Chapter 14

2.4K 158 69
                                    

Chapter 14

"Oh my! I missed you so much!" my mommy hugged me tightly.

"I missed you, too! Goodness, pumuti ka!?" I hit her.

"Oo, ang lamig! Kung kasama kita roon, siguro puro hinaing maririnig ko. Di ka pa naman sanay sa lamig," she laughed a little but I saw pain in her eyes.

I looked away and opened her baggage. Tinabihan niya ako at inagaw sa akin. Pinalayo niya ako at gusto daw niya na siya ang magpapakita sa akin.

Bahagyang kumirot ang puso ko nang makita ko ang kinang sa mga mata niya. Nakita ko ang pagtulo noon ngunit agad akong umiwas ng tingin.

"Sonya, tignan mo 'to dali!" she lifted up a dark red trench coat. It looked so expensive!

"Puro ka shopping do'n, 'no!" I teased her.

She rolled her eyes at me. Marami pa siyang mga pinagbibiling winter clothes. Napuno ang maleta niya ng mga trench coats, hoodies, beret, newsboy, beanie, scarfs at leather boots. All of it looked pretty and expensive. 

"Saan ko naman gagamitin 'yan?" I pouted my lips.

"Eh 'di sa Japan. Susunod ka do'n, 'no!"

"Ang tagal pa, ah," sabi ko at tinignan ang mga accessories na pinagbibili niya.

"Para lang ready." kinuha niya sa akin ang mga accessories na hawak ko. "'Di sa'yo lahat ng 'yan. Iinggitin lang kita."

Inirapan ko siya at saka inagaw sa kaniya ang nagustuhan kong anklet. "Akin 'to!"

Sa sumunod na mga oras, wala kaming ginawa kung hindi magplano ng mga lakad namin sa loob ng isang buwan. Pinipilit pa niya akong huwag na daw pumasok ng isang buwan. 

"Tutal naman papasok ka, makikipagkita muna ako sa mga amiga ko." 

"Okay. Bye, see you!" I kissed her cheek.

Lumabas na ako ng sasakyan at dumiretso na sa building namin. 

After my morning classes, dumiretso na ako sa canteen para maglunch. Kumunot ang noo ko nang makita si Juliet na nakaupo sa may gitna.

"Ang kapal ng mukha mo. Bakit hindi ka pumasok?" sita ko sa kaniya.

Inangat niya ang tingin niya sa akin at saka ako inirapan. Nagsimula na akong kumain. Patapos na kaming kumain ni Juliet nang dumating si Dan at Guinevierre. Napairap si Juliet nang makita ang dalawang umupo sa harapan namin. Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Guinevierre.

Dali daling umalis si Juliet sa lamesa namin. Bago ko siya sinundan ay iniabot ko kay Dan at Guinevierre ang mga pasalubong ni mommy para sa kanila.

"Hey, do you have a problem?" tanong ko kay Juliet nang matapos ang panghapon naming klase.

"Wala. Bad mood lang today," sabi niya at saka umupo sa isang bench sa harapan ng building.

Saktong sakto na nakaupo kami ngayon sa bench na laging inuupuan ni Flint tuwing hinihintay akong matapos ang klase. I miss him already. 

Even though he had many projects in US, already successful in the field of Architecture, it was necessary for him to take the two-year training. In the past months, we meet rarely because of our tight schedule. Him, working hard to be more successful. Me, being on my third-year college. Some of my professors became more strict, perfectionists actually.

"What kind of report is this, Miss Fontanilla?" 

Nahihiya akong tumingin sa propesor sa unahan. Pangalawang beses na 'kong nasisita ngayong araw. May mali na naman sa ginawa ko.

His Cold Touch (Japan Series #1)Where stories live. Discover now