Chapter Twenty-One

209 14 0
                                    

VDartha's POV

"WAG!" Isang malakas na sigaw ang siyang umalingawngaw sa loob ng lote na ito. "Wag ang isang yan dahil akin yan!" Utos ng isang lalakeng pamilyar sa akin.

Nakatali ako ngayon at nasa likuran ko ang lalakeng nautusan kanina na magmameho ng sasakyang dala dala nila magkakaibigan. Bakit nga ba kase nandodoon itong mga ito?

Nasa tapat ko si Dhrew na mukhang alalang alala na sa kalagayan namin. Hindi na din siya mapakali ng makuha mula sa likod niya si Arch. At panay lang siya sigaw ng sigaw na wag hawakan si Arch. As if namang may magagawa yang sigaw niya? Tse! Mamaos lang siya di pa siya nakatulong! Nonsense!

"Hey! Can you just shut up!" Iritableng sabi ko sakaniya.

"What? Are you expecting me to shut? Di mo ba nakikita na yung kaibigan e gustong pagsamantalahan?!" Alalang sabi nito.

"Makakatulong ba yang pagsigaw mo sa nangyayari?" Sarkastikong sabi ko sakaniya.
Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko. Tinarayan ko lang siya bago magsalita ulit. "Diba wala? So Just shut up!" Sabay irap.

Di ko alam pero mukhang naguguluhan siya sa inaasal ko. Napansin ko namang medyo sumisikip ang tali sa bandang tiyan ko na nakakonekta sa lalake na nasa likuran ko.

"Hey... pwedeng wag kang malikot? Sumisikip yung tali e." Iritableng sabi ko.

"Ha! Ang lupet mo din e no? Parang di ka man lang nag aalangan sa kalagayan ng kaibigan mo? Mapapahamak na yon oh? Bakit parang wala kang pakealam?" Sarkastikong sabi nito.

Isa pa to? Di ba nila maintindihan ang salitang Walang magagawa ang pagpapanic ngayon? And besides, di naman magagawa ng kalbo yung gusto niya kay Arch e. May tiwala ako sa babaeng yan.

"Tsk! Anong gusto mong gawin ko? Sumigaw na parang bakla?" Sabay tingin ko kay Dhrew.

Nakunoot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Nginitian ko lang siya in a sarcastic way at tsaka siya inirapan. Dinig na dinig ko naman ang pagsigaw din ni Sniper. Di ko sila nakikita dahil ang nakaharap sakanila ay itong nasa likuran ko.

Good thing! Nasa palda ko ang ballpen ko! Well... it is not just a simple ballpen. Ginagamit ko din yon as a lighter. Yon ang isa sa mga prestigious thing na meron kaming lima pero ako lagi ko itong dala.

"Hey?" Pag aagaw ko ng pansin ng nasa likuran ko.

"What?" Nagtatakang tanong nito.

"Can you hold your breath for a while para lang lumiit ang tiyang mo and makagalaw ako ng mabuti. May kukunin lang ako sa bulsa ko..." Paliwanag ko.

"What? Ano naman yan? At iyan pa ang inuuna mo?!" Iritadong sabi nito.

"Just do it! Now!" Inis na sabi ko.

Medyo lumuwag ang tali sa tiyan ko kung kaya naman ay mas naigalaw ko ang sarili ko, pinilit kong iabot ang bulsa ng palda ko. Medyo nakakangalay ang ginagawa ko but I am thankful dahil sa flexibility ko ay nakapa ko na ang ballpen and hinugot yon sa bulsa ko.

Hawak hawak ko na ang ballpen ko and kailangan ko lang baliin ang gitnang parte nito at lalabas na ang apoy, Dahil lighter din ang isang ito.

"Go breath." Sabi ko naman sakaniya.

Binalik na niya ang kaniyang paghinga dahil sumikip na ulit ang tali. Binali ko na ang gitna nito at sa tingin ko naman ay sumisindi na ito. C'mon honney! Wag kang pumalya ngayon...
Medyo nararamdaman ko naman ang init kung kaya sigurado akong galing iyon sa lighter.

"Wag kang malikot baka mapaso ka." Inis na sabi ko sa lalakeng nasa likod ko.

"Wait? What's that?" Takang tanong nito.

Missions to be Destined  [Completed]Where stories live. Discover now