Chapter 13

2.4K 169 136
                                    

Chapter 13

"Congratulations! Best wishes for your next adventure, Architect Vidales!" I hugged my boyfriend who was still in his toga.

"Thank you, Chef Sonya!" he scrunched his nose and smiled widely. He leaned forward to give me a peck.

"Goodness! Cum laude! Sana all!" I chortled.

"You can do it, too," he rolled his eyes and then chuckled.

"Hoy, picture kayo," it was Dan.

Nagpose kami ng kung ano ano sa harapan ng camera. Umaktong babatuhin ni Dan ang camera sa amin nang inilabas ko ang aking dila at itinapat sa mukha ni Flint. 

"Ang manyak ninyo tignan..." Dan said while looking at his shots.

"Oh gosh! Kuya Flint papicture po!" 

Lumingon ako sa mga babaeng nagpapapicture sa kaniya. Nanliit ang mga mata ko nang makitang kaklase ko noong highschool ang dalawang babae sa grupong iyon. Sumimangot ako nang ikinawit noong isa ang kaniyang kamay sa leeg ni Flint.

"Anong kuya? Kabatch ko 'yon, ah," sabi ko habang naglalakad kami papuntang parking.

Narinig ko ang tawa ni Flint sa likuran ko. He held my hand and interlocked our fingers.

"Kuya mo lang din kasi si Flint. 'Di ba, Flint." 

Sabay kami ni Flint na lumingon kay Dan. Sinamaan ko ito ng tingin nang ngumisi siya sa amin.

Nang nasa sasakyan na kami ni Dan, maingay na tumunog ang cellphone ko. My mommy was calling. I answered it immediately.

"M-Mi!" bumalot ang kaba sa akin nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya.

"Accept the video call request! Where are you? Manang told me you went out of the house again!?" she yelled.

I clicked the video call button fastly. I smiled at my mommy nervously when her face appeared on the screen.

"Where are you?" her brows furrowed.

"Ah, I'm in Dan's car right now," hinarap ko ang mukha ni Dan sa phone ko.

Ngumisi si mommy bago ako kinantyawan.

"Kayo na!? Dan, crush ka pa rin niyan hanggang ngayon!" my mommy said, laughing a little.

Gustong-gusto ko nang patayin ang tawag pero hindi ko magawa! Baka akalain pa ni Flint na guilty ako, 'no! Sumimangot ako kay Dan nang ginatungan pa niya si mommy.

"Feeling ko nga po, tita!" Dan chuckled.

Nakita ko ang mapang-inis na ngisi ni Dan kay Flint sa rear-view mirror.

"Dan, alagaan mo ang anak ko, ah!" she laughed hysterically.

"Opo, tita!" natatawang sabi ni Dan habang lumiliko ng daan.

Napatingin ako kay Flint na nakatingin sa labas at nakakunot ang noo. Nakatukod ang siko niya sa gilid ng kotse at minamasahe ang gilid ng mga labi. Is he mad? Malamang!

"Alam mo, Sonya, ang lamig lamig dito sa Ja-"

Nanlaki ang mata ko sa sinasabi ni mommy! Sinabi ko kay Flint na nakauwi na ang parents ko noong January pa! Si Juliet lang ang nasabihan ko tungkol sa pag-iisa ko sa bahay!

"Patayin mo kasi ang aircon, mi! Bye, mommy! Call na lang ako later! I love you!" I ended the call.

Nang makapasok sa bahay nila, sinundan ko si Flint na tuloy-tuloy ang lakad patungo sa second floor. 

His Cold Touch (Japan Series #1)Where stories live. Discover now