Chapter 40 (celebrate)

2.9K 94 0
                                    

"Ang facilities po… meron po tayong swimming pool, gymnasium, sa mga gusto maglaro ng tennis, meron pong tennis court. May squash court, may mini market at covered parking. At ang pinaka importante sa lahat, 24 hours ang security.", nakangiting sabi ni Odyll sa mga kliyente.

Palabas na ng pintuan ang mga nakinig ay humahabol pa rin ng pakikiusap si Odyll sa mga ito. Lalo na sa babaeng tingin nya ay nagja japan na nag ngangalang Miyuki.

"Beep mo lang ako, anytime anywhere and I'll be there.'', bahagya pa siyang kumindat na sinabayan pa ng isang close up smile.

Napabungisngis ang kasama nito, samantalang ang pinagpapakyutan ay ngumiti lang, tipid pa.

Kinawayan din ni Odyll ang kinikilig na alalay ni Miyuki ng tuluyan na itong umalis.

Ilang araw din na kapag tumutunog ang beeper ay nahihiling nya na sana ay si Miyuki na.

Hanggang sa....

"Yes!..", sumusuntok pa sa hangin na sigaw ni Odyll. Nagmamadali siyang lumapit sa telepono na nakapatong sa corner table at nakangiting inangat ang awditibo.

"Hello…". Matapos ang mahabang usapan ay nagkasundo ang dalawang nag uusap na magkita para mai tour sa condo unit na balak ni Miyuki bilhin.

Humuhuni huni pa si Odyll habang naliligo. Pinanay panay ang pag sabon sa lawit nya habang kinakausap.

"Maigi ng lagi kang handa. Malay mo mapalaban ka mamaya.", nakangiti nitong sabi sa walang imik na sawang nakalawit.

Napangiti si Odyll ng makita nyang si Miyuki lang ang paparating. Wala ang alalay ibig sabihin walang asungot. Kaya pwede makalusot.

Nang mabuksan ang pinto ng condo ay  gentleman na pinauna at inalalayan ni Odyll si Miyuki papasok. Ngumiti naman ang babae.

Bawat sulok ng condo unit ay ipinakita ni Odyll at para itong interior designer na nagsa suggest ng mga pupuwestuhan ng furnitures ng babae.

Nagkasundo ang dalawa at nagkapirmahan na ng kontrata. Pagkatapos ng pagpirma ni Miyuki ay may kinuha si Odyll sa cabinet. Isang bote ng alak at dalawang baso.

Napatawa ang babae ng makita ang alak at baso.

"May nakahanda ng ganyan? At may pulutan pa talaga ha..", sabi ni Miyuki na nakangiti.

"Boy Scout kasi ako noong araw. Always ready.'', ganting biro ni Odyll.

" I celebrate natin ang araw na to. Para sa pagkakabili mo ng unit at para sa pagkikilala natin dalawa. ", malambing na sabi ni Odyll. Ngumiti si Miyuki, at sabay nilang tinungga ang laman ng baso.




Panty HunterWhere stories live. Discover now