Chapter 6

3.1K 193 176
                                    

Chapter 6

"Are you out of your mind?" I unbelievably asked.

He arched an eyebrow.

"Why would you date me?" I added.

Inubos ko na ang natitirang ice cream sa cup ko at tumayo.

"You said you like me." He looked away.

I rolled my eyes at him and looked away. So he's giving me a chance now?

Tatanggi pa ba 'ko? 

"Okay. But we'll keep it a secret..." I requested, whispering.

Puzzlement passed through his face. 

"And why?"

"Nahihiya ako," nahihiya kong amin sa kaniya.

"Ikinakahiya mo na nagdedate tayo?"

"Yes." 

Tumingin ako sa kaniya. Bago siya ngumisi sa akin ay nakitaan ko ng kung ano ang kaniyang mga mata. Natawa siya pagkaraan. Nagpalitan kami ng numero bago ako tumalikod at lumabas ng parlor.

When the night came, napuyat ako kakahintay ng message niya! Inaasahan ko na magtetext siya sa akin dahil nasa kaniya na ang numero ko pero wala! Nakatulog tuloy ako na nakakunot ang noo.

Habang kumakain ng lunch kasama ang dalawang kaibigan, nakikita ko ang paglapit ni Guinevierre sa lamesa namin. Aktong uupo na siya sa bakanteng upuan nang hilahin iyon ni Flint at saka siya umupo. He then put his food tray down. 

Napanis ang ngiting dapat na ibibigay ko kay Guinevierre. Iritado niyang tinitigan saglit si Flint bago tumalikod.

"What are you doing here?" sabay naming tanong ni Dan.

I saw Juliet smirked when my eyes accidentally went to her side.

"Daming boylet, ah," bulong niya na ikinaismid ko.

"I'm eating, can't you see?" Flint answered while chewing his food.

Muli na naman akong napairap sa hangin. Napatingin ako sa lamesa ng barkada ni Flint. Nakita ko ang busangot na mukha ni Rachel habang pinapanuod si Flint na kumakain sa lamesa namin.

"Nagtatampo 'yung girlfriend mo, oh!" I pointed Rachel.

Gulat na napatingin si Dan sa akin at saka tumawa. Inis naman akong binalingan ni Flint.

"She's not my girlfriend," mariin ang kaniyang pagkakabigkas.

My friends laughed as I glared at them.

"Tapos na ako!" si Dan, mukhang nagmamadali.

"Me, too!" si Juliet.

"Huh?" aligaga kong binilisan ang pagkain dahil maiiwan kami ni Flint.

Napaubo ako nang hindi nakayanan ang pagkain na nasa bibig. Mabilis na inabutan ako ng tubig ni Flint.

"Are you okay?" he asked worriedly.

Napatingin ako sa polo niyang natilamsikan ng mga kanin galing sa bibig ko. Napangiwi ako doon. Lumapit ako sa kaniya at pinunasan ko ang mga iyon gamit ang tissue. Naramdaman ko ang hawak niya sa balikat ko habang ginagawa ko iyon. Naramdaman ko ang lamig ng kamay niya dahil sa naka-off shoulder lang ako.

Ramdam na ramdam ko rin ang mabilis niyang paghinga habang magkalapit ang mga mukha namin. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Mukha siyang kinakabahan.

"You looked nervous."

Nag-iwas ng tingin ang mga nakikiusyoso nang tignan ko sila isa-isa.

"I'm not," Flint looked away and continued eating his food.

His Cold Touch (Japan Series #1)Where stories live. Discover now