Prologue

15.8K 533 505
                                    

Prologue

"Mi, I said I can handle this. Paulit-ulit na lang tayo," I said, the irritation in my tone is evident.

"Yes, Sonya, but we want the best for you. Especially, sa Dotonbori ka na makapagpapatayo. That's your dream, right!?" my mommy said merrily. She walked near me and caressed my hair.

Kauuwi ko lang galing trabaho at ang pangungulit ng ina ang sumalubong sa akin. Pinipilit na makisawsaw sa mga nakatakda kong plano. 

My eyes narrowed into slits. 

I bet my father forced my mother to talk to me about this. Talaga nga naman. 

Nagtatampo kong iniwas ang ulo sa kaniya.

"Okay, so what do you want me to do? Let you two decide-"

Her eyes broadened as she came closer.

"Of course, no, Sonya! I won't do that to you!" Her lips curved upwards.

"And Daddy?" 

I sighed when her smile faded.

"May architect kasing nakuha ang daddy mo na magdedesign ng restaurant mong ipapatayo sa Dotonbori. He's very popular sa Pinas, aba lalo na sa Amerika, Sonya! Imagine, skyscraper ang mga dinidisenyuhan niya tapos dito restaurant lang napapayag siya!? Like, ew!"

I frowned at her wincing face.

"Noong una nga, anak. Nabwisit ako sa lintek na 'yon! Do you want to know why?"

She stared at me and waited for me to answer.

"No." I removed my trench coat and placed it beside me.

"Ganito 'yon. Noong una, siya ang nag-offer! So naka-settle na ang lahat. Sasabihin na lang sa iyo. Tapos!" ngumiwi siyang muli. "Tapos, anak, bigla ba namang binawi ng siraulong iyon!?" she acted like she cannot breathe.

"Arte nito," I mocked.

"Yes, Sonya, maarte talaga 'ko. So iyon na nga! Binawi niya kaya ang daddy mo naman ang naghabol! May padisco-discover pa siyang nalalaman, kesyo new environment naman daw ganon! Babawiin din pala niya! Asus! Pero at the end, he said yes naman. Pero tayo ang nagmukhang naghahabol sa kaniya. Hay, that freak!"

"Kung napipilitan ang Arkitektong iyan, eh di wag ninyong pilitin! Kaya kong maghanap ng mas magaling, Mi," I convinced her.

She stuck his tongue out and then rolled her eyes.

"No, nagmukha ng tanga ang Daddy mo sa paghahabol. 'Di ako papayag na hindi natin magagamit ang siraulong iyon. Give him a hard time, huh, Sonya?" She talked like an evil. 

My eyes rolled back. As if?

Matapos ang ilan pang panghihikayat ay umalis na ang Mommy sa kuwarto ko. Dumiretso naman ako sa banyo at naligo nang sa gayon ay maalis ang lagkit sa aking katawan. 

The restaurant was exceptionally busy earlier. Palibhasa ay holiday. Wala akong ginawa kanina kundi pumarito't pumaroon. Lalo na at marami ang kumuha ng day-off sa linggong ito. 

After an hour, I stood up from the warm water in the tub and went outside. Instead going downstairs for dinner, I stayed in my room and scrolled through my email.

I was constructing an email for an applicant when I received a text message from a friend. I opened it and read.

Juliet:
Hoy sonya ipasok mo ko sa dotonbori huhu

Sonya:
In your dreams. 

Juliet:
Lol I know you can't resist me

His Cold Touch (Japan Series #1)Where stories live. Discover now