Chapter 50 (reunion 2)

4.3K 161 28
                                    

"Matinik si Danice mga parekoy. Balak ko na ngang ipasok sa investigation unit. Daig pa ang canine sa lakas ng pang amoy. Nag uumpisa pa lang huli na agad!..", napapakamot sa ulong reklamo ni Raddie.

"Yang tulis mong yan!.. utot mo bilog!", biro ni Meryll.

Nagtawanan uli ang anim....

"Ikaw pareng Miggy, kamusta naman ang pagiging loyal mo sa apo ni Ka Andres Bonifacio?", tanong ni Odyll.

"Nung minsan akong napaliko eh ligwak agad. Muntik ng magkaroon ng rebolusyon mga pare. Parehas na ako ngayon . Baka itakin ako ng kumare nyo.", iiling ilin ng sabi ni Miggy.

''Hahaha... ang lalaki nating tao at de chapa pa pero pagdating sa mga kumander natin taas na kamay taas pa paa. Kahihiyan tayo sa departamento pareng Migs.'', kantyaw ni Raddie sa kanilang magkaibigang pulis.

Ang lakas ng tawanan nilang anim. Unti unting humina ang tawanan nila ng makita ang anim na magagandang babae na paparating.

Naupo ang mga ito sa katabi nilang mesa. Nakangiti pang kumaway sa kanila. Tantya nila ay naglalaro sa 20 hanggang 25 anyos ang mga ito.

Nagkatinginan ang anim..... at napangisi.................................

Maraming maraming salamat po sa suporta ninyo sa ''bagong timpla'' na istoryang ito. Sana po ay patuloy ninyong suportahan ang isang baguhan na author na gaya ko. Malaking kasiyahan po sa akin ang mga tulad ninyong nagbasa at nag vote ..

Gamsahabnida!

#ajeomma


Panty HunterWhere stories live. Discover now