Chapter 2

4.3K 261 243
                                    

Chapter 2

Tumunog ang oven bilang hudyat na tapos na ang cake. Iniwan ko na si Flint at lumapit na doon. 

"Fuck naman, oh!" inis kong hinilot ang sentido ko.

Nagkalasog-lasog ang gilid ng tinapay nang tinanggal ko ito sa tray. I frowned at it. I really hate baking! It always looks basic but it isn't!

I thought of redoing it ngunit napag-isipan kong hindi naman mapeperpekto nang ganoon lang kadali. Masasayang lang din ang oras ko. Pagtitiyagaan ko na lang itong pangit kong gawa. Hinayaan ko muna iyon ng apat na minuto na mawala ang init bago inilagay sa ref. 

Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin sa akin ni Flint nang lumabas ako ng kusina. Aakyatin ko sana si Dan sa kwarto niya ngunit nang nasa sala pa lang ako, nakita ko siya roong nagtitipa sa kaniyang laptop.

Umangat ang kaniyang tingin sa akin. "What now?"

I pushed my lips towards as he stared at me.

"Inaway ka na naman ba?" 

I rolled my eyes at him before I sat beside him. 

"Listen." I grinned.

His brows furrowed because of confusion. Later on, his eyes narrowed in disbelief. 

"Oh no..." he chuckled.

"I kinda like... your cousin," I glanced around to ensure our privacy.

His reply was only a chuckle.

"Ewan pero alam mo 'yon? Parang nabuhay ang kiki ko!" I jabbered as I jumped on the sofa.

"Ang landi mo," he mocked me. "Kanina lang ay inis na inis ka. Ngayon... ay gusto mo na?"

Umiwas siya ng tingin at nagtipang muli sa laptop. Nagkuwento ako sa kaniya kung paano ko nagustuhan ang pinsan niya pero hindi siya nagsasalita.

"Hey! Are you jealous or what?" I said, a bit irritated because he was not responding.

"Look, Sonya. I know that you're just playing games. You always do that. But my cousin... Flint is different," he warned. 

Kumunot ang noo ko sa kaniya. He was weird, huh. Ngayon lang niya ako pinagbawalan sa mga kalandian ko.

"How come? Are you backstabbing your cousin?" I accused. 

He looked at me, a bit displeased because of my accusation. My eyebrow raised, waiting for him to answer.

"No." 

Ibinalik niyang muli ang tingin sa laptop niya. Inirapan ko siya dahil hindi ko siya maintindihan. "E, bakit parang pinagbabawalan mo ako sa kan'ya?"

"Binalaan kita," he drawled. 

Sinabi niya iyon nang hindi tumitingin sa akin. He was just pissing me off, for sure. 

I scooted off in the sala without a word and returned to the kitchen. Inayos ko ang cake at tinapos na para maagang makauwi. I sliced a cake for my mom and put it in a plastic container. Iiwan ko na lang ang cake sa mag-pinsan. Baka sabihin ay wala akong ambag sa buhay nila. Pampagood shot na rin kay Flint.

Sinulyapan ko ang lalaki sa malayong harapan na nagbabasa ng kung ano sa laptop niya. He was alternately looking at it and me. 

Sinubukan kong lapitan siya upang makipag-usap ulit ng ilang sandali. Nakakaisang hakbang pa lang ako ay dali-dali niyang isinara ang kaniyang laptop. Kumunot ang noo ko sa mukha niyang hindi alam kung anong dapat na gawin. 

"Can I ask you questions?" I smiled at him sweetly. I sat on the chair in front of him.  

He didn't look at me. 

His Cold Touch (Japan Series #1)Where stories live. Discover now