Chapter 8

2.7K 185 118
                                    

Chapter 8

Nang matapos si Flint sa banyo ay pumasok na agad ako. I didn't really know what to do next. I ruined everything. I always turned everything into an awkward situation.

Nang kumain kami ng dinner sa restaurant ay hindi ko hinayaang mapanis ang laway ko. Kinausap ko siya nang kinausap. Naging normal naman ang takbo ng usapan namin at nawala na ang awkwardness sa amin. Lalo na nang naglaro kami sa buhanginan.

"Ano 'yan?" I pointed at the lump in front of him. 

"Castle!" He rolled his eyes at me.

"The fuck, parang tite!" I pointed at my castle. "Ganito ang castle!"

He laughed when he realize that his castle looks like a dick. "Oo nga, 'no!" 

Gabing gabi na nang pumasok kami sa villa. Nagbanlaw ulit kami saglit bago natulog.

Malapit na akong makatulog nang malalim na bumuntong hininga ang nasa kabilang kama. Para siyang nahihirapang huminga. Napaupo ako sa kama.

"Ayos ka lang?" dali-dali akong tumabi sa kaniya.

Hinawi niya ang kamay kong nasa leeg niya. Napalakas iyon kaya't nanlaki ang mata niya.

"Sorry," he apologized.

"Namumutla ka?" tinitigan ko ang labi niyang namumutla. Kumunot ang noo ko. I went near him and pressed my lips against his. I felt his soft lips. I tried to kiss him once again and tasted him. Hindi siya gumagalaw. Nakapikit lang siya nang mariin nang lumayo ako. I sucked his lower lip for the last time. Ngumiti ako nang makitang nag-iba na ang kulay nito.

"There... your lips came back to its real color." I smiled at him.

Bumalik ako sa kama ko. Noon lang din dumating ang kaba na dapat kanina ko pa naramdaman. Bakit ko pala siya hinalikan? Para mawala ang pagkaputla ng labi niya? Normal lang iyon hindi ba?

"Kissing is normal naman when people are dating, 'di ba?" naitanong ko sa hangin.

Ilang saglit ang lumipas ay narinig ko siyang malalim na bumuntong-hininga ulit. Napatingin ako sa kaniya. He's still awake!

"I hope so." Tumagilid siya na nakaharap ang likod sa akin.

Natawa ako nang bahagya sa sagot niya. Ilang saglit lang ay nakatulog na ako.

Sa sumunod na araw, ginawa namin ang halos lahat ng water activities. Noong umaga ay nag-jetski at nag-kayak kami. Nag-banana boat naman kami nang dumating ang hapon. Tuwang tuwa si kupal tuwing napapatili ako.

"Kuya dahan-dahan lang, oh!" sigaw ko sa lalaking nagpapatakbo sa harapan.

"Kuya, bilisan pa!" sigaw ni Flint na nasa likod ko.

Nang dumating naman ang gabi ay naglaro kami ng volleyball. Pinagtatawanan ko si Flint na laging hindi natatamaan ang bola.

"I don't know how to play this!" iritado niyang sabi ngunit sinerve pa rin ang bola.

Tawa ako nang tawa sa tuwing nagrereklamo siya. Pero hindi naman siya tumitigil sa pagtira!

"Lalabas ka? Hintayin kita, ah!" sabi ko kay Flint na mukhang lalabas ng villa, katatapos lang maligo.

I went inside the bathroon and took a hot shower. This is our last night in Subic. I can say that this is my favorite beach vacation so far. I still can't believe Flint's with me.

"Sonya, are you done?"

Lumabas ako na nakabihis na. I was wearing a smocked off shoulder top and a maong shorts.

His Cold Touch (Japan Series #1)Where stories live. Discover now