Chapter Six

254 14 0
                                    

Zach's POV

Nasa canteen na kami and good thing nareservan na kami ng upuan dito eversince. I mean may nakatalaga na talaga kaming upuan dito sa canteen and it will be always for us. At kung sino man ang mga walang hiyang maunang umupo dito at hindi umalis once na nakita kaming paparating na. Ha! Humanda lang talaga.

Nakalatag na ang iba't ibang pagkain na inorder namin well madami dami talaga ito pero kaya naman naming ubusin. Habang papasubo ako ng pizza ay hindi ko alam kung bakit nag iba ang ihip ng hangin. Kapansin pansin din ang pagtahimik ng grupo namin kaninang nag aasaran pa.

Nakita ko din ang mangilan ngilang estudyante na nakatingin sa entrance ng canteen. And then out of curiosity ay napatingin na din ako. Hindi ko alam kung mapapasukan ba ang bunganga ko ng langaw dahil sa nakanganga ito.

She is so freaking hot! Pumasok ito sa loob ng canteen na parang walang pakealam at may nginunguya pang bubblegum which is giving her another kind of hotness. And wearing that kind of shirt na blue at hanggang pusod niya lang which is showing her little skin on her tummy at may abs pa siyang sumakto sa katawan niyang pangbabae at binagayan niya iyon ng Jeans na hanggang pusod at heels na sapatos. How can be so Hot and pretty as well.

Pinagpepyestahan siya nang ibang tao sa loob ng canteen hindi ko namalayan na nakatingin din pala ito sa akin at biglang nagpalobo ng bubblegum hanggang sa naputok iyon at nginuya niya ulit at kumuha na siya ng drink niya sa machine.

Sino siya?

"Is she's so hot?" Nakangiting tanong ni Dhrew.

"Yes..." Di makapaniwalang sagot ni Skyler.

"Well She is one of the transferee's na classmate ko." Kibit bakikat na sabi ni Dhrew.

Wait? What? Classmate niya iyong hottie na yon?

"Well di lang siya nag iisa. Marami sila, actually lima sila to be exact. And she is Golden." Sabi ni Dhrew sabay subo ng Pizza.

Galing sa US si Dhrew dahil sa isang hindi magandang pangyayari. Na aksidente silang pareho ng father niya while driving at nakaligtas siya pero nacomma naman ng dalawang buwan but his dad alive at may natamong mangilan ngilang sugat. Si Dhrew kase ang nag drive noon, hindi pa din sila satisfied sa sagot ng mga police na Function failure lang ng sasakyan ang sanhi. Dahil si Dhrew ay may hindi daw maintindihan noon.

Sobrang nag alala kami sa kalagayan ni Dhrew noon dahil sa kinailangan pa siyang dalhin ng parents niya sa US for better conditioning daw. At dahil doon sa pangyayari halos tatlong buwan siyang hindi nakapasok dahil sa recovery niya pa at napagpasiyahan na lang nilang ipastop na lang si Dhrew ng third year. Kung di lang yon nangyari malamang magkakasama kami ngayon sa iisang section, and graduating na.

"E sabi ko lima sila? Sino yung apat?" Itong si Skyler talaga sadyang napaka daldal.

"Hmmm... It's Lavander, Roshane, Dartha? And yung pinaka maangas sa lahat Zelesté." Kitang kita na namamangha pa ito sa paglalarawan niya sa huling pangala.

"Puro babae?" Nagtatakang tanong ni Arlon.

Ano pa ba? E kung may mga babaeng transferee e siya ang isa sa mga tirador ng mga ito. A womaniser ano pa ba!

"Hmmm... kahit ako nagtataka e. Magkakakilala nga din sila e. Siguro galing sila sa iisang school." Sabi ni Dhrew.

"Tara na!" Biglang singit ni Trixon

Mukhang tapos na naman nang kumain ang lahat. Kumuha na lang ako ng isang mineral water at sumunod na sakanila maglakad palabas.

Habang naglalakad maraming estudyante ang nakapalibot na para bang may nangyayari. And then here it come! That Golden girl na nasa harap ni Greg at parehong basa ng Coke?

"Sorry" sabi ni Greg.

Hambog itong si Greg and he is one of the Varsity ng basketball kagaya naming lima. And I must admit na si Trixon ang palaging nasasabihan ng MVP of the game dahil sa taglay nitong galing sa paglalaro.

"Yeah! I like it when it will become... hmm... Sincere!" Golden said sarcastically.

Napahinto kami sa paglalakad dahil sa eksena ng dalawa. Tinitignan ngayon nitong si Golden ang t-shirt ni Greg sa bandang tiyan nito na nababakas na ang abs.

Ha! What do you expect sa babae kapag nakakita ng abs malamang maglalaway. And sa kagaya ng Golden na ito hindi malabong isa siya sa mga babaeng iyon.

"Hey! Want it?" Mayabang na sabi naman ni Greg habang tinutukoy ang Abs niya na tinitignan ni Golden.

Mukhang napagtripan ang babaeng to ng grupo nila Greg. Kilala silang bully e pero hindi sila pumapalag sa amin. Weak!

Nginuya ni Golden ang bubblegum in a sexy way na nagpanganga sa lahat ng tao dito, and then suddenly she touch the shirt of Greg. Yung malapit sa laylayan at dahang dahan iyong inaangat. Halata sa hitsura ni Greg ang pagkagulat. Malamang he didn't expect na kayang gawin yon sa kaniya ng babae. Ibang klase!

"Hmm... your shirt are pretty and I am so sorry to mess with it..." Golden said it in a sexy way.

Inilibot niya ang kaniyang isang kama sa batok ni Greg at may ibinulong dito pero dinig din naman namin.

"But I would love it..." at matapos non ay dumistansiya siya at itinapon ang laman ng coke sa ulo ni Greg. "To mess it more!" At itinaktak pa ito na parang sinugarado niyang mauubos iyon sa katawan ni Greg.

"Ooooooooowww!!"

"Gross!"

"She is a freak!"

"Oh my goooooshhh!"

Bakas sa pagkagulat sa mga taong nanunuod dahil sa mga ginawa ng babaeng ito kay Greg. Actually bukod sa amin ay wala nang nagbalak na gumamti o lumaban sa grupo nila dahil sa malalaki ang katawan ng mga ito at talagang mga sikat. At bukod doon binabalikan nila ang lahat ng lumalaban sakanila.

"Bye sweetie!" Pamamaalam ni Golden sakaniya at umalis sa pwesto na tapat ni Greg.

Naglakad ito at sumaktong nadaanan niya ang mga kasama ni Greg na kanina ay nagtatawanan pero bakas ang gulat ngayon. Itinapon ni Golden ang Can coke na hawak niya sa table ng grupo at sumaktong nakatayo iyon. Mas ikinagulat nila ang nagawang iyon ni Golden na ngumiti lang at tuluyang umalis.

"Oh my god that B*tch!" Sabi ni Dana na cheerleader naman at pinunasan si Greg.

Pero tinabig lang ni Greg ang kamay niya at umalis. Malamang sa malamang ang iniisip non ay kung paano magagantihan ang babaeng iyon.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa matapunan ni Trixon nang tingin ang grupo nila Greg. Halata ang gulat sa mga iyon, pero binalewala lang ni Trixon iyon at nag patuloy na sa paglalakad.

"Pano dude? Dito na kami a!" Paalam ko kay Dhrew.

Nasa fourth floor pa ang classroom nito samantalang kami ay nasa second floor lang. tumango lang ito at inapiran ako.

"Oh sige! Sige! Dito na ako." Paalam nito at umakyat na

Kami naman ay dumeretso na papuntang classroom hindi din naalis ang ilang tinginan ng mga kababaihan sa amin. Hindi sa pagyayabang pero sobrang kinababaliwan ang grupo namin sa mga babae.

Kilala na kase kami dito simula ng Grade school pa lang. Itong school ng Newford's University ay may building na pang Elementary, Secondary and College. Malawak ito at talagang malaking eskwelahan.

Kitang kita din sa mga estudyante dito ang mga yaman nila sa kanilang pamilya. Hindi na iyon bago sa amin. Karamihan sa estudyanteng nag aaral dito ay mga anak ng businessman or anak ng namamahala sa politika, may iba pang anak ng artista.

At sa kaso naming magkakaibigan, anak kami ng mga businessmen kung saan malalaking kompanya ang hawak ng pamilya naming lahat.

Pati na din ang eskwelahan na ito ay may share ang pamilya namin.

Missions to be Destined  [Completed]Where stories live. Discover now