Chapter 46 (hagikgik)

2.8K 93 0
                                    

Sa Tweety Girl's bar pa rin…

"Boss, pulutan na buhay? May bago kami ngayon, tisay.", bulong ng floor manager kay Andy.

Nang hindi sumagot ang tinanong ay muling nagsalita ang manager.

"Bagong dancer namin ang ibibigay ko sayo, boss. Disinuebe anyos.", pangungumbinsi pa rin nito.

Tumingin si Andy sa manager at tumango. Nangiti ang manager.

"Yang mga kasama mo, boss?", tanong nito.

"Mamaya na daw sila, pag may natipuhan sa mga alaga mo. ", sagot ni Andy.

Tumalikod na ang manager at saglit lang ay kasama na nito ang tisay na sinasabi at papalapit na sa mesa ng magkakaibigan.

"Maganda nga! ", naibulong ni Andy sa mga kasama. Nagtanguan naman bilang pagsang ayon ang lima na nakatingin din sa seksing babae.

Tumayo ang magkakaibigan ng makalapit ang babae sa mesa nila. Matapos ipakilala ang mga sarili ay nagsiupo na uli ang lima. Si Andy naman ay nagpaka gentleman, ipinaghila ng upuan ang nagpakilalang si Lena.

Andy's pov:

Panay na ang pag uusap namin ni Lena. Hindi siya magastos kasama, ang isang ladies drink na inorder ko kanina ay inu unti unti lang nya ng inom. Maya maya ay may lumapit na waiter kay Lena at may ibinulong.

"Andy, number ko na.", malambing niyang bulong sa tenga ko. Tumayo uli ako at inalalayan siya. Maya maya ay naging sentro na ng ilaw ang stage. Kasabay ng hiyawan ang paglabas ni Lena. Nakasuot siya ng isang cotton shirt na labas ang pusod at maigsing maong na short na hindi nakabutones. Mula ulo hanggang paa ay nagpapakita ng kaseksihan si Lena.

Di ko maialis ang pagkakatitig ko sa kanya. Umiindayog ang balakang niya kasabay ng tugtog. Twing aangat ang dalawang kamay niya ay umaangat din ang cottonshirt na suot ni Lena. Nasisilip ang ilalim ng dalawang maumbok na dibdib niya na walang takip. Paminsan minsan ay tumitingin siya sa akin. Babasain ang labi at pagkatapos ay kakagatin.

Nasusundan ko ng tingin ang paghagod ng kamay niya sa leeg, pababa sa magkabilang dibdib, pababa sa tiyan, paikot sa balakang at sa nakabakat sa kanyang harapan. Bahagya pa niyang ibinaba ang zipper ng short at akmang ibaba ang suot pagkatapos ay gumiling pababa. Napalunok ako, ng humarap pa siya sa akin at titig na titig na umupo ng pabukaka at saka gumalaw na akala mo kay kasiping.

Malakas na palakpakan ang umugong pagkatapos ng mainit na performance ni Lena.

"Pare, baka pasukan ng lamok ang bibig mo.", kantyaw ni Odyll sa akin.

"Tumutulo, pare. Punasan mo muna.", kantyaw din ni Raddie.

"Tado!..", natatawang sagot sabay kambyo ng pasimple sa nag aalburoto kong alaga.

Ilang saglit lang ay bumalik na si Lena sa tabi ko. May ibinulong siya sa akin.

"Nagustuhan mo ba ang sayaw ko?", malambing niyang tanong.

Ang bilis ng pag oo ko, kaya nahampas nya ang braso ko. Tinanong ko kung pwede siya ilabas. Nang sabihin niyang huwag na ay di ako nakakibo. Napahiya ako. Pero may sinabi siya uli......

"Antayin mo na lang matapos ang isa ko pang number, tapos ihatid mo ako sa apartment ko. Ok lang ba sayo?", malambing na tanong sa akin ni Lena, sabay halik sa pisngi ko.

"Palagay ko, uuwi tayo ng lima na lang.", makahulugang sabi ni Miggy. At sinabayan pa nila ng tawanan.

Isiniksik naman ni Lena ang mukha niya sa leeg ko habang humahagikgik.

Panty HunterWhere stories live. Discover now