Chapter Fourteen

219 9 0
                                    

Trixon's POV

"Aba matapang ka a!"

Sabi ng isang nasa gilid nito na aamba pang hahawakan ang babae ngunit umikot ang babae at binigyan ang papalapit na lalake ng isang sipa sa mukha na ikinatumba ng lalake.

Wait? Is that Zelesté?

Teka? Siya nga nakasuot lang siya ng leather jacket ngayon kaya pala pamilyar ang tindig niya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw sa puwesto ko at pinili na lang ang manuod sa nakikita ko. Kakaiba ka nga talaga.

Sa nakikita ko ay may kalakihan ang mga katawan ng mga ito at mukhang mga college students na. Ano bang gusto nila sa Zelesté na iyan?

Nakita ko pang hinawakan ng isang nasa likuran ni Zelesté ang balikat nito pero para g bumaliktad ang lahat dahil hinawakan niya ang kamay na nakahawak sa braso niya kanina at ipinaikot iyon sa likod ng lalake.

"Sige! Padadaanin niyo ako o babaliin ko ang braso nito?" Matapang na sabi ni Zelesté.

Mukhang natauhan ang mga lalake at dumistansya naman sila kay Zelesté. Hinagis niya ang lalakeng hawak niya na natumba naman sa lapag. At naglakad lang siya papunta sa Motor?

Teka? Pamilyar iyong motor na yan sa akin! Wag mong sabihing siya ang magmamaneho niyan? An R3 Yamaha? Di kaya masyadong malaki yan para sa isang babae?

Umangkas siya sa motor at pinaandar na iyon at umalis.

Naiwan naman akong nakatanga sa aking posisyon at ito namang grupo ng mga lalake ay halatang nagulat sa ginawa sakanila ng babae.

"Ayan! Dapat kase kinikilala niyo yung taong babanggain niyo!" Isang malaking boses ang siyang umalingawngaw sa pwesto namin.

Nilingon ko kung saan galing iyon. At ang bouncer iyon ng Bar. Malaking tao at mala The Rock ang katawan at kalbo. Lumingon siya sa akin at Ngumiti.

"Kasama mo?" Kibit bakikat na tanong niya.

At ako naman ay umiling bilang sagot na hindi.

Teka? Sino ba to? Kilala niya kaya si Zelesté? Bakit ganon na lang niya kung sabihin na kilalanin nila dapat ang babanggain nila, which is si Zelesté? Ano bang meron sa babaeng iyon?

_____________________________________

Zelesté's POV

Nagmamaneho pa din ako ng motor papunta sa apartment na tinititarahan ko ngayon. Wala akong balak na umuwi ng bahay dahil alam kong wala naman akong maabutan doon.

Dahil sa wala akong magawa ay uminom ako sa Tarima. Matagal ko na ding hindi napupuntahan ang lugar na iyon at gusto ko ding bisitahin ang mga kaibigan ko doon.

Pero nakakainis lang na may mga manyakis na humarang sa akin.

Flashback

"Siguro naman matutuwa ka na niyan, Ayan na ang Motor mo..." Sabi ni Boss.

Natutuwa talaga ako ngayon dahil sa ipinakita sa aking surpresa ni Boss. Pinaiwan niya ako at pinauna nang paalisin ang tatlo matapos niyang sabihin ang misyon naming mabawi ang Diamond necklace ng anak ng presidente ng isang Mafia group na ninakaw daw sakaniya.

Nagulat pa nga kami ng sabihin ni Boss na sa biyernes iyon ng gabi namin iyon kailangan makuha sa isang Night Party ng mga kilalang kompanya. Nung una ay sinabi naming may ganap kami which is ang Welcoming Party ng school pero dahil alam namin ang trabaho ay mahalaga.

Niyakap ko na lang si Boss dahil sa tuwa ko. Nasira kase ng kaunti itong motor ko nang mapasabak kami sa isang karera. Kaya ayon sabi ni Boss siya na ang bahala, sumatutal success naman naming nagawa ang nakaraang misyon.

Missions to be Destined  [Completed]Where stories live. Discover now