Chapter 36 (alindog)

3.2K 96 0
                                    

Matindi ang naging hang over ng alak na ininom nila kagabi. Masakit na masakit ang ulo ni Raddie. At kapag ganun ay iminom uli siya ng dalawang bote ng beer at binirahan uli ng higa. Mabuti na lang at umalis ang Mommy nya kasama ang utol nyang si Jingjing.

Nakatulog uli si Raddie.

Raddie's pov:

May tumabi sa akin. Kahit nakapikit ako ay ramdam ko na may nakatingin sa akin. Maya maya ay naramdaman kong may humihimas ng mukha ko. Tapos tinatalunton ng daliri ang ilong ko. Nakiliti ako kaya medyo gumalaw ang ilong ko. Tumigil ang kamay sa paghipo sa mukha ko. Di pa rin ako dumidilat. Maya maya ay may naramdaman akong mainit na hininga na lumalapit. Palapit sa bibig ko. Hinahalikan ako!

''Ayos ang panaginip na to'', sabi ng isip ko. Lumaban ako ng halikan kahit nakapikit. Hinawakan ko pa ang batok ng humahalik sa akin. Mabango ang bibig ng kahalikan ko, amoy toothpaste. Pumasok ang dila ko at nagsungkal sa loob. Napaungol ang hinahalikan ko..........

Teka!... parang kilala ko ang boses. Dumilat ako. Napabalikwas ako ng bangon ng makilala ko kung sino ang pangahas na nagsasamantala sa kahinaan ko.

"Danice!.. anung... bakit.... panung...", tanong ko sa kanya na di ko naman matapos tapos sabihin.

Nanlaki ang mga mata ko ng unti unting maghubad si Danice sa harapan ko. Para akong itinulos sa kinauupuan ko ng makita ko ng malapitan ang maganda at maputi nyang katawan.

Naka panty at bra na lang sya. Nakangiti at namumungay ang mga mata ni Danice. Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Titig na titig ako sa mukha nya. Amoy ko ang shampoo na ginamit nya sa mamasa masa nyang buhok. Pati ang lotion na pinahid sa katawan ay amoy ko rin. Bagong ligo si Danice.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan uli ang bibig ko. Marahan kong itinulak palayo si Danice.

"Alam mo ba ang ginagawa mo?", mahinahon kong tanong sa kanya.

"Alam ko...", pabulong nyang sagot. At hinalikan uli ako.

Lalaki ako, barako.. hindi ko kayang tanggihan ang alindog na nasa harapan ko. Inihiga ko si Danice.

Panty HunterWhere stories live. Discover now