Chapter 11

2.6K 184 101
                                    

Chapter 11

Lumapit ako sa sasakyan kong nakaparada sa may dulo ng parking lot. Nararamdaman ko ang pagsunod sa akin ni Juliet sa likuran.

"Kuya Ronald, park ka sa may ice cream parlor. Kakain lang kami ni Juliet. Maglalakad na lang kami papunta roon."

"Ako po maghahatid sa inyo ngayon? Wala po ata 'yung lalaking-"

Narinig ko ang pagtawa ni Juliet sa likod. Ngumisi ako sa driver para itago ang hiyang nararamdaman.

"W-Wala, Kuya. 'Di mo naman siguro sinasabi kila mommy 'yon di ba?" I asked him slowly.

I glared at Juliet when she laughed again. "What?"

"Hindi naman po, maam."

I nodded. "Chocolate ice cream?"

Naglakad na kami papunta sa ice cream parlor pagkatapos magpaalam ni Juliet sa driver niya.

Sumasakit ang balat ko dahil sa sobrang init ng sikat ng araw. Hinarangan ko ng aking kamay ang mukha kong natatamaan ng araw.

"So kamusta kayo ni Guinevierre?" I asked.

Inis siyang bumaling sa akin at hinampas ang braso ko. "Can you fucking shut up?"

"I'm your best friend! Right? Bakit hindi ka nagkukwento!" inis kong binuksan ang pintuan ng parlor.

"Libre mo muna ako."

Inirapan ko siya at dumiretso na sa counter. Umorder ako ng para sa akin, para kay Kuya Ronald at para kay Juliet. Pagkatapos naming ibigay ang ice cream ng mga driver namin, dumiretso na kami sa lamesa sa bandang dulo.

"So paano kasing nangyari 'yon?" sumubo ako sa banana split kong binili. Ang sarap!

"So nagkaayaan kasi kami ng mga pinsan kong uminom-"

"Si Rachel?" I cut her off.

"Ew. No!" she rolled her eyes and pointed her spoon at me. "Eh kasi yung mga pinsan ko, close sila sa magpipinsang Asis kaya 'yon magkakasama kami noong gabing 'yon."

Sumusubo ako ng ice cream habang nakikinig sa kaniya. Nangingisi na ako kahit na nagsisimula pa lang siyang magkwento.

"Can you stop smirking?" irita niya akong tinignan. "So, 'yon na nga! Nagising na lang ako kinabukasan na magkatabi kami sa kwarto niya sa condo! Grabe nakalimutan kong may pasok pa no'n kinabukasan , ha!" she laughed.

"Wala kang maalala?"

"Meron naman! Ang sarap ni-"

"Oh my goodness," ngumiwi ako sa mukha niyang natatawa. "Ngayon kamusta kayo?"

"Okay naman. Nag-iiwasan kasi medyo awkward talaga. Tapos first time din niya no'n." she chortled.

"Paano mo naman nalaman?"

"Sabi niya, eh!"

I laughed after that. I couldn't believe them!

"What?" I chortled. "You two should talk!"

While eating, I realized that I should tell her what happened days ago. She was my best friend after all.

"We are going to Japan on Saturday."

She looked at me and asked. "For New Year? Pasalubong ko, ha!"

I stared at her seriously. "No. For good."

"Are you serious!?" she yelled. Binitawan niya ang kutsara niyang hawak at napaubo pa.

"Yes. My daddy forced-" I sighed.

His Cold Touch (Japan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon