Chapter 33 (potik)

3.5K 102 0
                                    

Napakadaming salamat at thank you ang sinabi ng buong grupo ni Nesty sa magkakaibigan. Inaabutan pa sila ng pang merienda pero di na nila tinanggap. Malaki laki na rin naman ang nakuha nilang tip sa mga inasikaso nilang guests. Matapos ang ilan pang usapan ay sumakay na uli ng van ang magkakaibigan upang maihatid pauwi. Mag aalas kwatro na ng umaga kaya nag kanya kanya na uli ng uwian ang sampu. Masaya sila na may nagawa silang maganda, napagbigyan pa ang kahilingan ng kaibigan. May natanggap pa silang tip.. lalo na si Andy......

Gaya ng nakasanayan na ay sa basketball court na nagkita kita ang ilan sa magkakaibigan. Napagkwentuhan nila ang naganap na party ng mga bakla.

"Hindi kami naniniwala na na zero kayo kagabi.", sabi ni Ver. Habang pinapanood ang nauna sa kanila sa court na naglalaro.

"Tado! Eh puro ninang na sa kasal ang mga nasa party. Muntik ko pa nga pagmanuhan yong isa.", reklamo ni Raddie.

"May bata man mga bading naman. Meron ngang kumukursunada dito kay Miggy. Tang ina!.. kala mo boksingero eh. Ang laki ng masel... pati sa muka!'', sabi ni Romel.

Tigas ng kantyawan ang magkakaibigan. Kaya pati ang mga naglalaro ay natatawa rin sa kanila kahit di naman naiintindihan ang pinag uusapan nila.

"Si Andy ang tanungin nyo, baka may iku kwento yan.", nakangising sabi ni Odyll.

"Ano?.. wala akong alam dyan ha. Alam nyo namang papasok ako sa seminaryo. Inosente ako.", pa OA na depensa agad ni Andy.

''我靠( ‵o′)凸 ka!... kitang kita ka namin ng nag gilid ka…'', pananalakab ni Babbet.

Natawa na si Andy... "Ang bangis talaga ng mata nyo.", sabi ni Andy.

"Pati pang amoy malakas din… amoy na amoy namin ang masama mong hangarin.'', kantyaw ni Jerry.

"Alam na agad namin na may kalokohan kang gagawin, pa linga linga ka pa ha.", kantyaw ni Meryll.

"Inggit lang kayo, puro espadang baluktot ang nasa tabi nyo.", kantyaw ni Andy.

"Nagsolo pala si Andy kagabi, gusto nyo ba mamaya wag ma zero?", namimilog ang matang tanong ni Ver.

"Anong meron?'', tanong ni Rudy.

"Perya tayo mamaya, magsasama daw ng kaibigan ang bata ko. Saglit lang tayo dun tapos ayain natin sa kubo.'', planong malupit ni Ver.

"Patak patak lang tayo… o ano gusto nyo?'', tanong ni Ver.

"Magaganda ba yan? Baka mga mukang takure yan ha.'', tanong ni Jerry.

"Magaganda, mga palaban mga pare. Alak yosi at pulutan lang ayos na!'', singit na sagot ni Bobby.

"Tang ina ,sayang naman. May pasok ako bukas. Di pwede magpuyat.'', nanghihinayang na sagot ni Meryll.

"Alam mo yang trabaho, istorbo sa pakikipagbarkada yan.'', sabi ni Orlan.

"Tado, igagaya mo pa kami sayo.'', sabi ni Bobby.

"Napapansin ko lagi mo na lang akong binabara ha Bobby. Taeng tae ka sa akin!'', pikon na sigaw ni Orlan.

"Puro wala sa hulog ang mga banat mo e, nakaka bobo!.'', sagot ni Bobby.

Naalarma ang magkakaibigan. Nagkakainitan ang dalawa.

"Ano ngayon ang gusto mong mangyare?'', tanong ni Orlan.

"Ikaw,.. kung ano ba ang gusto mong mangyari.", madiin na sagot ni Bobby sabay tayo.

Napatayo na rin ang magkakaibigan. Humanda sila sa pag awat para anut anuman ay di magpang abot ang dalawa. Nang biglang pumagitna si Laylay.

"Anu ba kayo!. Magkakaibigan tayo. Lahat tayo nagkakamali! Lahat naman ay pwedeng mapag usapan ng maayos! Lahat tayo mamamatay at magiging potik!", seryosong sabi ni Laylay.

"Tanga! Anong potik?.. baka alikabok!", sigaw ni Benjie.

"Ganun din yun!.. kapag nabasa ng tubig, potik na yun.", banat ni Lalay.

Nauwi sa tawanan ang kani kanina lang ay pagtatalo ni Bobby at Orlan.

Nagkasundo ang dalawa at magka akbay pa na tumatawa habang kumakanta ng kalokohan si Laylay na kaboses ni Renz Verano.

Panty HunterWhere stories live. Discover now