Chapter 30 (galit)

4.4K 108 0
                                    

Malapit na ang Fiesta ng baranggay……

Syempre nag umpisa na rin ang pa liga ng basketball. Gabi gabi ay puno ang paligid ng basketball court kapag junior division na. Lalo na kapag ang mga panty hunter ang may laban.

May grupo ng mga bakla,  mga dalagita, mga dalaga, mga nanay, kahit na kapwa mga barako ay nanonood. Mga kabaranggay na sadyang mahilig sa basketball at mga mahilig sa.... 

(+﹏+)~ pogi!

Kapag may laro ang magkakaibigang ito ay tyak na mas marami ang mga naka duty na brgy. tanod . Naka standby din ang tatlong pulis sa gilid ng court na sakay ng mobile. Kadalasan kasi ay may gulo.

Kundi magkapikunan ang nag aasarang mga fans ay namumura at inaaway naman ang mga referee. Marami ring lalaki sa manunood ay hanga sa play at team work ng Hunters. Ang iba ay hanga at ang iba naman ay nayayabangan.

"Di naman magaling ang iba dyan sa mga yan, nadadala na lang ng itsura nila ang suot nilang uniform. Pag nalaban sa team natin yang mga hunters na yan, pakainin natin ng siko at tadyak ang mga mukha nyan. ", nakangising sabi ng isang lalaki. Nakiayon naman ang dalawa pa nitong katabi.

"Ah… ganun!… Um!!", sabi ni Kakang Gareng, sabay batok sa lalaki.

Kunot ang noo na nilingon ng lalaki ang bumatok sa kanya. Nawala ang pagkakalukot ng muka nito ng makilala ang nasa likuran niya.

"Lola naman…", reklamo nito.

"Batok lang ang inabot mo sa akin, pero kapag di mo itinikom yang bunganga mo ay malamang na manghiram ka ng muka sa aso kapag narinig ka ng mga baklang yan sa gilid mo!.", babala ng matanda sabay turo sa malaking grupo ng mga bading na nagkakaingay sa pagtili ng makita na ang player ng Hunters.

Hindi na sumagot ang apo sa sinabi ng kanyang lola. Nang lingunin nya ay wala na ito sa likuran. Nang hanapin kung nasaan ay nakita nyang nakaupo na ito sa tabi ng mga nagsisitiling babae. Nailing ang apo ng makita nyang pati ang lola nyang 65 years old ay kinikilig sa Hunters.

Tumunog na ang hudyat para mag umpisa ang laro. Makatanggal tutuli ang tilian ng pumagitna na ang mga manlalaro. Jumpball, napunta sa Hunters ang bola.. tilian ang mga fans... naishoot... tilian ang mga fans... Sa kalaban ang bola... nagkakaingay ang fans... booo... naishoot... tilian ang fans ng kalaban... Nag umpisa na ang asaran!

Parang championship na kung mag titili at magpalakpakan ang mga nanonood. Maganda ang laban, dikit ang score. Parehong penalty ang magkalabang team. Pati ang mga referee ay under pressure na rin. Hindi sila pwedeng magkamali ng tawag, kundi ay tyak na magkakaroon na naman ng violent reaction ang mga tao.

Last two minutes… iba na ang hangin sa court. Lamang ng dalawa ang kalaban at sa kanila pa ang bola... umiikot ang bola sa pagpapasahan... naagaw ng Hunter ang bola... mabilis na ipinasa sa ka team.... shoot!.. talunan ang mga fans. Dumagundong ang palakpakan at tilian.

Sa kalaban  uli ang bola... tinangka uli na agawan ng hunters... naagaw nga ang bola... ilang segundo na lang ang nalalabi... hinagis ni Miggy ang bola sa ring... shoot!... talunan ang mga miron... umugong ang malakas na tilian at palakpakan. Nanalo ang Hunters hindi lang sa game kundi pati sa paghanga ng mga fans nila.

Nagpahinga ang grupo sa tapat ng tindahan ni Pining. Pinag uusapan nila ang katatapos lang na laro. Napahinto sila ng usapan ng may lumapit na apat na babae. Kinikilig kilig pa ang mga ito ng magsabi kung pwede makipag kamay. Nakipag kamay naman ang Hunters, kinawayan pa nila ang apat ng magpaalam ng aalis.

"O heto na ang binibili nyo!", nagdadabog na sabi ni Danice.

Natawa si Raddie, may idea na sya kung bakit galit si Danice.



Panty HunterWhere stories live. Discover now