Chapter Forty-Nine

159 8 0
                                    

Zelesté's POV

Kakatapos lang ng report namin ngayon sa World literature sa AP subject namin. Naglabasan na ang mga kaklase namin at natira na lang kaming anim dito.

Hindi ko mapigilan ang usisain si Dhrew ng palihim. Isa lang ang tumatakbo sa isip ko, ang misteryosong ama ni Dhrew. Napapaisip ako sa mga teoryang nasa utak ko mula pa noong nakaraan.

Hindi ako pwedeng magkamali sa lalakeng iyon, iisa lang sila. Isang maikling salita lang ang sinabi niya sa akin sa magkaibang sitwasyon at pangyayari pero ang iisang salita na iyon ang nag uugnay sa taong iyon.

'A-Ah Hey I'm Sorry...'

Napapangisi ako sa naalala kong salitang iyon, siya nga! Siya ang lalakeng nakabangga sa akin sa event na iyon. Sa kisig ng pangangatawan sa tangkad, maging sa boses ay iisa nga lang talaga sila. Ngayon... hindi na ako dapat pang magtaka kung ang taong iyon ay may koneksyon sa E.C. Dahil sa mismong araw ng event na iyon, imposibleng hindi ko pa makikilala ang taong iyon.

Hindi din naman basta basta ang mga ganoong klase ng event. Pang mayaman... Pang negosyo... at Pang transaksyon. Ang tanong lamang dito ay ano ang kinalaman ng tatay nito sa E.C.

Napagdesisyunan naming pag ingatin si Dhrew. Sa lahat ng oras, pero hindi namin sinabi dito na nagawa na kami ng paraan para makilala nang husto ang gustong pumatay sakaniya...  Ang tatay niya.

Hindi namin pwedeng ipaalam ito kay boss dahil hindi naman siya pwedeng mangealam sa mga buhay buhay ng iba, unless sila ang lumalapit kay boss para pakealam niya ang buhay nila. At tutol ang isang yon kapag nalaman niyang mag gagawa kami ng misyon na hindi man lang alam ni Dhrew.

"Tara na? Baka nag aantay na yung mga boyfriend niyo sa labas. Haha.." Pabirong sabi ni Dhrew.

"H-Ha? Ah-ahmm Hehe... Dhrew naman e. Hindi ko pa naman boyfriend si Sky." Nahihiyang sabi naman ni Katana.

Nagkibit balikat si Dhrew at ngumiti, "Doon din naman ang punta ninyo."

Namula pa lalo ang pisnge ni Katana dahil sa sinabi ni Dhrew.

Napailing na lang ako sa pinag uusapan nila. Naglakad na kami palabas ng bigla kong naalala si Trixon natatawa talaga sa isang iyon, nagtapat na ako ng katauhan ko sakaniya pero eto pa din siyang namamangha at hindi makaget over sa mga nalalaman niya. Habang mas tumatagal ay mas nakikinita ko na ang pagkakahawig ng kulit nilang magkapatid.

Nang makarating kami sa parking lot ay nakita ko siyang nakasandal sa sasakyan niya na nakikipag tawanan naman sa tatlo pa. Nang mapansin nila ang pagdating namin ay agad nila kaming sinalubong, siya namang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Haaaay Grabe! Namiss kita." Sabi nito habang yakap yakap ako ng mahigpit.

"Parang kanina lang nagkita tayo ng breaktime?"

Humiwalay siya at kitang kita ang natatawang ekspresyon niya.

"Kahit naman kasama kita miss pa din kita." Sabi nito sabay halik sa aking noo.

Napakasweet niyang tao, kaya hindi nakakapagtaka na mas lalo akong nahuhulog sakaniya. Maraming estudyante ang nagugulat pa din sa tuwing nakikitang magkakasama kaming lahat, yung iba halatang halata ang inis, inggit sa mga mukha nila. Malamang hindi sila makapaniwala na kami ang mga kasama nila.

"Sa akin ka na sumakay... hahatid kita sa apartment mo." Alok nito.

Tumango na ako at nagkaniya kaniya na namang paalam ang iba. Mukhang ihahatid din sila ng mga kaibigan nitong si Trixon. Pumunta na kami sa sasakyan niya at pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na din naman na ako isinara niya ang pinto at pumunta na sa kabila pagpasok niya sa dirvers seat ay isinarado niya na din ang pinto ng sasakyan at siya namang nag seatbelt. Tumingin muna siya sakin at tsaka ngumiti ng napakatamis bago pinaandar ang sasakyan.

Missions to be Destined  [Completed]Where stories live. Discover now