Chapter 44 (ligaw)

2.7K 89 0
                                    

Sabado ng hapon ay muling bumalik si Rudy sa bahay nila Osang. Disente ang damit at naka sapatos na, di gaya ng unang punta niya na naka short at tsinelas lang. May dala din itong bulaklak at isang pirasong toblerone na may ribbon.

Kasama nito ang tatlong kaibigan na si Raddie, Miggy at Benjie. Naikwento niyang maraming tambay sa kanto ng eskinita nung unang punta nya kaya nagsisama ang mga ito para daw may bodyguard siya.

Gusto pa ngang sumama ng ibang kaibigan kaya lang ay di na siya pumayag at baka magmuka ng may susuguring kalaban sa lugar ni Osang. Manliligaw lang naman siya.

Ipinakilala ni Rudy ang mga kasama sa dalagang liligawan, nakipag kwentuhan ang mga ito kay Osang at pagkatapos ay nagpaalam na rin ang tatlo. Sinabi ng mga ito kay Rudy na mag hihintay na lang sila sa labasan, para maka diskarte ito ng walang istorbo. Natawa naman si Osang sa birong totoo ng mga kaibigan ng manliligaw niya.

Nakita kasi ni Miggy at Raddie ang ka batch nila sa bilyaran, kaya doon na lang sila pupuntahan ni Rudy pagkatapos pumanik ng ligaw kay Osang.

Nakakatag tatlong bote na ng beer ang mga kaibigan ng dumating si Rudy. Nagkamay si Rudy at ang ka batch ni Miggy at Raddie matapos maipakilala sa isat isa. Matapos maubos ang isa pang boteng beer ay nag paalam ng uuwi ang apat.

Panty HunterWhere stories live. Discover now