Chapter Twenty-Two

193 8 0
                                    

Zelesté's POV

Lutang ako habang nakahiga hindi mawala sa isip ko ang lalakeng iyon, ano bang namgyayari sa akin? Anong meron sa lalakeng iyon? Napapabilis niya ang tibok ng puso ko kapag nagkakatama ang mga balat namin sa isa't isa.

Hindi naman kaya? Tch! Kalokohan.

Flashback

"Paano mo nakita ang lugar na ito?" Tanong ko sakaniya.

Nakatingin siya sa city lights habang ako naman ay nakahiga sa damuhan at tinitignan ang mga bituin sa langit. Napaka ganda ng mga ito, pati na din ang buwan na bilog na bilog at napakaliwanag. Napapangiti ako ng dahil sa mga ito ay pakiramdam ko malayo ako sa kung anong bagay na dinadala ko, malaya ako.

"Hmm... kapag may problema ako dito ako dinadala ng sasakyan ko. Sa totoo lang hindi ko din alam kung paano ko nalaman ang lugar na ito. Para bang... it is just meant to happen na mapuntahan ko to." Nakangiting sabi niya.

"Hmm... napakabait naman sayo ng diyos. Pinakita niya sayo ang lugar na ito. So that's mean? It's your place?" Natatawang sabi ko naman.

"Pwede namang bilihin ko ito." Biro niya namang sabi.

"Ha! Ang yabang!" Di makapaniwalang sabi ko pa.

Umupo ako at ngayon ay nakatapat ako sakaniya. Kita ko namang medyo namula ang pisnge niya ng magtama ang mga mata namin. Anong meron sayo?

"Ahm... anong klaseng problema naman ang mga dala dala mo kaya ka napupunta dito?" Pag iiba ko ng topic.

Umiwas na siya ng tingin at tumingin na lang sa city lights. "Well, mga sariling gawa ko na problema." Natatawang sabi niya pa.

Sariling gawa na problema? Hmm... interesting.

"Gaya nang?" Pagsusuri ko.

"Hmm? Gaya ng pagiging pasaway kila Mama at lalo na kay Papa..." Matagal bago niya dugtungan ang sasabihin niya at tumingin siya sa akin, "E ikaw? Anong sayo?" Deretsang sabi niya.

Bahagya pa akong nagulat dahil sa biglaang tanong niya. Ganon ba kahalata na may dinadala ako? Akala ko, magaling na akong magtago ng dinadala ko. Hindi pala.

"Hahaha... It's just only mine. I didn't like sharing." Pabirong sabi ko pa.

Alam kong sa sarili kong mas magiging ligtas ako kapag sinarili ko ang mga bagay bagay sa akin.

"Alam mo bang minsan ang pagsheshare ay nakakagaan ng pakiramdam. Kahit maliit na pasanin pag nagsama sama yan at naipon ay lumalaki... at bumibigat." Nakatingin lang siya sa malayo habang sinasabi iyon.

Totoo, mabigat ang mga dinadala ko kaya nga naging ganito na ako e. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa ngang umabot sa ganito.

"Kaya nga minsan, mas magandang mag share ka para gumaan ang pakiramdam mo... para mabawasan. Kumbaga kung construction worker ka, wag mong dalhin lahat ng hollow blocks, magpatulong ka sa iba... para maging magaan, at walang mabasag sa dala mo..." Malalim na sabi nito.

Kinilabutan ako sa mga sinabi niyang iyon, masyadong mabigat pero alam kong gusto niya lang makatulong. Masyado ba akong nagfefeeling malakas? Ha! Siguro nga.

Tinignan niya ako at kitang kita ang sinsiredad sa mga mata niya, ngumiti siya tinapik niya ang kaniyang dibdib. Hindi ko alam pero para bang bumigat ang pakiramdam ko at ang sarili kong sistema ay hindi ko makontrol. Idinikit ko ang aking noo sa kaniyang dibdib. Hindi ko na napigilan, bumuhos ang aking mga luha nag uunahan silang lumabas sa mga mata ko. Tch! Nakakinis!

Humihikbi lang ako sa kaniyang mga bisig, naramdaman ko ang pagtapik niya sa likod ko. Nakakagaan ng pakiramdam ang mga ginagawa niyang ito. It's a comfort that I've needed long time ago... but nobody did.

"Hmmm... ilabas mo lang." Bulong nito.

"Ha! Alam mo bang hindi kita kilala? Pero ewan ko ba kung bakit sayo ko to nagawa? Mahirap sa akin...lalo pa kung ang paniramdam ko ay walang sinuman ang kakampi ko... Ang hirap! Pakiramdam ko lahat! Lahat ng tao ang kakompetensya ko... pero parang ako lang ang nag iisip non..." Humihikbing sabi ko pa.

Nanatili lang siyang tahimik habang ako naman ay patuloy pa din sa pagsasalita.

"Bata pa lang ako, lagi na nilang sinasabi sa akin na... I need to be the best! They've always wanted me on the top! Bata pa lang ako non... But I felt like I have this big responsibility... and no one ever teach me to be happy... just like a normal child, na naglalaro... may mga kalaro..." Malungkot pang sabi ko.

"I wanted to have some scar from playing... but all I have is a scar from a training." Mapait pang sabi ko.

"Yung mga kaibigan mo? Hindi ba kayo kayo ang magkakasama?" Takang tanong nito.

Umalis ako mula sa pagkakahilig ko sa dibdiban niya. At ngumiti, nang maalala ko ang mga kaibigan ko.

"Yes... of course. Actually sila ang kauna unahang kaibigan na nagkaroon ako. Nang magstart akong mag grade school, sila ang unang bumabati sa akin pagpapasok. Actually I am a loner sa klase dati, pero dahil aa kakulitan ni Sniper ay hindi ko na nagawa pang tanggihan siya. Kasama niya palagi sila Katana at Dartha, Hanggang sa naging magkakaibigan kami." Kwento ko pa.

"Sniper? Katana?" Takang tanong naman nito.

Oo nga pala hindi niya pala kilala ang mga iyon. Nakakatawang banggit ako ng banggit ng pangalan pero mukhang hindi niya maintindihan.

"Roshane Sniper Hidalgo, Dartha Rodriguez, And Lavander Katana Bernardo, at si Golden naman ay Si Golden Archery Trinidad... and I am Zelesté Calibreze Mendez." Pagpapakilala ko.

Hindi namin ugaling magpakilala kung kani kaninong tao pero mukhang walang kaso naman sa lalakeng ito, magaan ang loob ko sakanya.

"Wow! Now I am enlightened... all this time kayo kayo din pala yon!" Di makapaniwalang sabi niya pa, "Oo nga pala? Pano Si Golden? Pano niyo siya nakilala?"

"Hmm... We have this kind of lesson, nung una ay ako lang ang tinuturuan nito... hanggang sa may ipinakilala sa akin ang nagtuturo na isang batang babae na kumakain ng lollipop. Si Archery iyon, naging maingay siya pero pursigidong matuto. At sa hindi ko inaasahang pangyayari ay ipinakilala sa aming dalawa ang tatlo kong kaklase noon, yung makukulit, sila Dartha, Katana at Sniper..." nakangiting kwento ko.

"Simula non, sila na ang naging palagiang kasama ko, naging magkakaklase kami sa Steinfeild at lagi kaming lima ang nangunguna sa klase... hanggang sa wala na nagsawa kami, kaya ayon! Lumipat kami ng ibang school at dito na yon sa Newford's University." Masayang sabi ko pa.

"Wow! Sabi nga ni Dhrew ay magagaling kayo." Di makapaniwalang sabi nito.

"Hindi lang si Dhrew ang nagsasabi niyan! Sanay na kami." Nakangising sabi ko pa.

Nakita ko pa sa histura niya ang hindi makapaniwalang ekspresyon niya, " Grabe! Ang hangin talaga dito..." pagpaprinig niya.

Hindi ko alam pero natawa na lang ako sa sinabi niya. Naramdaman ko din kahit papaano na may kasama ako sa ganitong klase ng bagay dahil nandidito sa tabi ko ang lalakeng ito.

"Salamat." Tanging nasabi ko matapos tumawa.

"Hmm..." Nakangiting sagot niya lang.

Aaminin ko, dahil sa ginawa naming ito ay hindi ko naramdaman na may kung ano akong dala dalang responsibilidad sa kahit na anong bagay. Nawala sa isip ko ang lahat lahat ng iyon at tanging nararamdaman ko lang ay Masaya ako at dahil iyon sakaniya.

End of the Flashback.

Matapos ng gabi na iyon, madalas na akong pumupunta sa lugar na iyon. Masaya ako na kapag nandodoon ako ay nailalabas ako sa sarili ko ang mga problema, para bang nang dahil sa lugar na iyon... Normal na tao pa din ako.

Kaya laking pasalamat ko sa lalaking iyon, na dahil sa kaniya ay nalaman ko ang lugar na iyon. At sa mga araw na hindi ako pumasok ay nandoon lang ako nagpapahangin at nagmumuni muni, magandang bagay na ginagawa ko kung kaya narerefresh ang utak ko. Napangiti na lang ako sa mga naaalala ko, dahil sa lalakeng iyon.

Missions to be Destined  [Completed]Where stories live. Discover now