Chapter Twenty-Eight

183 7 0
                                    

Dartha's POV

Kunti konti kong iminulat ang aking mga mata... madilim ang paligid at tanging ilaw lang sa gilid ng kama ko ang naaninag ko. At parang uhaw na uhaw ang pakiramdam ko pati ang pagsakit ng ulo ko.

"T-Tubig..." Hingal na sabi ko.

"Oh my god! Swettie?! OH MY GOD YOU WAKE UP! Call the doctor hubby!" Rinig ko pang sabi ni Mama.

Teka? Mama? Bakit andidito si Mama? Nasa Malaysia siya diba? Inilibot ko ang paningin ko at kita ko pang tumayo ang pamilyar na lalake sa mesa at pumunta sa pwesto ko... What are they doing here?

Teka? Nasa hospital ba ako? Ano bang nangyari? Wait! Kanina nawalan ako nang malay dahil sa nalaglag ako sa hagdan...

"Excuse me ma'am let me check her." Sabi nang isang doctor at iniilawan pa ang mga mata ko na ikinasilaw ko.

Nagsign pa ito ng peace sign "Ilan ito?" Tanong nito

"Dalawa..." paos na sabi ko pa. "Water...Please?" Kanina pa ako nanghihinge ng tubig e. Bakit ba kase sobrang tuyo ng lalamunan ko?

"It's a fast recovery from your daughter... that's good! Kailangan niya na lang inumin ang mga gamot niya for the recovery pa rin." Sabi nang doctor at tsaka na lumabas.

Iniabot sa akin ang bottled watter. Pinilit kong umupo pero tinulungan niya akong makaupo, pinindot niya ang remote at tsaka naman umangat ang bandang uluhan ng higaan. Binuksan ko pero hindi ko makayang gawin iyon. Kaya naman kinuha niya ang bote at siya na ang nagbukas at ako naman ay ininom iyon.

"Oh my god! Swettie! Thanks god you are awaken!" Naiiyak na sabi ni Mama.

Nang matapos akong uminom ay kinuha niya ang bote sa akin. At si Papa naman ay niyakap ako. Napangiti naman ako ng malaki ng makita sila dito. Pero diba nasa Malaysia sila?
nilingon ko siya na kakabalik lang dahil nilapag niya ang bote ng tubig sa lamesa.

"Why are here?" Takang tanong ko.

"Tinawagan ako ni Arch na nasa hospital ka daw doon pa lang ay nag aalala na kami kaya sinabi ko kay Hubby na umuwi na agad ng Pilipinas at ipagpaliban na muna ang meetings." Paliwanag ni Mama.

"Ginawa niyo yon? Pano na yon? Importante ang meeting na iyon diba?" Nag aalalang tanong ko pa.

Hinawakan ni Papa ang kamay ko at si Mama naman ay nakahawak sa magkabilang balikat ni Papa.

"Mas importante ang buhay ng anak namin." Sabi ni Papa.

Nahabag naman ang puso ko sa sinabi ni papa at kitang kita ko naman na nag alala sila sa sitwasyon ko. Malamang alam na nila ang nangyari sa akin. Nilingon ko ang ang nasa kabilang side ng higaan at kinunutan lang siya ng tingin.

"At ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pa sakanya.

"Di mo ba ako namiss? Kase ako miss na miss na kita e!" Matapos niyang sabihin iyon ay niyakap niya ako ng mahigpit na ikinangiti ko naman nang malaki miss na miss ko na din kase siya e.

Hindi pa man nagtatagal ang yakap ay bumukas ang pinto at tumanbad sa akin si Dhrew? Anong ginagawa nito dito?

_____________________________________

Dhrew's POV

Ang awkward nang biglang pagbukas ko nang pinto at bumungad sa akin si Dartha na siya namang may kayakap na lalake. Nagkatitigan kami ni Dartha at binigyan niya lang ako ng tingin na nagtataka.

"OH MY GOOOD! DARTHAAA GIRL!!" Walang pasintabing nagmadaling pumasok si Golden at Roshane kasunod si Lavander.

Wala na akong nagawa nang makapasok na din dahil sa nadala ako nang tatlo sa pagpasok nila sa loob, inilapag ko ang dala kong prutas sa table. Medyo nahihiya pa akong tumanbad sakanila. Dahil halos lahat sila ay nakatingin sakin.

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon