Chapter Thirty-Five

197 9 0
                                    

Lavander's POV

Mula sa pagkadumog kanina nang mga estudyante ay laking pasasalamat ko kay Skyler na nahila niya ako mula doon. Ang hindi lang maganda ay nagkahiwa-hiwalay kaming sampu dahil sa nangyari. Napatingin ako kay Skyler at nagulat nang may nakita akong dugo sa pisnge nito.

"Oh my god! Sky... may dugo ka sa pisnge!" Tarantang sabi ko pa.

Nakita kong nagtaka siya nasabi ko ay nangiwi siya nang punasan ko ito. Nakangiti siyang pinanood akong punasan ang pisnge niyang may dugo gamit ang panyo ko.

"Hey! Wag mo akong tignan." Nahihiyang sabi ko pa.

"Ang ganda lang kase..." Mahinang sabi niya.

Napatingin ako sa mga mata niya matapos niyang sabihin iyon. Naramdaman ko ang pag init ng pisnge ko sa mga sandaling ito. Skyler naman e! Hindi ko natagalan ang pagtitig na iyon at ako naman ang siyang lumayo sakaniya.

"Ahmm... sa tingin ko need natin ng bandaid para matakpan ang sugat mo, tsaka para na din tumigil ang pagdugo." Sabi ko sakaniya.

Ah! Naalala ko may Bandaid pala ako palagi sa bag ko dahil minsan kapag may hindi inaasahang laban ay may mga natatamo kaming sugat. Kaya nagdadala ako ng mga simpleng first aid lang.

"Ahm! Meron pala ako. Nasa Kotse nga lang..." Alangan na sabi ko naman.

Nakita kong mas lumawak ang ngiti ni Skyler bago siya magsalita, "Okay lang... mas malapit tayo sa parking kesa sa clinic e." Sabi niya pa.

Mukhang totoo naman ang sinabi niya. Kanina kase sa dumugan ng tao ay may mangilan ngilan pang humabol sa amin kaya sinubukan namin silang iligaw at dito kami sa malapit sa parkingan napunta.

"Tara?" Masayang anyaya niya naman.

Naglakad na kami papunta sa sasakyan ko. Good thing nasa shoulder bag ko nakalagay ang susi. Hindi kase kami ngayon nakauniform dahil nga sa may event ngayon at whole day ito kaya naman simple floral dress at shoulder bag lang ang dinala ko.
Kinuha ko ang susi ko at inunlock ang sasakyan.

"Alam mo bang namamangha pa din ako dahil sa ganda nang sasakyan na to! Pero nagtataka pa din ako... Sainyo kaninong sasakyan ba talaga ito? And yung blue?" Takang tanong ni Skyler.

"Ahm... akin itong itim at kay Arch ang blue." Simpleng sagot ko.

Nagumpisa na akong maghalughog sa loob ng bag ko.  At laking gulat ko nang pumasok din sa loob si Skyler kung kaya naman parehas kaming nasa likod ng sasakyan. Isinara niya ang pinto at dumeretso ng tingin sa akin.

"Ahm... Dito na lang natin lagyan." Sabi niya.

Di ko alam kung bakit kinabahan naman ako sakaniya, medyo may kalapitan din kaming dalawa kaya naman ganito na lang ang epekto niya sakin. Alam niya bang siya pa lang amg kauna unahang lalake na nakapasok dito?

"A-ah O-Okay..." Nahiya ko namang sabi.

Nang nakuha ko naman ang first aid ay nilabas ko ka iyon. Nakalagay iyon sa l na pouch kaya naman iyon na ang inilabas ko.

"Gamutin na lang din natin para di madis-infect." Sabi ko pa.

"Okay. as what you say I trust you." Sabi nito.

Nakatingin lang siya sa akin ng deretso kinakabahan talaga ako dahil sa mga paraan ng pagtingin niya, napaka abnormal ng tibok ng puso ko. Lalo pa nang masabi niya ang salitang I trust you. Anong ibig niyang sabihin doon?

Iniwas ko ang tingin ko sakaniya dahil para bang hinihila ako non ng palalim na palalim. Tinuon ko ang paningin ko sa pagkuha nang cotton ball at nilagyan iyon ng alcohol matapos non ay sinara ko na ang alcohol at itinap ang cotton ball sa pisnge niya nakita ko pang napangiwi siya, malamang mahapdi ang isang iyon.

"Ay sorry!" Pag aalala ko naman.

"No! That's fine." Ngumiti naman siya.

Hinipan ko na lang ang sugat habang tinatap pa din ang cotton ball sa sugat niya na natigil na din naman sa pagdugo. Sana hindi magka scratch ang sugat niya sa pisnge kawawa naman kase ang cute pa naman ang matataba niyang pisnge. Napapangiti naman ako sa naiisip ko, napaka halata mo talaga Katana!

Habang patuloy lang ang ginagawa ko ay bigla siyang nagsalita, "Sino si Arch?" Takang tanong niya.

Oo nga pala hindi niya kilala si Arch! Ang engot ko naman... Okay lang naman siguro kung sasabihin ko diba? Name pa din naman iyon at kilala niya naman talaga si Arch hindi nga lang sa second name.

"Ahm.. Si Golden, Arch kase yung second name niya." Sabi ko pa at napatungo tungo naman siya.

"E ikaw? Anong full name mo?" Deretsong tanong niya.

"Hmm? Ako? Lavander Katana Bernardo." Sagot ko sakaniya habang patuloy pa din sa paggagamot ng sugat niya.

"Ang ganda..." Tanging sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya, yung name ko ba ang tinutukoy niyang maganda? Hehe... Maganda talaga yon si Mama kase iyong gumawa non.

"Hehe... Si Mama kase ang gumawa nang name ko, Favourite color niya ang Lavander That's why nakuha niya ang First name ko doon."

Habang sinasabi ko ang eksplinasyon sa kaniya ay kinuha ko na ang bandaid at tinanggal na ang nakaharang sa dikit at itinakip sa sugat niya.

"Kaya ayon! Naging Lavander ang Fir—"

"No, I mean yes... maganda ang name mo. But I am pertaining to your personality."  Sabi niya nang nakatingin sa akin.

Kitang kita ko ang pagtitig niya sa akin, kung kaya naman napatitig na din ako sakaniya. Ito na naman ang hipnotismo sa mga tingin niya, nakakahila ng kaluluwa. Nag umpisa na naman ang pagkabog ng puso ko, sobrang bilis ng mga pagtibok nito. Nararamdaman ko ang pagsikip ng hininga ko lalo pa nang maramdaman ko ang unti unting paglapit ng mukha niya sakin.

Hanggang sa magdampi ang labi niya sa labi ko... napakalambot ng labi niya. Mas bumilis pa lalo ang pagtibok ng puso ko sa mga oras na ito. Hindi ko maipaliwanag ang naging mahika niya sakin at tanging pagpikit na lang ang nagawa ko at hinayaan ang mga sandaling nasa ganitong sitwasyon kami. Hanggang sa siya na din ang lumayo sa pagitan naming dalawa, dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.

"Sorry..." Kitang kita ko ang pagsisisi sa mga mata niya.

Hindi ako nakasagot pero alam kong wala naman siyang dapat ikahingi ng sorry sa nangyari. Dahil alam ko sa sarili kong nagustuhan ko din iyon.

"Sorry... for kissing you. But I really mean it. Hindi ko napigilan. Masyadong tempting ang labi mo... Arghhh! Ang sabi ko ay dapat aamin muna ako sayo e!" Tuloy tuloy na sabi niya.

"What? Anong aamin?" Takang tanong ko naman sakaniya.

"Ah-Ahmmm... Okay! I think this is the right time. Na kiss na nga kita e! I mean hehe.. ahmm, Tanda mo ba yung nakidnapp kayo? Pinasundan ko kayo kay Zach noon... dapat kase may Banda kami sa Tarima noon at magrerehearsal kami kaso nakita ko na para bang may mali sa paligid nang sasakiyan niyo kase may humarang sa inyo. Nang nalaman ko na parang pamilyar ang sasakayan na yon pinasundan ko kay Zach... Until Winston finally recognised it too, na sainyo nga ito at naalala ko namang ikaw palagi ang nagmamaneho ng kulay itim na mustang. Kaya ayon alam kong hindi lang naman ako ang nag aalala pati na din ang mga kasama namin... kaya ayon. Napasama kami sainyo, but I know mas better iyon dahil kasama niyo na kami... alam mo yon? Atleast may lalake. Kaso ang hindi namin alam ay mas kaya niyo pa lang protektahan ang sarili niyo kesa sa amin. Amazing right?" Di makapaniwalang sabi niya.

Nakatingin lang siya sa akin ng deretso at kitang kita ko ang sinseridad sa mga mata niya.

"No need to explain... basta, Na fall na ako sayo."

Missions to be Destined  [Completed]Where stories live. Discover now