Chapter 19

4.4K 134 0
                                    

Rudy's pov:

Ang sipag ko!... makintab na makintab na ang sahig namin. Ilang ulit kong binalik balikan ng bunot ang pulang sahig.

"Anu meron ha Rudy?..kinakabahan na naman ako sa kinikilos mo..", mataray na sabi ng Mamang ko. Kahit hindi naman galit ay ganun talaga ang tono niya pag nagsalita. Akala mo laging may kaaway. Dahil siguro kailangan ay mataray siya dahil sa uri ng hanapbuhay na meron siya. Tindera ng bangus sa Bayan si Mamang, madaling araw kung umalis siya para mamakyaw sa Consignacion. Pagdating sa Bayan ay nagsisihango naman sa kanya ang mga tindera dun. Patay na ang Papang ko at si kuya naman ay may asawa na kaya dalawa lang kami ni Mamang na magkasama sa bahay. Maliban nalang kung mapasyal si kuya at hipag ko kasama ng anak nila.

"Ang Mamang naman, kapag di ako nagliligpit sinasabi mo napakatamad ko. Ngayon naman na sinipag ako pinagdududahan mo naman ako. Saan ba ako lulugar nyan?", madrama kong sabi kay Mamang.

"Hoy, Rodolfo!... gasgas na yang acting na ganyan ha. Wala ka na bang iba?", sabi ni Mamang. Natawa ako sa Mamang ko, kasi habang sige ng katatalak ay kinukuha na niya ang wallet sa bag niya at pumipili na sa mga perang papel na nandun para iabot sa akin.

Lumapit ako kay Mamang at hinalikan ko siya pagkatapos kunin ang inabot niyang pera.

Nang mahalikan ko na ay inabutan pa uli ako ng isa pa..... ayos!... balak ko pa sana humirit kaya umakma uli ako na hahalikan siya...

"Aw!!!", daing ko. Kinuntaw kasi ni Mamang ang ulo ko. Natatawa siya habang panay naman ang pagkaskas ko sa ulo.

"Wag na wag ka lang papasok sa basag ulo ha. Alam mo namang tayong dalawa na lang. May asawa na ang kuya mo.", sabi niya.

"Bakit kaya di ka mag asawa uli?", tanong ko.

"Mag asawa!... eh di dagdag pa sa pakakainin ko yun. Sa iyo nga lang nakukuba na ako.'', reklamo ni Mamang.

Yumakap ako kay Mamang.."mahal na mahal mo talaga ako ano?", lambing ko sa kanya.

"Oo na!... sige na at maligo ka na. Amoy alimuom ka.", natatawang taboy sa akin ng mataray kong Mamang.

Panty HunterWhere stories live. Discover now