Chapter Twenty-Six

199 8 1
                                    

Dartha's POV

Nasa klase na kami at kararating lang ni Miss Illustre. Nagsulat siya sa board 'Group yourselves into three.' Matapos nito ay lumingon siya.

"Okay... okay! Class I will give you 5 minutes na mag hanap nang kagroup." Sabi ni Miss Illustre.

"Hala? Lima tayo e?" Nag aalangan na sabi ni Kat.

"Ganito na lang! You two and Me are the one group na!" Sabi ni Arch kila Sniper at Kat.

"How about us?" Tanong ko naman na itinuro si Zel.

"Ma'am?! What if po kung hindi eksakto ang classroom and may dalawang natira?!" Tanong ni Arch kay Miss Illustre.

"Okay you can be group as one-" di natapos na sabi ni Miss Illustre.

"I don't have... my group." Singit ni Dhrew.

"Okay doon kana sa natirang dalawa! And I think the groupings are done!" Sabi ni Miss Illustre.

What? Wait!? Eto?! Magiging ka group ko?! Ayaaaw ko! Lord naman bakit ang bait mo kay Sniper samantalang sa akin? Haaaay nako!

Give me your names in the 1/4 sheet of paper and I will be giving your topic for the report na ibibigay ko sa inyo.

"AAAAAAWWWW..."

Malungkot na sabi ng buong classroom. At isa na ako don! Ayaw kong nag gagawa ng reports reports dahil lalo na ngayon dahil kagroup ko itong si Dhrew!

"Ako na ang magsusulat!" Walang ganang sabi ko. "Ano ngang name mo?" Inis na tanong ko sakaniya.

"Dhrew Reyes." Tipid na sagot nito.

Sinulat ko na sa papel ang name niya at

Dhrew Reyes
Roshane Rodriguez
Zelesté Mendez

Nang masulat ko na ito ay ipinapasa ko na ang papel kay Dhrew.

"Hoy! Ipasa mo kay Ma'am tinatamad akong tumayo!" Walang gana kong sabi sabay abot ng papel sa kaniya.

Mukhang wala siyang at kinuha na ang papel na ibinigay ko at ipinasa na iyon kay ma'am. Medyo nakakunot ang noo niya nang bumalik siya sa upuan. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Hey? What do you think?" Biglang tanong ni  Arch sa akin.

Anong? Anong sa tingin ko ang pinagsasabi nito? Binigyan ko lang siya ng What do you mean look. At mukhang nakuha naman niya na hindi ko siya gets.

"Winston." Simpleng sagot niya naman.

Hindi naman nakakapagtaka ang ikinilos ni Winston kanina, malamang as simple as nagseselos siya. Kase may nagbigay ng regalo kay Sniper... and maybe? Maybe He likes Sniper. Hindi iyon nakakapagtaka, pero parang sa pagkakatanda ko... kahapon lang naman sila nagkita a? Pwede kayang ganon kabilis lang e na gustuhan na niya si Sniper?

May posibilidad kayang magustuhan mo ang tao ng ganon kabilis? Hahahah... Malamang imposible! Baka mainis sa unang pagkikita pwede pa!

"Hindi ko alam... ayaw kong pangunahan ang mga bagay bagay." Kibit balikat kong sagot.

Nilingon ko si Zel. Mukhang wala talaga siyang hilig na makipag usap malamang dahil iyon ang nakasanayan niyang buhay. I wonder paano kaya kung isang tao ang makakapagbago sayo?

"Okay! Class!! Get your papers!" Sabi ni Miss Illustre matapos nitong pagsusulatan ang mga papel namin.

Tinignan ko si Dhrew, at mukhang nakuha niya naman ang gusto kong iparating. Pumunta siya kay Ma'am at kinuha na ang papel namin. Nang makabalik siya sa upuan niya ay hiniram ko ang papel para tignan kung ano ang topic namin. 'Bristish Literature' ayan ang ibinigay ni Ma'am na topic sa amin.

"Okay class as you can see! Ang ating magiging topic for this second grading is World Literature! And I hope this time you are keeping up your good work. Natutuwa ako sa naging result nang inyong Periodic test sa subject ko and not to being bias I just want to congratulate the highest score in your class... And that will be Ms. Mendez!" Pag pupuri ni Miss Illustre kay Zel.

Nagpalakpakan naman ang mga kaklase namin. Nakakatuwa na ganoon ang naging resulta ng periodic test namin at gaya ng dati ay si Zel pa rin ang nangunguna. Tinignan namin siya pero ayan pa din siya parang walang pakealam.

"Well, congrats again Ms.Mendez I just want to inform you that report will be on next week and its on next Tuesday. Look at the your paper if there is number one on the top, that means kayo ang mga mag rereport sa Tuesday. Ayon lang and that's it. Good bye class!" Pagpapaalam ni Ms.Illustre

Tinignan ko ang papel at may nakasulat nga dito na number one sa itaas na bahagi. Lumingon ako kila Zel, at ipinakita ang numero sa itaas nang papel.

"Sa tuesday ang atin." Tipid na sabi ko pa. tumango lang si Dhrew at wala pa ding pake si Zel.

Iniipit ko ang papel sa aking notebook. At inilagay na ito sa bag. Uwian na din namin kaya nagsisipaglinisan ayos na ang mga kaklase namin. Nagsipag tayuan na pala ang apat kung kaya naman sumunod na ako nang maglakad na sila palabas.

Naglalakad kami sa Hallway palabas nang building pababa na kami nang hagdan nang may biglang tumulak sa likod ko kung kaya natalisod ako nang dahil sa pagkatulak na iyon sinubukan ko naman ang iwasan babaeng nasa harapan ko kaya naman imbes na mapahawak sa gilid ng hagdan ay pinihit ko na lang ang sarili ko sa ibang pwesto na walang nadadamay. Kung kaya derederetso akong nalaglag sa hagdan at naramdaman ko ang pag tama nang ulo ko lapag ng sobrang lakas at sobrang sakit. Bago ko pa man mandilim ang mata ko ay nakita ko kung sino ang tumulak sa akin hanggang sa nagdilim na ang lahat.

_____________________________________

Roshane's POV

Dali dali akong tumakbo pababa ng hagdan nang makita ko ang siyang paglaglag ni Dartha sa hagdan. Halos hindi ako makahinga sa kaba na siyang nararamdam ko, pagbaba ko ay agad akong nanghinge ng tulong.

"Sh*t! Darthaaa!! HELP! TULONG!" Paghingi ko ng tulong.

Hinawakan ko ang ulo ni Dartha at merong dugo na siyang dumikit sa mga daliri ko. Hindi din nagtagal ay agad din na binitbit si Dartha at si Dhrew ang siyang gumawa nito.

"Let's bring her at the clinic!" Sabi ni Dhrew na dali daling tumakbo habang buhat si Dartha.

Hindi ko alam kung sa clinic pa ba dapt dalhin si Dartha dahil sa dugo na nakita ko sa ulo niya. Hindi ko na napigilan ang mapiyak dahil sa kabang nararamdaman ko.

Oh my god! Darthaaa girl! Kaya mo yan! Alam kong matigas ka pero hindi lingid sa kaalaman ko ang lakas nang pagbagsak ng ulo niya kanina. Dahil kitang kita ko iyon.

Nang makarating sa clinic agad na chineck nang nurse doon si Dartha. Pero negative ang conscious nito.

"Miss, n-nalaglag siya sa h-hagdan  m-may du-dugo siya s-sa ulo!!" Naiyak na sabi ko.

"Okay. Let us bring her at the nearest hospital." Tanging sagot ng nurse at tinulungan siyang dalhin si Dartha ng kapwa niya mga nurse.

May humawak sa aking magkabilang braso at si Kat iyon na naiiyak na din at kitang kita ang pag aalala. Mabilis nilang naisakay sa ambulance si Dartha sumakay kami ni Kat doon. Pinapanood namin ang ginagawa ng mga nurse. Parang sobrang layo nang ospital nang dahil sa kaba na nararamdaman namin, maya maya lang ay huminto na ang sasakyan at tinulungan nilang ilipat si Dartha ng higaan. At dadalhin daw siya sa isang emergency room. May kung ano anong itinatanong ang doctor at sinasagot iyon ng nurse pero hindi ko sila maintindihan hanggang sa pinahinto kami ng dalawang nurse.

"Dito na lang po kayo. Iaupdate na lang po namin kayo pag okay na ang pasyent." Sabi ng lalakeng nurse.

Napaupo na lang kaming dalawa ni Kat sa gilid nang ipinasok na nila sa Emergency room si Dartha.

Oh goood! Help Dartha to be fine.

Missions to be Destined  [Completed]Where stories live. Discover now