Chapter 22 (heaven)

5.5K 117 3
                                    

Nakahanda na lahat...

May katamtamang lakas ng sounds at mapusyaw na ilaw. Ang kubo ay naghihintay na sa mga bagong payag maging biktima......

Nag umpisa na mag inuman ang magkakabarkada, birthday talaga ni

Orlan, kaya lang nung isang linggo pa.

Naka isang case na sila ay wala pa ang mga inimbitahan nila na bisita. Maya maya pa ay nagsungawan na ang mga seksing babae sa pintuan.

"Kala namin iindyanin nyo na kami eh.", nagtatampong sabi ni Andy kay Roxette. Umupo naman si Roxette sa tabi ni Andy.

"May dumating kasing bisita kaya di kami agad nakaalis.", malambing na bulong nito kay Andy.

Pinaupo ng magkakabarkada ang mga bagong dating. Si Rocky, Meme, Regie, Sheryll, Mercy at tatlo pang babae na nakainuman na nila nung birthday ni Roxette. May mga partner na ang ibang barkada kaya si Ver na ang nag asikaso sa tatlo.

Nag umpisa na inuman. Nilantakan na ng magkakaibigan ang mga babae...... este ang pulutang dala ng mga babae. Hindi pa masyadong nagtatagal ay nagpaalam ang anim na hunter sa mga kasamang nag iinuman. Alam na ng mga ito na ganun ang mangyayari kaya nagkatanguan na lang sila at ok na. Kasama ng anim ang anin na babae.

Paglabas ng kanto ay may sasakyan ng nag hihintay sa kanila. Isang pulang van na minamaneho ni Benjie. Nasa tabi na niya ang latest gf. Bumati pa ang kasama ni Benjie sa mga kasama nilang babae na parang dati ng magkakakilala gayong nun lang ito nagkita kita.

''Mga tol, si Digna nga pala bata ko.'', pagpapakilala ni Benjie sa kasama niya. Nang oras na yun lang din nila ito nakilala.

''O saan tayo ?'', tanong ni Benjie. Nakalingon pa ito sa mga kasama.

"Gusto nyo ba uminom o direcho na tayo?", tanong Andy kay Roxette na naka kapit sa hita nya.

Tumingin muna ito sa mga kasama at saka nagsabing...."direcho na tayo may drinks din naman doon."

Napasipol si Andy sa sagot ni Roxette sabay kagat sa baba nito. Nagkantyawan na ang mga kasama nila.

"Uy... nandito pa kami huh...", sabi ni Regie na nakasandal na rin kay Rudy.

"Okay let's go to Heaven...... yuhoooo!!!!". Pinaandar na ni Benjie ang sasakyan.

Nakarating sa gustong puntahan ang grupo. Maraming bakante kaya, kaya silang pito okupahin. Matapos ma fill up pan ang "biodata" at makapagbayad minus ang discount card ay magkaka akbay na ang magkakapareha na pumanik ng hagdanan.



Panty HunterWhere stories live. Discover now