 (panty)

4.4K 105 3
                                    

Matapos ang mainitang replay at part 3 ay nag uwian na ang magkakasama. Inihatid na nila ang mga "girlfriend" sa tapat ng apartment na asul. May naging usapan na sila kung kelan uli magkikita. Alas tres na ng madaling araw kaya nagkanya kanya na ng uwi ang anim na magkakaibigan. Pare parehong pagod at nangangalog ang mga tuhod.

Hapon na ng magkita kita ang anim. Sa baskeball court na sila nakumpleto. Di na kasi nakapasok si Meryl sa trabaho.

"Lalaro ba kayo?", nangangantyaw na tanong ni Ver. Nakiki kantyaw narin ang iba pa na nandun.

"Nagsalita ang mga inosente, ilan na naman ang iniwanan nyong tyanak sa kubo?", pang aasar din ni Raddie.

"Konti lang. Nag aalala na kasi kami sa tito ni Ver. Baka minumulto na yun sa dami ng kupal na nasa kubeta at likod bahay niya.", barubal na sabi ni Nilo.

Tawanan ang magkakabarkada..

"Tara tayo tayo na lang ang magpapawis, puro maryang palad lang naman ang nangyari sa atin.", aya ni Orlan.

"Tado.. ikaw lang yun. Nandamay ka pa.", sagot ni Bobby.

"Wag nyo lagi kamayin at baka mapanis yan!", kantyaw ni Benjie.

"Tado!... may dala ka lang wheels kagabi kaya ka nakapik ap.", sagot ni Ver.

"Ano na nga pangalan ng nabola mo kagabi?", tanong ni Nilo.

Sandaling nag isip si Benjie..........

"Anak ng……… nakalimutan ko!", sabi ni Benjie.

"Hinubaran mo ng panty di mo alam pangalan?", sabi ni Bobby.

"Hindi… wala na agad panty eh!", sagot ni Benjie.

"Bangis mo Benjie!.", kantyaw ni Orlan.

"Tang ina, galit na galit nga yung hiniraman ko ng sasakyan na si Manok. Ganito kasi... nagpainit na kami nung chick habang hinihintay tong anim na to. Ayos na eh, nagtanggal na nga ng panty eh. Kaso dumating na tong mga to. Di na natuloy. Hanap ng hanap ng panty nya yung kasama ko.. dun ko pala naisiksik sa dashboard. Nang maglinis yung misis ni Manok kanina nakita may panty dun. Ayun!.. gyera patani ang inabot ni Manok na naging sisiw nalang ngayon. Wanted tuloy ako. Pahamak na panty yan!", reklamo ni Benjie.

Nagkatawanan ang mga nakarinig sa sinabi ni Benjie. Lalo na ng mabilis itong umiskapo ng makitang papalapit sa kanila ang hiniraman nito ng sasakyan.

Panty HunterWhere stories live. Discover now