Chapter Fifteen

231 9 1
                                    

Roshane's POV

Nandidito kami ngayon sa loob ng bahay ni Boss at pinaghahandaan namin ang aming misyon mamayang gabi.

"Guys? Pano iyon? Attendance is a Must daw sa Welcoming party." Nag aalangang sabi ni Kat.

Ha? Attendance is a must? Ano iyon! Pano kung hindi mahilig sa party ang isang estudyante, edi mapipilitan silang pumunta?

Pinapakita sa amin ngayon ang gagamitin naming gown at maskara para sa Night party na may theme na Masquerade daw. Pang sosyal at color black and Red ang tema ng kulay. Hawak hawak ko ang gown na isusuot ko.

Napaka ganda nito ganon din ang isusuot ng apat ay magaganda din. Ang kay Arch ay pulang gown din pati kay Dartha pero kay Kat. At Zel ay itim.

"Walang problema. Aattend tayo pero tatakas din. Over the bakod sa likod ng school may gate doon at sa tingin ko madaling tumakas doon." Sabi ni Zel.

Sumang ayon ang lahat na doon na lang daw sa likod ng school ipapark ang aming sasakyan. At ang nakaktuwa pa dito ay si Zel nakuha na ang kaniyang Motor.

Hinihintay namin na mag alas sais bago mag start ang Welcoming party sa school at mag aattendance lang muna kami. At kapag nagkagulo na daw ay mag uusap usap nang isa isang pumunta sa likod at mag over the bakod. Alas otso kase ang simula ng Night Party na nasa misyon namin kaya kailangan naming mag doble ingat.

Suot daw ng ang necklace ng kabit ng ex boyfriend ng client namin which is ang anak ng isa sa pinaka mayamang Mafia group.

Ayon sa imbestigasyon ng grupo ay isang masosyong tao ang kabi na iyon na nag ngangalang Martina Cuevas, mayaman din siya pero mas pinili niyang maging kabit nang isang sikat na batang business man na nag ngangalang David Escalente ang ex boyfriend mg kleyente namin na anak ng Mafia. Sabi niya ay hindi daw siya makakapunta sa party ngunit nandodoon ang kanyang ama na mahilig sa babae. Ang sa pagkakaalam namin, party iyon ng mga business man pero hindi iyon alam ng mga legal na asawa nila. In short! Party iyon para makalandi sila sa iba!

Binigay na sa amin ang mga earpiece namin upang maging gamit iyon para sa aming komunikasyon. Sinuot ko ang earpiece sa aking kanang tenga at hinayaan na lang nakabuhaghag ang aking buhok.

Sa sasakyan ako ngayon ni Arch sasakay samantalang sa kabila naman si Dartha at Kat ang magkasama habang si Zel ay sa motor niya aangkas.

5:30 na nang makaalis kami paniguradong sas sakto lang ang dating namin sa University na iyon. Maya maya lang nakarating na din kami sa likod ng university at naghanap ng mapaparkingan sa di kalayuan ng gate.

Bumaba na ako ganon din ang apat samantalang si Zel naman ay nauna. Nakamotor siya kaya mas mabilis siyang nakapunta dito. Naglakad na kami hanggang sa marating na namin ang main gate ng university. Itinapat namin sa sensor ang aming ID at malamang dito na kukuhain ang Attendance.

Andidito kami ngayon sa ground at may minis staged pa sa gitna. May mga nag seset up na din sa harap. May mangilan ngilan ding booth kagaya ng mga para sa pagkain, photo booth at kung ano ano pa.

Sinipat ko ang orasan sa aking cellphone ay 6:02 pm na. Ang usapan ay kapag nagkagulo na. Magkakasama kaming apat pero hindi namin mahagilap si Zel. Iyong babaeng iyon talaga.

"GOODEVENING NEWFORD!!!" Isang pamilyar na boses ang ikina lingon ko mula sa stage.

Dhrew? Anong ginagawa niya diyan? Tinignan ko ang iba pa nilang myembro at mukha ito yung palagi niyang kasama. Nagtama naman ang paningin namin ng may hawak ng Electric guitar. Ngumisi lang siya na parang si Joker sa akin at tinarayan ko lang siya.

Missions to be Destined  [Completed]Where stories live. Discover now