Chapter 31 (para sa bayan)

3.7K 97 0
                                    

Sa araw ay hindi makikita ang magkakaibigan sa labasan. Para silang mga aswang na takot sa sikat ng araw.

Third year Criminology student sila Miggy at Raddie. Ang gusto ng ama ni Raddie ay mag Nautical siya o kaya ay Marine Engineering. Pero dahil boring para sa kanya ang buhay barko at lagi daw malayo sa pamilya ay pag pupulis gaya ni Miggy ang kurso na kinuha nya. Hindi na tumutol ang Daddy nya. Kaya magkasama pa rin sila ni Miggy pati sa unibersidad na pinapasukan.

Si Andy naman ay ahente ng tinta at papel na ginagamit sa zerox machine. Kapag nakita na siyang naka disenteng kasuotan ay mapagkakamalan pang manager sa opisina ang loko.

Si Odyll ay kasa kasama ng tita nya sa pag aahente ng mga lupa, bahay at condo unit. Maganda ang komisyon sa realty world.

Si Meryll ay regular employee sa isang napakasikat na mall and supermarket. Minsan ay nakakasama pa ito sa mga seminar kasama ng mga bigtime na business man.

Si Rudy ay kasa kasama at katulong naman ng Mamang niya sa pamamakyaw ng bangus sa Consignacion.

Nakukumpleto lang sila kapag libre ang mga iskedyul gaya nung mga nakaraang mga araw lalo na at may hahantingin. Gaya ngayong gabi.................

Bihis na bihis ang magkakaibigan. Kahit malayo pa ay maaamoy na ang cologne na gamit nila.

Pinakiusapan sila ng kaibigang bakla na si Nesty na mag waiter sa fund raising na in organize nito. Dahil mabait at generous sa kanila ang beauty queen na bading ay pumayag agad sila.

Dumating na ang isang pulang van na susundo sa kanila, kasama ng anim si Babet, Romel, Joaquin at Jerry. Ang apat kasi ang ni request ni Nesty. Parang mga artista ang itsura ng sampung sumakay. Makalaglag panty talaga!

Sa isang malawak na party hall gagawin ang party. Maganda at disente ang ayos. Pati ang improvised counter ay elegante din ang pagkakaayos. Ang kikitain ng event ay mapupunta sa isang institusyon na kumakalinga sa mga matatanda.

"Makakagawa tayo ng mabuti ngayong gabi.", bulong ni Miggy.

"Para sa mga lolo at lola,... para sa bayan!", OA na sabi naman ni Raddie. Nagkatawanan sila pati na si Nesty na ngiting ngiti na sumalubong sa kanilang pagdating.

Panty HunterWhere stories live. Discover now