Chapter 21 (daing)

5.5K 123 0
                                    

Odyll's pov:

Nilinis ko ang kotse ni tita Faye. Pati loob vinacuum ko. Aalis kasi siya at itu tour ang prospect client niya sa condo na ibinebenta niya.

Sa tita ko ako nakatira. Hiwalay ang parents ko. May pamilya ng bago ang tatay ko at ang nanay ko naman ay nasa Israel. Caregiver siya doon. Kapatid niya si tita Faye. Dalaga ang tita ko pero may isang anak. Cool si tita, walang masyadong restriction. Wag ko lang daw sisirain ang tiwala nya sa akin kundi ay lalayasan nya ako. Sira talaga si tita, ako ang nakikitira tapos siya ang lalayas... 5 taon pa lang anak niya at may yaya kaya anytime ay nakakaalis siya. Real estate ang raket ni tita. Freelance ahente ako. Kapag may diskarte si tita na bigtime ay kasama niya ako. Gamitin ko raw ang gandang lalake ko para makapag benta ng mga bahay at mga lupa. Next week ay sa field na ako kaya sinasamantala ko na ang araw na pwede pumetiks petiks.

Bago umalis si tita ay inabutan nya ako ng pera. Tinanggihan ko dahil loaded pa naman ako. Pero ipinilit ni tita, balato raw nya sa akin. Kaya tinanggap ko na. Isa pa ay ayokong lumabo ang mata ko dahil sa pagtanggi ko sa grasya.

''Wish me luck!", pahabol ni tita. Kumaway kaway pa siya sa akin.

"Goodluck tita!", sigaw ko sa kanya. Ng makalabas na ang kotse ng tita ko ay nilinis ko ang buong garahe. Matagal tagal na ring di ko nagagawa ang ganun. Tagaktak ang pawis ko ng marinig kong may tumatawag sa akin, si Meryll pala.

"Tamang tama ang dating mo. Mamaya may aasintahan tayo.", ngising manyak ang ginawa ko. Natawa si Meryll.

"Saan?", tanong niya. Ibinaba pa ni Meryll ang knapsack niyang dala sa mesa.

"Sa kubo!, okay dun dahil madalang ang mga bahay. Di daw makakauwi ang tito ni Ver kaya pwede tayo dun. Sandaling nag isip si Meryll....

Meryll's pov:

Ayos na ayos pala... dadaanan ni ate Ellen si Mommy mamaya. May reunion ang batch ni Mommy, buti nalang at taga dun ang napangasawa ni ate. Makakapag pahinga na si Mommy bago ang reunion. Byuda na ang Mommy at ibinuhos na nito sa pagtuturo ang sarili. Ilang taon nalang at magreretiro na siya bilang teacher.

Naputol ang pananahimik ni Meryll ng gulatin siya ni Odyll.

"Anak ng...... iniisip mo na kung anong gagawin mo kay Sheryll no?", kantyaw ni Odyll.

Natawa si Meryll....dapat pala maihanda ko ang sundalo ko!... sa naisip ay napangiti siya. Nauwi sila ni Odyll sa malakas na tawanan ng makita nila ang mukang lalakeng yaya ng pamangkin ni Odyll. Naka balot ng tuwalya ang katawan nito.

"Mukang bagong ligo si Yaya pero bakit ganun?", tanong ni Meryll.

"Anung bakit ganun?", tanong ko.

"Mukang bagong gising!", tukso niya.

''Si tita ang may gustong iyan ang maging yaya ni Baby boy. Para daw di ko pakialaman.

"May katwiran si tita!", nagkatawanan na kami.

Gabi na...., naghihintay na ang kubo sa mga daing!............



Panty HunterWhere stories live. Discover now