Prologue

1.8K 31 3
                                    


Habang naglalakad ay ang mga matang nakatuon sa kanila ay may kaniya-kaniyang diskusyon. Marahil ang iba ay natutuwa at namamangha sa kanilang nakikita ngunit marami pa din ang sa kanila ay naguguluhan pati na din ang mga naninibago, hindi din syempre sila ligtas sa mga mata ng mga babaeng naiirita sa lakas ng dating nang kanilang grupo.

Kapansin-pansin marahil sila sapagkat bago lamang sila sa eskwelahan na ito. Walang ni isang nakakakilala sa kanila pero hindi malabong madali lamang kumalat ang chismis sa mga pagdating ng mga transferee'ng kagaya nila.

Naglakad sila papasok sa kanilang block. At Oo, magkakaklase din sila sa iisang section. Hindi din sila nakaligtas sa mga tingin na malamang ay naninibago sa nakikita ng mga ito. Madaling nakakita ng kanilang mapupwestuhan ang magkakasama. Halos magkakakalapit ang pwestong nakuha nila dahil hindi pa naman puno ang classroom nila marahil sa unang araw pa lang ito ng eskwela nila o sadya ding masyado pang maaga para sa klase.

Hindi din nagtagal at mangilan ngilan na din ang mga estudyanteng nagsisipasukan sa loob ng classroom na iyon, may iilang nagugulat sa tuwing napupunta sa kanila ang tingin ng mga ito. Marahil dahil ngayon lang din nila nakita ang mga ito.

Hindi din nagtagal ay halos mapuno na ang classroom kasabay ng pagpasok ng kanilang unang lecturer. Sa English na unang subject ng mga ito. Magalak silang hinarap ng lecturer kasabay ang pagbati ng

"Good morning student."

"Good morning Mr. Hope!" Masayang bati ng mga estudyante pabalik sakaniya.

Malamang ay napansin na nito ang mga bagong mukha sa kaniyang klase. Tiningnan niya ang mga ito at tsaka siya ngumiti.

"You are the transferee's? Am I right?" Tanong nito pero bakas pa din ang pagiging isang guro sa tono. Nakakagalang.

"Yes, Mr. Hope!" Sagot nang babaeng nakasalamin na kasama sa mga tinukoy ng guro.

Gumanti ng ngiti ang dalagang nakasalamin at ganon din ang kaniyang guro. "By the way! For your information, I am your lecturer in English subject at this section, and I am Hope Arellano. Calling me 'Mister' was really a respectful for being a teacher but not in my personality." Dere-deretsong sabi nito.

May alingawngaw na ng iilang estudyante ang naririnig mula sa loob ng classroom. Na marahil ay nagpagulo sa iniisip ng mga bagong estudyante.

"Well... Bayot ako dai! Dili man ko katanggap gud salitang Mister! Tse! Kagandang babae... Pero mas pretty man gud ako uy!" Pabirong sabi nito na gamit ang nakabisayang tono.

Nagsimula namang magtawanan ang buong klase marahil ang mga transferee ay natuwa din sa iniasal ng kanilang guro lalo pa sa pagiging kengkoy nito sa unang araw pa lang ng klase.

"Well, I am so sorry for the way I acted! Well... All of you know me. Of course. Maliban lang sa mga transferee." At ibinaling ng guro ang kaniyang paningin sa mga ito.

"May I know you all?" Nakangiting tanong nito. "You can all introduce yourself right here, in the front." At iginaya ang kamay niya at itinuro ang gitna.

Nauna nang tumayo ang kaninang babaeng nakasalamin at pumunta na sa harapan. Kung titignan siyang mabuti ay talaga namang maganda siya maputi at maayos naman ang kaniyang pananamit bumagay sa kaniyang histura ang suot niyang simpleng yellow floral dress na three inch ang taas mula sa kaniyang tuhod, sabayan pa nang kaniyang naka braid na buhok na hanggang balikat ang inihaba. Hindi siya losyang nag gaya ng sa ibang nerd, dahil may sense of fashion din siya marahil ay talagang nakasalamin lang talaga siya pero hindi naman ito salamin na gaya ng kay betti. Bagkos ito katamtaman lang para sa kaniyang magandang mukha na may pagka pinkish na labi at matangos na ilong.

Missions to be Destined  [Completed]Where stories live. Discover now