Chapter 16 (bimpo)

4.9K 141 1
                                    

Itinuloy ng anim ang inuman sa tindahan ni Aling Biring. Tigas ng kantyawan nila dahil sa nangyari.

"Pahamak kasi itong si Odyll. Di nakuntento sa isa. Dinalawa pa mga tol!", kantyaw ni Nilo.

"Malay ko ba!... wala akong alam kay paa ha. Ako na nga itong pinaa ako pa may kasalanan.", reklamo ni Odyll.

Nagtawanan ang magkakaibigan.

''Tiyak magkakaaway na yung mga babae dun.'', sabi ni Joey boy.

"Kinulang kasi tayo eh. Ang dami palang bebot dun. Dapat nagtawag tayo ng back up!.", natatawang sabi ni Benjie.

Nang maubos ang isang case na beer ay nagsi alis na sila sa gilid ng tindahan ni Aling Biring. Ang ilan ay uuwi na at ang ilan ay mag hahanap ng mapagbabalingan. Alas 3 na ng madaling araw kaya pinili na ng anim na umuwi na lang para matulog.

Hapon....

May dalang bola ng basketball si Andy at nag aya magpapawis. May naglalaro pa ng dumating sila kaya naupo muna sila sa gilid ng court at nanood.

Nang matapos ang mga naglalaro ay nagkampihan na ang magkakaibigan. Nakabuo ng dalawang team kaya nag umpisa na sila magpapawis. Nagpa sub si Miggy dahil pinulikat. Naupo siya sa lapag at nanuod na lang. Tagaktak ang pawis niya na pinupunasan lang ng damit na hinubad. Nagulat siya ng may lumapit na bata at nag abot ng bimpo sa kanya.

"Pinapabigay po ni ate Lorna.", sabi ng bata sabay turo sa sinasabing Lorna ng bata. Sumunod ng tingin si Miggy sa tinignan ng bata. Nakita niya ang isang matangkad na babae. Alon alon ang mahaba nitong buhok at maganda. Kumaway ito sa kanya ng makitang nakatingin siya. Gumanti siya ng kaway at itinaas ang bimpo at ibinuka ang bibig na nag thank you ng walang tunog. Ngumiti ang babae at nagmamadali ng pumasok sa bahay nila. Nagsikuhan ang mga kaibigan ni Miggy na nakita ng pangyayari.

"Iba talaga kapag pogi!", kantyaw ng mga ito.

"Mga sira ulo!.", natatawa niyang sabi sabay hagis ng pinaghubarang t-shirt na basa ng pawis.

Panty HunterWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu