Chapter 19

2.3K 138 94
                                    

Chapter 19

"You know what, Rachel was bad mouthing you yesterday in our family reunion," Juliet rolled her eyes and scooped on her ice cream.

I sighed. "Yeah?"

Mula sa kutsarang hawak ay umangat ang tingin sa akin ng kaibigan.

"You know?" tanong nito.

I shook my head and then scooped. "It was unbelievable but... expected."

Pagkatapos ng isang subo ay napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Mensahe iyon mula kay Flint na nagsasabing papunta na raw siya rito.

"Ewan ko ba sa lukaret na 'yon. Pati buhay mo pinapakialaman!"

"I don't really care about her. I have my own life to live," I drawled.

"Yes! At first, I didn't really give a damn about her but when she included your parents, duh, I stood up! Mahal ko ang mga Fontanilla, 'no!" Juliet chuckled.

Natawa ako sa sinabi ng kaibigan. I patted her head and chortled.

"Tanggalin mo nga 'yang kamay mo," hinawi niya ang kamay ko.

"Ano ba kasi ang sinasabi?" napatingin ako sa banana split ko.

"Malandi ka daw ganoon. Hindi ko na pinansin kasi tunay ka namang malandi!"

Both of us chuckled after that.

"Sabagay..."

"Wala namang pakialam ang mga pinsan ko sa kaniya. Itinatakwil na nga siya, eh. Plus, pinabango ko na ang pangalan mo sa mga 'yon. Wala silang alam sa masalimuot mong amoy na tinataglay," nabitawan pa niya ang kutsara niyang hawak dahil sa pagtawa. Agad siyang tumayo at humingi ng spoon sa counter.

Pagkabalik niya ay nagsimula na naman siya.

"Hindi mo ba papatulan? Sinisiraan ka na," she looked worried. "Hindi lang ikaw, pati mga magulang mo, pamilya mo."

I don't really get it. Why do people always care about someone else's business? I mean, they have their own, right?

"I don't really know what to do about that," I bit my lower lip.

"Patulan mo!" pilit niya.

I shook my head before I replied. "The more attention she receives, the more hate she will spit."

"You've got a point but... you're hurting, do not deny it. Nasasaktan ka," binitawan niya ang kaniyang kutsara at sumandal sa lamesa upang mas matitigan ako.

I smiled a little at her worried face.

"Mas sinasaktan niya ang sarili niya. Kaya imbes na mainis, naaawa lang ako sa kaniya. Magsasawa din 'yon."

"Alright. Kung iyan ang pananaw mo. But do not hesitate to make kwento kapag inaway ka, ha," napatingin siya sa likuran ko. "Hi, Flint!"

Mabilis kong inubos ang natitirang ice cream sa cup ko. Tumayo na agad ako upang harapin si Flint. Napairap ako at umupong muli nang marealize na nanloloko lang ang kaibigan.

"Fuck you," I said and took my phone out.

Habang nagtatype sa phone ay tinanong ako ni Juliet.

"Oo nga pala, saan ka sa New Year's Eve? Welcome ka sa family ko, you know."

Inangat ko ang aking tingin mula sa phone papunta sa kaharap.

"And what? Your mom will tell me your darkest secrets?" I smirked and looked at my phone.

His Cold Touch (Japan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon