Chapter Fifty

171 7 0
                                    

Roshane's POV

Nasa mall ako ngayon kasama si Kat dahil gusto daw niyang magregalo kay Skyler dahil sa mag bibirthday na daw ito sa susunod na buwan. Nandidito kami ngayon sa isang sikat na store ng mga relo dito sa mall.

"Sa tingin mo trip niya ang relo?" Nag aalangan na tanong nito.

Hinarap ko siya dahil kahit maski ako ay naghahanap ng gusto kong ibigay na gift para kay Winston.

"Alam mo girl? Kahit ano namang klase ng regalo ang ibibigay mo don kapag galing sayo matutuwa yon!" Bilib na sabi ko.

Mukhang nagliwanag naman ang mukha nito dahil sa sinabi ko. Biglang may nagtext sa akin na at tinignan ko naman agad kung sino iyon, Si Zel.

From Zel:

Come here at the apartment.

Nagkunot naman ang noo ko ng nag angat ako ng ulo ay tinignan ko si Kat at maging siya ay nakatanggap ng mensahe galing kay Zel. Nagbayad kaming agad ng aming napiling bilhin. Hindi madalas magtext si Zel sa amin lalo pa kung hindi naman importante dahil palagi niya kaagad sa aming sinasabi ang mga gusto niyang iparating.

Pagdating namin sa tapat ng apartment ay nandidito din ang ibang pamilyar na sasakyan nagkatinginan naman kami ni Kat nang parehas ang aming napansin nagmamadali kaming pumasok sa apartment ni Zel. At bumungad sa amin ang lahat.

Andidito din maging si Boss. Nakapalibot sila sa sala na mukhang napakalalim ay seryoso ang pinag uusapan, at marahil sa pagdating namin ay nakuha namin ang atensyon nilang lahat.

"What is happening?" Takang tanong ko.

"Marami." Seryosong sagot ni Zel.

_____________________________________

Dhrew's POV

Kakarating lang namin dito sa apartment ni Zelesté, ang nakakapanibago ay ang biglang pagdami ng Laman ng bahay na ito na sa napag alaman namin ay si Trixon ay ang kumuha ng isa pang space ng apartment natawa pa ako sa pagkakakwento niya. Mukha daw silang nag lilive in ni Zelesté sa nangyari.

Nagulat na lang ako ng may isang hindi pamilyar na mukha ang siyang nakita kong nakaupo sa sofa. Nakasandal siya at mukhang mayaman.

"Boss?" Gulat na tanong ni Dartha na kasama kong pumunta dito.

"Hmmm." Tanging naging sagot lang nito at tumungo.

Tinignan ko si Dartha na mukhang takang taka naman sa nakikita niya, hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya nang maramdaman ko ang panlalamig nito.

"Are you okay?" Tanong ko dito.

Nilingon niya ako at ngumiti siya kahit pa pilit iyon dahil sa malamang ay hindi magandang pakiramdam niya. Umupo na kami sa sofa ni Dartha nang magkatabi, ngayon ko lang napansing andidito din pala sila Skyler at Winston pero bakit wala pa sila Roshane at Lavander? At ang mas nakakapagtaka dito ay ang atmosphere nilang masaydong misteryoso.

Nabaling ang pansin ko sa tunog nang isang yabag na pababa ng hagdan at si Zelesté iyon, Seryoso, at hindi ko mabasa ang nasa isip. May tumapik naman ng braso ko at nilingon ko kung sino iyon, Si Trixon na kanina lang ay masaya ngayon ay naging seryoso na din.

Nang makarating si Zelestésa pwesto namin ay umupo siya sa gitna ng Boss na tinawag ni Dartha kanina at ni Trixon. Tinignan ko sila ng isang nakakapagtaka na tingin.

"Anong meron?" Tanong ko.

Humugot muna si Zelesté ng isang malalim na hinga bago humarap sa akin.

Missions to be Destined  [Completed]Where stories live. Discover now