Chapter 39 (kidnapin)

3K 103 0
                                    

Bumalik si Miggy sa bahay nila Lualhati at masugid na nanuyo sa dalaga. Ang lahat ay boto kay Miggy. May dalawang lalaki pa na nanliligaw kay Lualhati pero sya ang nagustuhan ng dalaga. Pagkagaling ng university na pinapasukan ay madalas na dumadaan muna si Miggy kay Lualhati para makita at makausap ang dalaga. Dinadalhan nya ito ng kahit ano lang. Simple lang ang dalaga. Matapang pero napakalambing naman at maasikaso kaya lalo ng nahulog ang loob ni Miggy dito. Hindi sya tumatagal na di makita ang gf kahit sandali lang.

Isang gabi ay nagyaya sila Babet na pumunta ng party. Madami daw magagandang chicks. At dahil kilala nila ang organizer ay makakapasok sila ng libre.

"Tinatamad ako, kayo na lang.", sabi ni Miggy.

Hindi na rin nagsisama sila Raddie , Rudy at Meryll na kauuwi lang galing trabaho. Uminom na lang sila.

Maya maya ay humahangos na dumating si Bobby..

"Miggy, halika na sumama na kayo. Nandun yung bata mo may kasayaw na pogi.", sumbong nito.

Napabilis ng tayo si Miggy at selos na selos na sumugod sa party na sinasabi ni Bobby. Kasunod ang iba pang kaibigan na kasama sa inuman.

Pinasok ng grupo ang party at hinanap ang gf ni Miggy. Umuusok ang tumbong ni Miggy ng makita ang gf na may kasayaw. Lumapit siya at pagkatapos tapikin sa balikat ang lalake ay sinuntok ito agad. Nagkagulo sa loob ng party. Mabilis na inilabas ng magkakaibigan si Miggy at ang lalaking sinuntok nito, nakasunod ang babae.

Pinagmumura ng babae si Miggy,... hindi ito si Lualhati. Palibhasa ay nasa liwanag na kaya nakilala ni Miggy ang mukha ng napagkamalan ni Bobby na Lualhati.

Nakipag areglo ang grupo sa lalaki na pumayag narin. Kilala nito si Miggy at kung kanino itong anak kaya naayos na agad ang gusot. Pati sa kaibigang nag pa party ay humingi rin ng paumanhin si Miggy.

Nang maayos na ang gusot ay bumalik na ang magkakaibigan sa inuman. Ang lakas ng kantyawan ng grupo kay Miggy.

"Pahamak tong si Bobby, si Lualhati daw. Akala... Ang layo pare. Ang ganda ng bata ko.", naiiling na sabi ni Miggy.

"O e akala mo rin naman diba, kaya paglapit mo binira mo agad yung kasayaw.", kantyaw ni Bobby.

Nagtawanan sila habang nakayukong iiling iling si Miggy.

"Kidnapin na kaya natin yang si Lualhati para di na nagkakaganito itong si Miggy... hay... pag ibig!", tukso din ni Meryll.

"Tado, uminom nalang nga tayo.", sabi ni Miggy.

Okay!!..........

Panty HunterWhere stories live. Discover now