Chapter 45 (tweety)

2.7K 90 0
                                    

Dahil sa pursigido at masugid na panunuyo kay Osang ay nagtagumpay si Rudy na makuha ang binukayong OO ng dalaga. Madalas ay sinusundo niya ito sa pinapasukang unibersidad. Maganda ang naging relasyon nila ni Osang at hindi naman tutol ang mga magulang nila sa kanilang dalawa.

Gabi, sa tindahan ni Aling Biring.........

"Matagal na tayong di nagkakaharap ng ganito.", sabi ni Andy.

"Busy lahat, kaya dapat sulitin na  natin.", sabi ni Odyll.

"Mukang may laman yan ah… saan tayo?", tanong ni Meryll.

"Putsa! wag sa kubo, masusugod ako dun ni Danice.", sabi ni Raddie.

Nagtawanan ang magka kaibigan.

"Ang laki mong tao, kay Danice takot ka.", kantyaw ni Miggy.

"Nagsalita ang matapang.", sabi ni Raddie.

"Alam mo pare, pinagbibigyan ko lang yang si Lualhati. Pero sa relasyon namin ay ako ang nasusunod. Ako ang nakapantalon!", maangas na sabi ni Miggy.

"O, Lualhati napasugod ka.", sabi ni  Rudy, nakatingin pa ito sa gawing likuran ni Miggy.

Biglang tayo si Miggy, halatang natakot.

Ang lakas ng tawanan ng limang hunter. Pati ang mga bumibili sa tindahan ay napapatingin at nangingiti sa masayang biruan ng magkakaibigan.

"Hindi takot ha... ikaw ang nakapantalon ha...", kantyaw ni Raddie. Habang patuloy ang pagtawa.

"Alam nyo namang apo ni Andres Bonifacio ang babaeng yon.", katwiran ni Miggy at umupo na uli ito.

"Parang nakakatakot ma in love kapag ang tatlong to ang titignan ko.", sabi ni Meryll.

Tawanan uli ang magkakaibigan… ''tara punta tayo sa patay.'', aya ni Andy.

"Saan?", tanong ni Odyll.

"Pegasus", sagot ni Andy.

"Layo naman",sabi Rudy.

"Sa Tweety na lang para isang sakay.", sabi ni Meryll.

"Sige!",  sabay pang pag sang ayon ni Miggy at Raddie.

Tweety Girl's bar……

Sa bungad pa lang ng pintuan ay sinalubong na sila ng floor manager. Naupo sila sa bakanteng mesa na malapit sa stage. Sandali lang at inilapag na ng waiter ang anim na boteng beer at isang sizzling sisig.

Panty HunterWhere stories live. Discover now