Chapter 17 (iskor)

5K 135 1
                                    

Nang matapos ang game ay nagsiupo at nagpahinga muna sila sa gilid ng court. Nagku kwentuhan sila ng kumalabit si Laylay kay Andy at may inginunguso.....

Andy's pov:

Grasya!.... naibulong ko sa mga kasama ko. Palapit sa pwesto namin si Rocky, Regie, Meme kasama si Roxette. Nagtitinginan na ang mga barakong nakatambay din na gaya namin sa mga seksing papalapit.

"Hi!", bati agad ni Regie.

Nagtaas naman kami ng kamay bilang pag bating sagot sa Hi! na yon. Matamis na matamis ang ngiti nila sa amin.

Nagsi upo ang apat sa upuan at ang ilan sa amin ay sa lapag na lang pumwesto paharap sa kanila.

"Napadaan kayo?.. iniisip pa lang namin kayo kani kanina lang.", unang banat ko sa kanila.

"Kasi gusto ni Rocky humingi ng pasensya sa inyo.", paawang sabi ni Meme.

Lumapit agad si Odyll kay Rocky at ipinilit na pagkasyahin ang katawan sa pagitan ni

Meme at Rocky.

"Okay lang yun, wala ka namang kasalanan. Kaya lang sa susunod wag ka agad nagseselos. Tignan mo tuloy ang nangyari sa iyo..", malambing na sabi ni Odyll sabay himas sa braso ni Rocky na may pasa. Kinilig naman ang babae.

Pasok na naman sa boladas ni Odyll!

Nagkatuksuhan na kami pagkatapos. Nag uusap ang mga mata naming magkakabarkada. Nang magkaintindihan na sa ibig sabihin ng mga tingin at pagtango namin sa isa't isa ay...

"Kung pwede kayo mamaya, kayo naman ang iimbitahan namin.", sabi ni Bobby.

"Bakit sinong may birthday?", pa cute na tanong ni Regie.

"Wala!... ise celebrate lang natin ang nangyari kay Orlan.", seryosong sabi ni Nilo.

"Anong nangyari?", curious na tanong ni Roxette.

"Bagong tuli kasi yang si Orlan!..", sabi ni Benjie sabay turo kay Orlan na umarte ng kunwari ay bagong tuli nga. Nakangiwi pa ito at hila hila ang harapan short palayo sa harapan niya. Ang lakas ng tawanan ng mga chics naming kausap.

"Sige magsasama kami ng maglalanggas sayo.", ganting ulot ni Roxette.

"Ayun!...", sabi ni Orlan na sumuntok pa sa hangin. Nagkatawanan na naman kami.

"Bakit wala si Meryll?", tanong ni Meme. Luminga linga pa ang babae.

''Pumasok, pero mamaya kasama namin yun.'', sabi ni Raddie.

Tumango-tango si Meme.

"Baka magselos si Raddie nyan, Meme.", kantyaw ni Laylay.

"Ay!..tinanong ko lang kasi di nyo kasama.", paliwanag ni Meme sabay hilig sa balikat ni Raddie.

Naglungkot lungkutan naman si Raddie, kaya mas lalong dumikit si Meme sa kanya. Ngumiti naman si Raddie sa babaeng kinikilig.

Hinatid na namin sa kanto ang apat. Sa kanto lang sila nagpahatid para raw di na makita ng iba pa nilang mga kasama sa apartment. Hindi daw kasi alam sa kanila na pinuntahan kami.

"Mamaya na lang ha.", malambing na sabi ni Roxette sa akin. Nakakapit pa siya sa braso ko. Naglakad na ang apat palayo.

"Ingat!..", malambing kong pahabol na sigaw kay Roxette na lumingon pa at ngumiti.

"Ingat pala ha... ingat siya sa iyo!", kantyaw ni Raddie sa akin.

Habang naglalakad ay nagkakantyawan na kami. At ako naman ay nag iisip na kung paano makaka iskor mamaya...

Panty HunterWhere stories live. Discover now