Chapter Fifty-Three

147 7 0
                                    

Zelesté's POV

Napakaganda ng pagkakaayos dito sa garden ng bahay nila Skyler. Ngayon ang birthday niya hindi magarbo pero masasabi mong mayaman talaga ang pamilya nila dahil sa ganda ng pagkakaayos nito.

"Habadu pare!" Bati ni Trixon kay Skyler na sumalubong sa amin.

"Happy birthday." Bati ko naman sakaniya.

"Salamat!" Nakangiting sabi nito, "Ah sila... Lavander?" Nagtatakang tanong nito.

"Nauna kase kami ni Zel gamit ang sasakyan ko. Ang sabi ni Katana ay sasabay na lang siya sa sasakyan nila." Paliwanag ni Trixon.

Napatungo naman si Skyler. Malamang kanina niya pa din inaantay si Lavander, Alas syete pa lang kaya hindi pa din gaano ganoon kadami ang bisita o sadiyang nga importanteng tao lang ang mga imbetado sa okasyon na ito. May pa-cater sila na nasa gilid nakapwesto pumunta na kami ni Trixon sa bandang unahang lamesa malamang ito ang pwesto namin mamaya lahat magkakaibigan.

Naging busy naman si Skyler sa pagbati sa mga dumadating pang bisita maging si Trixon ay nababati din nang mga nakakapansin sakaniya, at eto naman ay pinapakilala pa ako sa mga ito.

Biglang may nagsalita sa harapan, isang magandang babaeng kaseng kaedaran ni Boss mukhang siya ang Mama ni Skyler katabi nito ang asawa niyang hindi kumupas ang kakisigan at ang pagiging magandang lalaki nito kaya siguro may histura si Skyler dahil maganda ang lahi ng Mama at Papa niya.

"We are really happy to see all of you. I hope that you will enjoy this special occasion of course of my Handsome son... And Skyler Son? We wish you all of the best. Sana ay maging masaya ka sa iyong kaarawan anak. I love you and I will always do." Masayang bati nito sa kaniyang anak.

Nagpalakpakan ang lahat ng dahil sa mensahe ng ginang, at kaniyang asawa naman ay hindi na nagmensahe dahil nandodoon na daw iyon sa regalong ibibigay nito sa anak niya.

Ilang saglit lang ay dumating na sila Sniper at Winston, nagpaumanhin sila kay Skyler dahil na late sila ng bahagya dahil bigla na lang daw nasiraan ang gulong nila. Pumunta kami sa pwesto nila kung saan kausap nila si Skyler.

"Ah... ayos lang. Hindi pa naman kayo late na late." Mahinahong sabi ni Skyler.

"Nakooo! Pasensya na talaga ah? Di bale! Ito oh regalo ko. Happy birthday!" Nakangiting bati ni Sniper, "Andito na ba sila?" Nagtatakang tanong nito.

Napalingon ako sa biglaang tanong nito kay Skyler na mukhang nalungkot naman dahil sa magiging sagot nito. Anong ibig sabihin na andito na ba sila?

"Ah ayon nga e, wala pa. Baka padating na din." Pilit na ngiting sabi nito.

Ilang minuto na ang lumipas kaya nakakapagtaka ang pagtagal ng mga iyon. Hindi sila nagsabi kung may surpresa ba silang gagawin pero sana iyon ang dahilan nito.

"Ha? Wala pa? Nauna kase sila sa amin e—"

Hindi natuloy ni Sniper ang sasabihin nito ng biglang napalinga ang lahat sa paparating na bisita. Ang step father ni Dhrew ngunit nasaan ang asawa nito? Bakit hindi niya kasama? Nakipag batian ang lahat ng nakakita sakaniya na pumasok, mukhang kilala siya ng ibang bisita maging ang magulang ni Skyler ay sinalubong siya ng isang masayang pagbati.

Nagkatinginan kaming lima ng makita ito. Ibinalik ko ang paningin ko sa Step father ni Dhrew na mukhang papunta sa pwesto namin dahil andidito ang celebrant. Nagtama ang mga mata namin at nginisian niya ako saglit. Hindi ko alam kung napansin ba ito ng mga kasama ko o hindi.

"Happy birthday Ijo!" Masayang bati nito. Sabay abot ng kaniyang regalo kay Skyler.

Inabot ni Skyler ang regalong iyon sakaniya at ngumiti siyang humarap sa lalake. Pinasadahan kami nito ng tingin na mukhang nakuha naman ni Skyler.

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon