Chapter 1 - Prologue - Brothers & Sisters

22.8K 304 38
                                    

The Wong Family.

"Deanna, Peter!!! Come inside now, lunch is almost ready." tawag ng Nanay nila sa dalawang bata na kasalukuyang naglalaro pa sa labas ng bahay.

"Coming!!!" sabay na sagot ng dalawa.

Agad na sumunod ang mga bata na akala mo ay magkasing edad lang dahil parehas ang laki at tindig. Mapagkakamalan mo pa nga silang kambal. Magkamukha naman talaga sila.  Ang kaibahan lang ay mahaba ang buhok ng babae.

Siguro nasa sampu o labing isang gulang sila.  Parehas na matangkad at katamtaman ang mga katawan.  Bukod sa maputi, guapo at maganda pa.

Dumiretso sila sa dirty kitchen na nasa side ng bahay nila at naghugas ng kanilang kamay.

"Laro uli tayo mamaya, Ate Deanna." sabi ng batang lalake.

"Peter, we just finished playing and you're already thinking of playing again, huh." sagot ng tinawag nyang ate.

"That's what kids do, play and play." hirit pa rin ni Peter.

"Ssshhhh, huwag kang maingay at baka marinig tayo ni Mama." Deanna replied before entering the main house.

"Tatakas tayo mamaya, Ate." bulong ni Peter kaya siniko sya ng Ate nya.

Pagdating nila sa loob ay nakahain na nga ang mga pagkain sa lamesa.  As usual, sobrang dami na naman.

"Wow, ang dami naman ng ulam natin Mom.  Parang fiesta.  Uuwi ba si Dad ngayon?" tanong ni Deanna.

"Oo. Biglang tumawag na dito sya manananghalian nga.  Pero katatawag uli na mauna na tayo dahil nagkabulilyaso sa project nila. He will be late." their mother replied.

"Si Dad talaga, napaka workaholic. Kakain uli tayo ng hindi kumpleto." sabi ni Deanna.

"Hayaan mo na Ate. Kain na tayo at gutom na ako." Peter said.

Basta may pagkain sa harap, hindi na mag dadalawang isip pa ang bunso, kain agad ang nasa isip.

"He might join us tonight.  Huwag na kayong magtampo sa Daddy ninyo.  He's working hard for us.  Yun ang isipin ninyo lagi." their Mom explained.

"Kahit na weekend?  It's Sunday but why he's still working?" Deanna asked.

Nobody answered.  Tahimik na sumandok ang Nanay nila. Hindi na humirit ng sagot si Deanna.

"Ang sasarap naman.  Karekare and spicy seafoods tas sinigang na babi, yum.  You're the best talaga Mom." Peter said habang humihigop na ng sabaw. 

"I know, son. But we have to say our prayers muna bago kumain. Ikaw talagang bata ka, you always forget." sabi ng Nanay nila.

They vowed their heads and their mother uttered their grace before meals.  After that, they started eating.

"Thank you Mom sa pag aalaga sa amin. We love you." sabi ni Deanna habang nagsasalin na rin ng pagkain sa plato.

"You're welcome baby. Next time, I'll teach you how to cook. It's about time that you start and learn how to do it since you're a girl." sagot ng Nanay nya.

Napaubo si Deanna kaya tinignan sya ni Peter sabay abot ng tubig dito. Kinuha nya agad ito at ininom. 

"Thanks, bro." sabi ni Deanna.

Kinindatan lang sya ni Peter.

"Alam ba ninyo na your lola taught me early how to cook. Lagi nyang sinasabi sa akin na I won't get a husband if I don't know how to cook.  May kasabihan kasi tayo na "the way to a man's heart is through his stomach." their mother said habang nakangiti na tipong nagre reminisce pa.

MY BROTHER'S GIRLFRIEND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon