Chapter Fifty-Eight

169 7 0
                                    

Dhrew's POV

Galit ngayon ang namumutawi sa nararamdaman ko. Tinapik ni Zel ang balikat ko bago tumungo.

"Kalmahan mo lang, matatapos din ang lahat." Pagpapakalma ni Zel sa akin.

Nandidito na kami sa isang kuwarto kung saan maraming syringes na gagamitin nila pa lagyan ng Droga. Baka ito ang siyang naging dahilan kung bakit kami nakatulog kanina. Kilalagyan namin ang bawat syringe nang laman na likidong di umano ay droga ayon kay Zel. Nakalagpas kami sa hallway ng ligtas at hindi nahahalata. Biglang bumukas ang pintuan na ikinagulat namin parehas ni Zel.

"Bakit ang tagal niyo?" Malaking boses ang siyang narinig namin sa likuran na nagmumula sa pintuan.

Naramdaman namin ang pagyabag nito papalapait sa amin ng isang braso ang siyang naramdaman ko sa akin balikat, hinarap ko ito at mabilis na inilagay ang braso nito sa kaniyang likuran. Tinakpan ni Zel ang kaniyang bibig upang hindi makabuo ng ano mang ingay at tsaka ito tinurukan ng droga at maya maya lang ay nawalan na nang malay at natumba.

Kinuha namin ang mga syringe na may lamang droga at inilagay iyon sa iisang bag na maliit isinabit ko ito sa aking balikat at sumunod kay Zel na nauna nang naglakad. Pero natingin ako sa mga botilyang may laman pang droga.

"Zel... hindi natin pwedeng itira ang mga iyan dahil baka magamit pa nila..."

Bulong ko kay Zel na lumingo at mukhang nakuha naman niya ang sinasabi ko. Kinuha namin ang iilang botilya na may lamang droga at mabuti na lang ay mag banyo dito kung kaya naman itinapon namin ang mga laman nito sa bowl at finlash ang mga ito. Nang matapos na iyon ay palabas na kami ng pinto ng may biglang nagsipasok na tatlong nakasuit. Nagkatinginan kami ni Zel sa pagpasok nilang iyon.

"Anong meron? Teka?!" Galit na sabi ng lalake.

Nagtunguhan kami ni Zel hudyat para ihanda ang aming sarili sa pakikipaglaban. Tinutukan kami ng baril ng mga ito at mabilis namang akong tumakbo sa isang nakasuit na nasa bandang kanang gilid, at si Zel naman ay ganon din ang ginawa. Mukhang nagulat ang lalakeng nakasuit na sinugod ko kung kaya naman ay malakas na tapik ang nagawa ko sa kaniyang braso na nakahawak ng baril at naging dahilan iyon ng paglaglag ng baril na hawak niya. Hinila ko ang kaniyang necktie at tsaka siya malakas na siniko sa kaniyang panga at tinuhod ang kaniyang tagiliran na siyang nagpatumba sa kaniya kung kaya naman siniko ko ulit ang kaniyang batok upang makatulog siya nang makita kong wala na siyang malay ay tinignan ko ang pwesto ni Zel na mukhang kakatapos lang din mapatulog ang dalawa. Ibang klase talaga ang kakayahan nito.

"Itali natin sila habang tulog pa sila para hindi na sila dumagdag sa pakikipaglaban natin mamaya." Utos ni Zel.

Sinarado niya ang pinto at ako naman ay hinila ang mga lalakeng nakatulog dahil sa nangyari. Dahil nakasuit sila kinuha namin ang mga coat na suot nila ang ibinuhol upang pagdugtong dugtungin at itinali ito sa kanila. Mabilis lang ang pagkakatali naming iyon sakanila marahil ay sa sanay na si Zel sa ganitong trabaho ako naman ay inilalagay ang mga necktie sa bunganga ng mga lalake. Matapos kong gawin iyon at tinulungan ko si Zel na itali ang mga sintas ng sapatos ng mga ito. Matapos naming gawin iyon ay lumabas na kami at inilock ang kuwartong iyon.

Wala nang nakabatay sa floor na ito marahil sa sila din ang mga nagbabantay dito. Nanghingi si Zel ng drugs at binigyan ko naman siya ng lima.

Pag-akyat namin ng third floor papunta kung nasaan sila Dartha ngayon mula sa hagdan ay wala nang mga bantay kahit pa sa hallway ng third floor kung kaya nagtaka na kami ni Zel kaya naman ay patakbo kaming pumunta sa kuwarto ngunit wala nang kahit sinong nasa loob. Nang may biglang nagtapat ng baril sa likod ng ulo ko at maging kay Zel.

"Wag kayong manlaban kung ayaw niyong mamatay." Isang boses ang siyang nagsabi nito.

Nagkatinginan kami ni Zel at mukhang parehas kami ng nasa isip, Ang lumaban.

Hinarap namin ang mga ito, dalawang nakasuit na parehong tinatapatan kami ni Zel ng Baril sa ulo. Mabilis kong siniko ang kaniyang kanang kamay niya na may hawak na baril at mabilis na pinihit paikot ang kamay niyang ito na mukhang nabalian kaya naman nabitawan niya ang baril at napadaing. Inamabahan niya ako ng suntok sa kaliwang kamay niya ngunit yumuko ako para hindi matamaan at binigyan siya ng isang uppercut na suntok. Mabilis kong dinampot ang baril at itinapat iyon sakaniya maging si Zel ay ganon na din ang sitwasyon. Sabay naming hinubad ni Zel ang maskara dahil wala na iyong kwenta ang hirap pang huminga. Tutal alam na naman na nila kaya di na namin kailangan pang magtago. Kinuha namin ang dalawang lalake na hinang hina naman.

"Nasa labas ang mga iyan, pagbilang ko ng tatlo ihahagis natin ang dalawang ito sa labas." Utos ni Zel at tsaka pinaputok ang baril na ipinatama sa kisame ng kuwarto.

Paraan iyon para mataranta ang mga nasa labas. Malamang iisipin ng mga ito na nanlaban kami at mukhang hindi nila alam na alam naming nasa labas sila. Tumango ak at nagumpisa na si Zel sa pagbibilang.

"Isaaa... Dalawa... Tatlo!" Sigaw nito.

kasabay ng pagsipa namin sa lalakeng hawak namin palabas at doon naman ay biglang pagratrat ng mga lalake ng baril sa dalawang katawan. Nagsipag talsikan ang dugo ng mga ito sa kahit saang parte ng hallway.

"TEKAAA!! MGA KASAMA NATIN YAN!!" Sigaw ng isang nasa labas.

Doon naman kami ni Zel tyumempong lumabas at pinagbabaril ang mga bantay na silang mga takang-taka. Kailangan naming iligtas ang buhay namin kahit pa sa paraan na ganito. Binaril ko ang isang lalakeng bumungad sa akin at ang nasa likod nito at ang nasa likod pa ng isang vase bahagyang natamaan ang vase ng bala kaya nabasag ito kasabay ng pagtumba ng lalakeng nasa likod nito.

Mukhang walang natirang tao dito sa hallway ay dumeretso na kami ni Zel sa hagdan at mabilis na bumaba nang may apat na sumalubong sa amin na mga nakamaskara mabilis na binaril ni Zel ang isa kasabay nito ang pag angat ko ng baril at pinatamaan ang isa pa at ang isa pang nasa tabi nito at si Zel ang siyang tumapos ng sa natitirang isa pa.

Naglakad kami pababa pa upang makarating ng First floor at nang makababa ay bumungad sa amin ang mga lalakeng armado... mga nakasuit at naka maskarang itim. At si Andre na nakaupo sa gitna na naghihithit ng sigarilyo at nasa gilid ang mga kasama namin na hawak ng mga tauhan niya.

"Magaling kayo ah... Napatumba niyo maging ang mga magsusundo sainyo! Alam niyo bang iniiinis niyo ako? Pinapadali ko na ang buhay niyo pero pinapahirapan niyo pa din ang mga sarili niyo! At ang lakas naman ng loob mo babae na pumasok sa mansyon ng mag isa! Lapastangan!! At talagang pinakawalan mo pa ang mga ito? Akala ninyo hindi ko malalaman?! MGA HANGAL!!" Inis na sabi nito sabay bato ng sigarilyo.

Tinignan ko ang mga kasama ko wala silang kahit na anong tali sa katawan... nagpapanggap lang silang mahina, pero kaya nilang makawala sa mga iyan. Biglang may nagtapat na naman ng baril sa sintido ko naman. Mga pananakot na naman nila...

Biglang suminghal si Zel sa tabi ko na may nakatapat ding baril sa sintido nito.

"Tch! Tinatawag mo kaming hangal ng hindi mo man lang isinasama ang sarili mo?" Nakangising sabi ni Zel.

Napalunok ako ng matindi nang dahil sa lakas ng dating ng sinabi niya... Seryoso iyon pero para bang sinabi niya lang iyon nang pabiro pero ramdam ang galit doon. Tinignan ni Zel ng Seryoso si Andre ng deretso hindi maaninag ang kahit na ano mang takot sa mga mata nito maging sa tono ng pananalita.

Tinignan ko ang mga mukha ng mga kasama namin na mukhang nag aalala at natatakot ng sabay sa mga reaksyon nila, mukhang kahit sila ay ayaw na makitang ganitong katangian ni Zel.

Pero natatakot ako sa mga oras na ito... dahil parang hindi ko kilala ang Zel na nasa tabi ko. Nakangiti siya pero ramdam ang galit sa kabuuan niya.

"Zel." Nag aalalang tawag ko sakaniya.

Missions to be Destined  [Completed]Where stories live. Discover now