Chapter Twenty-Nine

183 9 0
                                    

Dartha's POV

Ewan ko ba kung bakit parang bigla akong nalungkot nang nalaman kong umalis si Dhrew, para bang gusto ko siyang pigilan na wag nang umalis muna. Pero dahil mukhang wala naman talaga siyang sadya dito ay mukhang ayos lang din iyon para makatulog na din siya. May pasok pa bukas e.

"Bal! Eat!" Utos naman ni Target na sinusubuan ako ng mainit init na lugaw.

Kumain ako hanggang sa mabusog ako medyo nanghihina pa din ang katawan ko, may ilang pasa daw akong natamo galing sa nangyaring pagkalaglag ko ng hagdan, at may injury din daw ako sa aking kanang paa dahil sa maling pagtalisod. At ramdam ko nga ang sakit sa mga paa ko.

"I think this time is enough! Girls? Sa tingin ko kailangan niyo na munang umuwi at matulog may pasok kayo bukas... hindi ba?" Tanong ni Papa

Tumango naman silang tatlo, at kahit labag sa kalooban nilang umalis ay wala silang magagawa doon dahil wala silang matutulugan dito.

"Ma? Pa? I think kayo din po! Need niyo na din pong mag rest..." Nag aalalang sabi ko pa.

"We are all good swettie!" Nakangiting sabi ni Mama.

Umiling ako at tsaka ngumiti, "Alam ko pong pagod kayo... I think mas makakabuti po kung pare parehas tayong magpahinga. Bal will look for me kaya niya po yon." Sabi ko pa.

"Are you sure? Sweetie?" Nag aalala pang tanong ni Mama.

Tumango naman ako at tsaka ngumiti para ipakitang ayos lang ang lahat. Sa tingin ko naman ay kaya naman akong bantayan ni Target e, at ayaw ko nang masyadong mag alala pa sila Mama at Papa alam kong sila ang nag bantay sa akin dito sa simula pa lang.

"Okay fine... babalik na lang kami dito mamaya." Sabi naman ni Papa.

Niyakap nila ako parehas at nagpaalam na din kay Target na nasa Tabi ko lang niyakap din nila ito at tsaka tuluyan nang lumabas. Tinignan ko si Target na inaayos ang nagamit naming mga kubyertos sa pagkain. Kanina pa ako napapaisip kung nasaan na ang babaeng iyon. Bakit hindi man lang siya pumunta dito? O baka naman pumunta na siya pero tulog pa ako.

"Bal, matulog ka na... madaling araw na e kailangan mo rin ng pahinga." Utos ko sakaniya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti at sa tingin ko ay tapos na siya sa pagliligpit. Pumunta siya sa pwesto ng kama ko at tinignan ako sa mata bago umiling.

"Tsk! Ayan na nga ba ang sinasabi ko e... Bakit kase lumipat ka pa ng school okay naman sa Steinfeild bakit pa kase lumipat e." Parang nadidissapoint na sabi niya pa.

"Alam mo naman e..."

Isa siya sa mga ayaw na lumipat pa ako ng school. Ang sabi niya pa sa akin ay hindi niya daw kase ako makikita pa kapag nagkalayo na kami ng school.

"Hay... Sige na matulog ka na din, matutulog na din ako." Sabi nito at pinindot ang remote at bumalik na ang kama sa kanina nitong ayos.

Maya maya lang ay namatay na ang ilaw, ipinikit ko ang aking mata naramdaman ko naman na humiga si Target sa Sofa na malapit sa kama ko. Hindi din nagtagal ay nakatulog ako.

Nakaramdam ako ng taong nakatayo sa tapat ng kama ko. Unti unti kong minulat ang mga mata ko, at laging gulat ko nang makita ko si Zel na nakangiti habang hawak hawak pa ang kaniyang helmet at nakangiti sa akin.

"Hey... Zel!" Masaya pang sabi ko at uupo sana ako kaso pinigilan niya ako.

"Shhh... humiga ka lang this will be fine. I am so happy that your okay." Sabi nito at tinap pa ang aking mga balikat.

Anong oras na ba? Bakit andidito siya? Tinignan ko si Target na tulog na tulog pa din at ang bintana na natatakpan ng kurtinang manipis, mukhang malapit nang sumikat ang araw. Ibinalik ko ang tingin ko sakaniya at ngumiti siya bago magsalita.

"It's 5:12 in the morning. You shouldn't have to wake up, pero mukhang nagising ata kita." Sabi nito.

"Bakit? Andidito ka? Papasok ka na ba?" Takang tanong ko.

"Tss! Stupid. Kaibigan kita kaya binisita kita. Akala ko ay hindi ka magigising dahil tuwing ginagawa ko ito ay di ka pa nagigising." Malungkot na sabi nito.

"Kanina lang ako nagising ng ala una." Sabi ko at tsaka ngumiti.

"Hmmm... that's good. Dederetsahin na kita, yung babaeng tumulak sayo..." Tumingin siya ng seryoso sa akin bago tuluyang magsalita. "Yung Mama niya ay nagtatrabaho sa school as a teacher, her father is a janitor sa school din that's why scholar siya ng school natin."

Bakit niya sinasabi ang mga ito? Kinakampihan niya ba ang babaeng iyon? I mean yung tumulak ba sa akin ang tinutukoy niya? Bakit niya pa ineexplain ang mga iyan!?
Napapakunot ang noo ko dahil sa mga bagay na sinasabi niya.

"Why are telling that to me?" Takang tanong ko.

"Tita and Tito decided to..." Mabigat na sabi niya.

Mukhang alam ko na ang sinasabi niya at ipinupunto niya. Kilala ko sila Mama at Papa hindi sila basta bastang may nanakit sa anak nila, pati nga sa trabaho ko ay tutol sila sa sinabi ni Boss pero wala na din silang nagawa ng pumayag na din ako mismo. Malamang ay pinatanggal nila Mama ang Scholar nang isa iyon or worst baka dahil sa nagawa niya ay mapaalis pa siya sa school. Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa mga maaring kahantungan niya o baka nga naging kinahantungan na nang babae.

Tinignan ko si Zel na mukhang malungkot, ngumiti ako sakaniya at nakita ko namang maaliwalas ang histura niya. Zel is good at creating a decision I know She want the best for all. Kahit masama ang ginawa nang taong iyon sa akin wala akong karapan para alisin sa kaniya ang karapatang makapag aral, kawawa ang magulang niya pag nagkataon. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit si Zel nagkakaganito.

"I know you have a reason kung bakit mo ginagawa ito, pero ano nga ba ang reason na yon?" Takang tanong ko.

"Hmm... Noong araw na dinala ka sa Clinic ay hinabol ko ang taong tumulak sayo, hindi ko siya naabutan akala ko ay nakatakbo na siya sa malayo pero nakita ko siyang umiiyak, She is convincing herself na tama lang ang ginawa niya dahil daw kasalanan mo naman iyon kaya naginit ang ulo ko sakaniya, kaya kinuha ko agad siya at kinorner siya at pilit na pinaamin... Mabuti na lang pinakalma ako ni Archery. Dinala namin siya sa Clinic dahil nawalan siya nang malay tapos nang hindi ka namin nakita doon parehas kami ni Archery ang nag alala pero si Archery ay hindi napigilan ang sarili niyang masampal ang tumulak sayo dahil sa pag aalala niya sayo, na kagigising lang nang oras na iyon. Pinapunta ko si Archery dito sa ospital para samahan ang dalawa, at ako naman ang siyang kumausap sa babae. Doon ko nalaman na nademonyo lang siya nang magawa niya yon sayo, at iyong Dana ang siyang nag impluwensya sa kaniya iyong Girlfriend ni Greg..." Kwento nito.

Ganon pala ang nangyari. Napaka siraulo nang Dana na iyon, bagay talaga sila ni Greg parehas silang mga Baliw!

"Tinanggalan siya ng Scholarship at nawalan ng trabaho ang Mama niya... Alam kong napaka demanding ko kung sasabihin ko na patawarin mo na lang sana sila. But I think Forgiveness is more fulfilling kesa sa pagbayarin sila sa nagawa nila." Sincere na sabi niya.

Nakaramdaman ako ng pangingilabot dahil sa sinabi niya, ngayon alam ko na ang dahilan ng mga pag kukumbinse niya sa akin. And she's right.

Ngumiti ako sakaniya at pinilit na maupo, nakita ko pa na parang nag aalangan siya sa ginawa ko pero niyakap ko lang siya nang mahigpit. I miss her so much! Ito ang Zel na matagal ko nang hindi nakasama. Nang maghiwalay kami sa pag yakap ay nagpunas ako ng luha na tumulo sa aking mata.

"Okay, then if that's what you think are better... I will do. Sa tingin ko din ay mas makakabuti nga iyon."

Missions to be Destined  [Completed]Where stories live. Discover now