Chapter Forty-Two

160 7 2
                                    

Trixon's POV

Kitang kita ko sa hitsura niya ang gulat, pagtataka, at naguguluhan. Sa isang tanong na iyon ay parang tumalbog ang puso ko nang hindi niya malaman ang tamang isasagot sa tanong ko. Kung nagseselos ba siya ay hindi ako sigurado, pero sa inaakto niya ay parang alam ko na agad ang sagot.

Natutuwa ako pero hindi ko dapat iyon ipakaita sakaniya baka mamaya kung ano ang isipin niya at maundlot pa ito.

"Let me drive you." Tanging nasabi ko.

Mas lalo akong natutuwa nang hindi man lang siya tumututol sa sinabi ko. Inabot ko sakaniya ang bear na binigay niya sa akin.

"Ingatan mo siya ah!" Nakangiting sabi ko at kinuha ang helmet niya.

At isinuot ko sa kaniya ang helmet niya kitang kitang kita ko ang pamumula nang mga pisnge niya nang medyo magkalapit ang mukha namin matapos kong maikabit ang helmet niya ay lumayo na ako at tumalikod, di ko maiwasang mangiti nang dahil sa inaakto niya.

Tsk! Tsk! Zelesté Calibreze Mendez!! Babae ka nga pala. Hahaha... mukhang nasa akin ang alas ngayon, wala iyang angas mo.

Nang mailiagay ko ang helmet sa akin ay umangkas na ako nang motor. Tinignan ko siyang tulala lang na nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako sakaniya, inilahad ko ang kamay ko upang matulungan siyang makaangkas. Ha! Hindi ka makakawala sakin ngayong gabi! Nang makaangkas na siya ay hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at ipinalibot iyon sa aking bewang at kitang kita ko ang reaksyon ng kaniyang mukha sa side mirror.

"Kapit ka baka mahulog ka niyan." Nakangiting sabi ko.

Nagtama ang paningin namin sa salamin, iniiwas ko ang aking mata at tumingin na sa harapan. Nakangiti akong minamaneho ang motorsiklo niya kahit pa nasa gitna namin ang bear ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagkakayakap niya sa akin.

Inihinto ko na ang motor nang marating namin ang lugar na ito. Andidito na naman kaming dalawa, kaming dalawa lang.

Bumaba na siya at inalis ang helmet bumaba na din ako ng motor at ipinwesto na ito nang maayos. Nilapag niya ang helmet sa upuan ng motor ang suot ko naman ay sinabit ko.

"Andidito na naman ako..."

Sabi niya sabay suminghal ng hangin na malamig, pinagmamasdan ko lang siya sa kaniyang ginagawa at nararamdaman ko na lang ang mabilis na pagtibok ng puso ko ang abnormal na tibok ng puso ko.

Napatingin siya sa akin, at kitang kita ko pa ang gulat na mga mata niya. I think I have to ask her weird reactions...

"Kanina—"

"Alam mo? Ang ganda nang buwan..." Sabi niya sabay turo sa buwan.

Moon is always beautiful, pero quarter moon lang ito ngayon at hindi gaanong maliwanag. Iniiba niya ang topic.

"Nagseselos ka ba? Kanina?" Deretsong tanong ko sakaniya.

Nakita ko paghigpit nang yakap niya sa Teddy bear na hawak hawak niya. Lumapit ako sakaniya at iniharap siya sa akin. Ngumiti lang ako sakaniya, at hinawakan ko ang kaniyang kanang pisnge gamit ang aking kaliwang palad. Naramdaman ko pa ang paggitla niya, naiilang din siya sa pagtitig ko sakaniya.

"Tumingin ka sa mga mata ko." Utos ko sakaniya.

Natuwa naman ako nang wala siyang magawa at sinunod ang utos ko. Tsk! Yung angas niyang yon? Hahaha... naalis ko! Iba ka talaga Trixon.

"Nagseselos ka ba?" Tanong ko sakaniya nang deretsang nakatingin lang sa mga mata niya.

Hindi siya sumagot pero base pa lang sa pagtingin ko sa mga mata niya mukhang alam ko na ang sagot. Tsk! Hindi nga ako nagkakamali.

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon