CHAPTER 1: Pimples

24 5 2
                                    

"Para po! "  It was 8:00 in the morning when I came to Ayala Mall Alabang where my first job interview will be held.

Azar.

Ang aga pa pero pawis na kaagad ako dahil punuan yung nasakyan kong jeep ayaw paawat ni kuya ng driver eh kulang na lang eh kalahati lang yung ibayad ko kc naman day, kalahati lang naman sa pang upo ko yung kasya sa upuan. Kastress! Nag effort pa naman ako sa make up ko para kahit papaano eh matakpan naman kahit konti yung Pimples ko sa forehead ko. Syempre kelangan presentable kapag interview pa good shot sa panel Hahaha.

"Good morning po" I greeted the security.

"Good morning" he said.

Hiningi nya sakin yung ID ko and and I logged in dun sa logbook tapos deretso na ko dun sa elevator. Sa 10th floor yung pupuntahan ko para sa interview.

The elevator were about to closed when there is a man entered.

Nagulat ako kc same lang kami ng floor na pupuntahan. I guess he's one of the applicants or maybe a staff.

"Good morning" I greeted and smiled at him. He looks like a serious type of guy, with pointed nose, red lips, fair skin, deep eyes and angled jaw. Hays akin ka na lang please! Jk

I didn't expect him to greet me too. So I'm kind of shocked he did.

"Applicant ka rin ba? " I asked.

"Ah yeah"

"Good luck then," the elevator opened so lumabas na ko mauuna na dapat ako pero pinigilan nya ko.

"Good luck and goodbye walking pimple" then he smiled.

Teka! Ano daw?! Anong sabi nya, walking pimple?! Huh! He seems nice pero nagkamali ako! Akala mo naman kung sinong gwapo! Ulol pakyu ka po to the moon and back!

Bwiset.

Naupo na ako sa may waiting area. Kinalma ko muna sarili ko buti na lang medyo malayo pa bago ako tawagin nung mag interview. Nakita ko sa may dulo si Mr. Yabang so I rolled my eyes nung napa tingin sya sa gawi ko, mukha pa syang natatawa sa ginawa ko. Whatever.

"Excuse me, who is Alexandria Marielle Tan?"
I raised my hand a little.

The girl just smiled. "Kindly follow me miss."

Masyado akong kinakabahan pero inisip ko na lang kung yung dahilan kung bakit ko ginagawa to at bakit kelangan matanggap ako. Hays kaya ko to!! Fighting! Pagkausap ko sa sarili ko bago pumasok dun sa loob nung office na itinuro nung babae.

"Thank you Ma'am" I politely said bago tuluyang pumasok.

She just smiled and motioned me to go inside bago sya bumalik dun sa may waiting area.

"Good morning sir" I greeted the interviewer.

"Good morning, you may take your seat."

Umupo ako kaagad and the interview went on, I did good so far nasasagot ko naman yung mga tanong nang hindi nag stutter.

"okay last question before I decide if I'm going to hire you or not,"

Oh God please help me. I prayed.

"Is there anything in your mind that you think will hinder you to perform well in this job?"

"I'm very sure there is no any, because  I'm a type of person who is very passionate with what I do and before I decide to do it I always make sure that, that  is really what I want to do so I won't fail myself and the people around me if I realized in the end,  it doesn't get my interests anymore."

The interviewer smiled.

" Ok miss, I could tell by looking in your eyes that you're very eager to get the job and that's the character we need, I hope you will also be eager to work and perform well. So yeah, you're hired. You can start the training by Monday, 8:00 am to 4:00 pm and it's 20 days training not including weekends, and by the way you can wear whatever you want as long as it will look descent. Our staff will e-mail you the address of our branch in BGC where we actually train our new employees. Congratulations!

Muntik na ko magtatalon sa tuwa pero pinigilan ko lang at ngumiti na lang.

" Thank you sir, expect that whatever I said in the interview wasn't just words for me. You'll not regret hiring me. "

Wews! Sheettttt saya saya may trabaho na ko!!!

Pagkalabas ko don nakita ko ulit si Mr. Yabang inismiran ko lang sya bago tumalikod at umalis na.

Siguradong matutuwa si Tita.

" Huhuhuhuhu!" Nagmano lang ako kay tita pagkalabas nya galing kitchen.

" Oh Alexa kumusta ang interview?" "Okay ka lang ba?"Kumunot yung noo nya pagkakita nya sa hitsura ko.

I pretended to be sad and about to cry hahahaha dapat pala di na ko nag apply dun sa BPO Company swear kung di ako natanggap dun pipila na lang ako sa audition sa PBB HAHAHA galing ko umacting eh!

" Guess what Mama natanggap ako! Yieeeee isa na akong call center agent!"

Nanlaki ang mga mata at bibig ni tita at sabay kami nagtatalon.

"Makakapag aral na ko ulit yes!"

"Masaya ako para sayo anak."

Simula nung mangyari yung nangyari noon si tita na ang naging sandalan ko sa lahat ng bagay. Parati syang nandyan at para nang anak ang turing nya sakin. Tatlo lang ang anak ni tita yung panganay eh nagtatrabaho na at yung dalawa ko naman pinsan ay nag aaral pa. Sobrang close ko sila parehas kahit madalas nila akong inaasar.

"Nayyyy kinikilig mga tigiyawat mo pinsan masaya daw sila para sayo! Hahahaha! Congrats!"

Sabi na eh wala talaga nasabing matino.

"Hahahaha oh ayan daming tawa nyan cous para dika lugi. Ang daming sinasabi di na lang sabihin (wow pinsan ganda mo talaga at ang galing pa, congrats huh!) tsk napaka supportive mo eh noh? Tsk."

"Hahaha hatdog!" ayoko magsinungaling pinsan alam mo namang lablab kita Hahaha ge tiris ka na ulit tigiyawat mo pasok na ko! Hahaha bye Ma! Bye pinsan! "

Hahabulin ko pa sana sya kaso ang bilis nya tumakbo kaya wag na lang. Sayang effort boi.

Umuko na lang ako sa may hapag.

" Masaya ako't natanggap ka anak atleast Makakapag aral kana ulit. Pasensya ka na at kinailangan mo huminto last year, alam mo naman hirap ako nun kc graduating ang kuya Jade mo kaya mas malaki ang gastusin."

"Okay lang po Mama, naiintindihan ko po." ngumiti lang ako at niyakap sya.

Sa totoo lang masaya ako kahit ganito ang buhay ko ngayon, siguro may mga bagay na mahirap lang ipilit. Kc hindi mo naman kelangan ipilit kung talagang para sayo. At palagay ko hindi lang talaga para sakin ang kumpletong pamilya pero at least hindi pa rin ako pinabayaan ni Lord.
I still have my aunt and my cousins.

I'm still grateful.




She's A Late BloomerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant