Chapter 17

2.2K 151 82
                                    

Chapter 17

"Hoy, hindi ka pa graduate. Sabay pa tayong gagraduate," malungkot na sinabi ni Juliet sa kabilang linya. 

Binigyan ko ng munting ngiti ang flight attendant na nasa harapan ko at inabot ang aking boarding pass. 

"Juliet, I need to end the call. I'll text you later," I said and ended the call.

After sitting on my assigned seat, I texted my mommy to pick me up at airport later. After I read her reply, I turned off my phone and wore the headphone. 

When the plane took off, I felt pain inside my ears that I almost cried. The pain didn't leave until the plane landed. 

"Goodness, ang sakit!" hinampas hampas ko ang tenga ko. Napatingin ako kay mommy na nakangiwi sa akin habang pinapanuod ako na pinaghahampas ang mukha.

We were walking towards a money changer inside the airport. Dinala ko ang perang naipon ko last school year. Pinagalitan pa ako ni mommy dahil bakit ang dami daw ng naipon kong pera. 

"Natulog ka ba noong take-off? Or no'ng nagland?" my mommy asked.

"Yeah, I was so tired." 

Pumalatak siya bago inabot sa akin ang pera.

"Next time, don't."

"Bakit?" I asked her while putting the money inside my wallet.

"Masakit sa tenga 'pag ganoon. Kaya sa susunod, hintayin mo bago ka matulog. Or do not sleep at all," she laughed.

I nodded slowly. I remembered Flint. He kept me awake during take-off and landing. It makes a lot more sense now.

Pagkatapos namin sa money changer, lumabas na kami ng airport. Napayakap ako nang maramdaman ang lamig ng hangin ng Osaka. Pinagmadali ko si mommy na maglakad dahil gusto ko nang mainitan sa loob ng sasakyan.

"Goodness, ang lamig. You told me it's already summer?" sabi ko nang makasakay sa passenger seat na nasa kanang banda.

She looked at me and laughed. "What? Katatapos lang ng spring. Magsusummer pa lang pero mainit na 'to. Paano pa kaya kapag winter na?" she smirked.

Hindi ko na sinundan pa iyon. Pinanuod ko na lang ang ganda ng Osaka. Sobrang laki ng pinagkaiba ng Japan sa Pilipinas. Nakakalungkot aminin ngunit walang wala ang Pilipinas kung ikukumpara sa Japan. Kung cities ang pag-uusapan.

Pinaglaruan ko pa ang bintana ng sasakyan na nagmomoist dahil sa lamig. Hiningahan ko iyon kaya't naging puti ang kulay. Gumuhit ako ng maliit na penis at pinicturan iyon. Nang makuhanan ng litrato ay agad kong binura ang aking masterpiece. Kinuha ko ang cellphone ko at agad na  pumunta sa messages at hinanap ang numero ni Juliet.

Sonya:
Mi obra maestra.

Pagkasend ko ng text na iyon ay isinunod ko ang picture. Her reply appreared on the screen so quick.

Juliet:
Just naman
Just*
JUTS!1!1!!%&***

Bahagya akong natawa sa typos ng kaibigan. Hindi na ako nagreply pagkatapos ko siyang trashtalkin. Naghintay na lang ako hanggang sa makarating kami sa pupuntahan.

Napatingin ako sa labas nang huminto kami sa isang bahay na malaki. Medyo naiiba iyon sa mga bahay na katabi nito. May pagkamoderno ang disenyo di gaya ng mga japanese house sa paligid. Bahay iyon ng tita at tito na nanirahan dito sa Osaka pagkatapos ikasal sa Pilipinas. Dito rin pansamantalang tumitira sila mommy and daddy habang hinihintay matapos ang bahay na ipinagawa noong nakaraang taon.

"Si daddy?" I asked my mommy while putting my suitcase out of the car.

"Nasa trabaho kasama ang tito Mike mo," she answered and then helped me.

His Cold Touch (Japan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon