Chapter Forty-Five

162 8 1
                                    

Trixon's POV

Kanina pa ako nawiwirduhan dito kay Zelesté I mean sa girlfriend ko. Naks! Hahaha...

Kanina ko pa siya pilit na kinakausap pero napakawalang kwenta lang nang mga sagot niya sakin, aaminin kong medyo kinakabahan ako sa pag aayaya niya nang inuman sa aming lahat. Nakikita ko na kase siyang uminom noong mga nakaraan at oo malakas nga siyang tumungga ng beer pero itong hard drink kaya ay kaya niya?

Nag aalala ako, hindi lang bilang boyfriend syempre bilang isang lalake na makikitang baka mahirapan silang umuwi. Napailing iling lang ako sa naiisip ko habang pinapanood si Zel na lumalagok ng beer.

"Babe? Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko sakaniya.

"Oo naman! Dapat ba hindi?" Sarkastikong sagot nito.

Ayan! Ayan na naman siya sa ganyan... di ba? Napakawalang kwenta! Hanggang sa saktong naubos na niya ang isang bote ng beer. Teka? Bat ang bilis naman niya? Samantalang yung akin di ko pa natutungga e.

"Tsk! Tama na yan." Seryosong sabi ko pa.

Nag aalala ako sa ganyang kilos niya e. Parang hindi ko siya kilala sa paganyang ganyan niyang akto. Para siyang bumabalik sa Zel na maangas at walang pakealam sa paligid.

Tinungga ko ang beer hanggang sa mangalahati ito. Nagtama ang paningin naman ni Winston, mukhang pati ata sila ay naguguluhan kung anong meron.

Binuksan ni Zel ang hard drink at nilagyan ang mga  shot glass nang laman. Nagkanya kaniyang kuha naman limang babae at pinag aabutan naman ang mga kaibigan ko. Pati si Zel ay nilapag ang shot glass sa tapat ko. Kahit hindi pa tapos ang beer ay kinuha ko pa din iyon at ininom.

"Ako na ang magtatangero" Nakangiting sabi ni Dartha.

Nilalagyan niya ang iisang shot glass at ipinaikot na lang iyon dahil daw masyadong matagal kung isa isang shot glass pa na siyang sinang ayunan naman namin.

"Babe?" Tawag ko sakaniya.

"Hmmm?" Walang ganang sagot niya.

"I love you." Malambing na sabi ko pa tsaka siya inilapit sa akin at pinalibot ang mga kamay ko sa bewang niya.

Medyo tinatamaan na ako ng Hard drink dahil sa nakakalahati na namin ang bote nito. Tinignan ako ni Zel deretso sa mga mata para itong nagtatanong kasabay ng may pagtataka. Anong klaseng tingin yan?

Ibinalik niya ang tingin niya sa gitna at tsaka umayos ng upo, nilapag niya ang shot glass na siya na pala ang tumungga sabay kuha nang piraso nang tostadong mani at kinain iyon.
Nagulat naman ako sa inakto nito, malakas ang pagkabagsak ng shot glass sa lamesa kaya ang mga atensyon ng iba ay natuon sakaniya.

Para siyang nakakatakot na babae ngayon, matalim ang tingin niya sa amin. Umayos ako nang upo, nahiwalay tuloy ang pagkakayakap ko sakaniya. Tinignan ko ang mga kasama ko, Ang mga kaibigan ko ay mukhang gulat na gulat at kagaya ko ay halatang kinakabahan... tinignan ko ang mga katabi nilang babae, si Lavander ay mukhang nalulungkot pero seryoso at the same time, si Arch mukhang mataray ang hitsura, si Dartha ay parang kampante lang, si Roshane ay tumungga lang ng beer ni Winston na hindi din ubos gaya nang sa akin.

"Kayo ba?" Panimula ni Zel.

Hindi ko alam pero nanlamig ang mga kamay ko sa lumabas na salita sa bibig niya. Para itong nagbabanta at sobrang seryoso.

"Pinagtitripan niyo ba kami?" Pagpapatuloy nito.

Pinagtitripan saan? Anong ibig sabihin niya?
At bakit namin sila pagtitripan?

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Winston.

"Well... narealize kase naming, bakit halos sabay sabay kayong nag confess? Is this a kind of game or prank?" Malditang pagkakasabi ni Roshane.

Missions to be Destined  [Completed]Where stories live. Discover now