Chapter Forty-Six

166 8 0
                                    

Roshane's POV

Palihim kaming nagkaroon ng plano para hindi kami mahalata ng nagmamanman malapit sa pwesto namin, hindi man kami nahiripan sa pag gawa nito dahil nga sa sanay na kami pero dahil mga importante sa buhay namin ang gusto naming ingatan ay nag ingat pa din kami sa pag uusap usap.

Nang tuluyang nabuo ang plano ay agad nang tumayo si Kat upang madistract na ang mga lalake sa katabing pwesto namin. Mabilis din naman akong pumunta sa pwesto nang lalakeng nakacap.

Kailangan ko daw kapkapan ang lalaking ito kung may dala siyang deadly weapon o ano man na pwedeng maging banta sa buhay ni Dhrew, dahil base sa pagmamanman ni Zel at ng grupo mukhang si Dhrew ang pinaka target nila at kahit ako ay sumasang ayon dito.

Nang tuluyan na akong nakalapit nagkunwari pa akong naglalaseng lasingan, ginawa ko ang lakad na kunwari ay nagewang gewang.

"Oh my goood! Everything is twirling!! Hahaha!!!"

Sinugurado kong maririnig niya iyon, pinasadahan ko ng tingin si Dartha kung nandodoon na ba siya sa baba ng stage, at nang masigurado ko ay ginawa ko na ang plano.

Nagkunwaring nagpagewang gewang ako sa paglalakad at isinakto kunwaring natumba ako sakaniya malamang nang dahil sa pagkabigla ay nasalo niya ako. This my time to check!

Pasimple kong idinampi at kinapkapan ang parte ng chest niya kung may nakatago ba sa loob ng jacket na suot niya.

"Oh my god! I'm sorry!! WAAAAACKKK!!!"

Nagkunwari akong nasusuka kung kaya hinawakan ko ang jacket niya at pasimpleng chineck kung may laman ba ang loob nito, pero negative. Wala itong tinatago sa loob ng jacket niya.

"Oh my!! I'm really sorry talaga..." Kunwaring paghingi ko pa nang sorry.

Sumakto namang natapos na ang pagtugtog sa stage, at paniguradong pababa na ang mga ito.
Nakipagkamay ako sa lalaking nakacap para maging paraan ko upang kapkapan ang sleeves nito sa kamay, and tama nga! Dito niya tinago ang malamang ay isang kutsilyo ang isang ito.

"Oh my goood! Muntik na kitang masukahan, thanks sa alalay Hahahaha..." Pagdidistract ko sakaniya.

Kitang kita ko sa hitsura niya ang pagiging balisa pero pinilit lang nito na maging kalmado. Tinignan ko ang pwesto ni Dartha kanina sa gilid ng stage, at napangiti ako ng wala na ito at si Dhrew.

"Hey?! Are you okay?" Biglang pagdating ni Winston.

Tumungo lang ako sakaniya paniguradong napansin niya ang ginawa ko, nang masaktuhang madaanan ang pwesto ni Kat ay sinenyasan ko siyang okay na.

_____________________________________

Lavander's POV

Nang dumaan na si Sniper sa pwesto namin at sumenyas ito na okay na ay inihanda ko na ang sarili ko sa pag alis. Ang napunta kase sa akin na plano ay ang idistract ang dalawang nasa malapit sa pwesto namin para hindi na makapag look out.

"Ahmm... Hehe! Kung gusto niyong mag invest ng maraming pera? Just call our company ah! Ayan ang number."

Iniabot ko ang sinulat kong gawa gawang numero, kinuha nila iyon dahil mukhang nauto ko sila at naengganyo sa sinabi kong kompanya na makakatulong para makapag invest sila ng maraming pera in just one month. Iyon ang pumasok kaagad sa isip ko na makakapag distract sakanila.

"Ah sige! Hahanap pa ako ng pwedeng maaya e! Power?! POWER!!" Kunwari pang sabi ko.

Nang masaktong makita kong papunta si Skyler sa pwesto ko na kitang kita na nagtataka ay hinila ko siya papunta sa second floor.

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon