CHAPTER 6:Girlfriend

7 4 2
                                    

Ang bilis lumipas ng mga araw. Sabado na ngayon, at nandito kami sa mall kasama yung pinsan kong babae. Yung lalake kung pinsan madalang umuwe ng bahay yun eh, may dorm naman kc syang tinutuluyan malapit sa school nila. Nursing nga pala yung course nya. First year college na, kaya rin tumigil ako last year kc graduating sya non as Senior High School student, maraming gastusin si Tita kc sa private sila pumapasok nitong isa ko pang pinsan. Dapat first year college na rin ako ngayon.

Masaya naman yung mga lumipas na araw sa training, marami na rin akong natutunan na related sa pagiging magaling na CSR.

We presented the song that we originally made for our group and it's actually good.

Batch 66 ahu ahu! Hahaha.

Napapangiti ako kapag naaalala ko yung hitsura ni Yabang habang sinasabi nya yan. Seryoso masyado amp! you can't see any humor in his face. At ang galing nya rin mag-guitar haha! Nadagdagan lang tuloy yung kagustuhan ko matuto magitara.

Kaya naman ngayon eh inaya ko yung pinsan ko. Magtitingin tingin lang ng gitara para kapag may ipon na ako isa yon sa mga bibilhin ko.

"Ayun oh mukhang maganda ang isang yon pinsan!"

I looked at it, hmmm it looks so cool! It's color black with a classic design.

"Kunin nyo na ma'am mura na po yan ngayon may discount pa po since bago lang po itong shop namin."

"Ah, hehe tanong lang miss, nasa magkano po sya kung walang discount. Kc po hindi pa po namin bibilhin ngayon eh. Tingin lang muna hehe"

"ah, it's worth Php 5000 pesos lang po ma'am and you can have the manual for free."

"Ah hehe sige miss salamat, sana lang marami kayong stock nito. Baka kc kapag bumalik kami dito wala na hehe"

"Thank you din po ma'am balik po kayo, marami naman po kaming stocks nito. "

"Kunin ko yon kapag nakaipon na ko hehe"

"Yeah para may iba naman tayo pag libangan sa bahay."

Kung hindi nyo po naitatanong may future naman po kaming mag pinsan sa music industry char'.

I love music very much. Para bang may kakaiba syang dala sa aking sistema, pakiramdam ko nasa liriko ng isang kanta ang lahat na nararamdaman ko na hindi ko masabi vocally.

"Haha oo nga eh. Para mas inspired tayo magsulat ng kanta diba"

Mahilig din kami magsulat ng kanta, at ng kung anu-ano pa. Mga stories, poems, ganun sinusulat lang namin sa isang notebook lahat ng gawa namin.

Nagtitingin na kami ngayon dito sa may isang shop kung saan meron nung mga kpop stuff nang biglang kinalabit ako nitong pinsan ko.

"Tingnan mo yun oh ang wafu day!"

Tumingin ako sa tinitignan nya.

Nanglaki bigla ang mata ko ng makita ko kung sino tinitignan nyang gwapo DAW!

Shocks si Yabang nasa loob ng isang korean restaurant with a girl. Hindi ko masyado makita yung hitsura nya kc nakatalikod sya sa pwesto namin at magkatapat sila ni Yabang kaya naman nakaharap sa banda namin si Yabang.

Tsk, sino naman kaya yang babaeng yan? Girlfriend nya kaya? Sabagay gwapo naman talaga sya kung yun ang gusto nyang sabihin ko, mayabang nga lang.

Weh, mayabang diba tinulungan ka nya nung aksidente kang nagkaron ng di mo nalalaman at hanggang ngayon di mo pa rin nababalik yung hoody nya until now. 

My conscience talked to me.

Naalala ko nanaman yung katangahan ko non, hindi ko pa rin matanggap na hindi ko naramdaman yun.

Oo nga noh, eh di sige 99% mayabang 1% gentleman.

Hinila ko kaagad sya kc ayokong makita kami ni Yabang lalo pa't girlfriend nya siguro yung kasama nya.

"Teka naman,  bakit ba parang natatae ka jan?! Madaling madali ang putek. Sayang tuloy Di ko masyado natitigan yung pogi don! Kainis ka naman e."

"Aba, kung isumbong kaya kita kay Mama, malanding to!"

"Sus ito naman, para binibiro lang eh! Pero teka parang pamilyar sya e. Parang nakita ko na sya before."

Napaisip din ako kung san nya maaring nakita yung lalakeng yun. Ay oo nga pala, nung ini-stalk ko sya sa Facebook hindi nga lang siguro sya masyadong particular kc inilayo ko naman kaagad cellphone ko non.

"Sya kc yung tinutukoy ko sayong mayabang"

"Nakoooo! Oo yun nga! Yung ini-stalk mo nung nakaraan. Naks mas gwapo sya sa personal naku parang hindi non napagdaanan tubuan ni isang tigyawat e! Hahaha unlike you danas na danas pre!

Tinignan ko sya ng masama. Grabe talaga manglait ang isang to, hardcore amputa!

"Oh chill ka lang hahaha, kung makatingin ka parang gusto mo na ko kainin e.

" Bwiset ka kc. Kapag talaga nawala tong mga tigyawat ko sa noo nako!"

" Hahaha sus Asa! Pero seryoso na, maganda ka naman pinsan baduy nga lang, walang dede at may pimples sa noo Hahaha pero kapag nag ayos ka baka madaming pumila."

"tsk, balimbing! Tara na nga muna sa CR naiihi ako."

"Sige, tara."

Pagkatapos ko, lumabas na ko agad at naghugas ng kamay. Nag ayos na rin dito sa may malaking salamin. Ang ganda naman nitong babaeng katabi ko. Mukha syang model, ang tangkad kc  with light tanned skin, perfect red lips, pointed nose, deep eyes, long lashes, wavy brown hair, and of course her coca cola body. Parang nakita ko na sya somewhere e, diko lang maalala. Pero san naman? Malabo naman ata, baka nag hallucinate lang ako hahaha

Napatingin sya sa gawi ko.

She just smiled when she caught me staring at her.

"Ah hi, have we met before? Pamilyar ka kc e."

"I guess no, haha! Ngayon lang kita nakita."

"Ah. Haha. Baka kamukha mo lang"

Palusot ko na lang.

Lumabas na si Sharina kaya sabay na kaming lumabas sa CR. Sumunod samin palabas yung babae.

Nagulat ako nung nakita ko kung sino yung naghihintay sa kanya sa labas.

Standing there, with his usual serious aura is Mr. Yabang.

Pa-serious effect pa baduy naman! Hahaha Fres Mint amp.

Napatingin din sya deretso sa mata ko at parang bigla akong kinabahan matapos non, ang lakas ng pintig ni hearteu parang gusto nang lumabas amp.

"Oh hi there Yab--- Vince," 

Yabang sana itatawag ko kaso baka naman mapahiya sya dito sa babaeng kasama.

I need at least to be considerate sometimes kc sabi ko nga hanggang ngayon di ko pa rin nababalik yung hoody nya kc naman palagi kong nakakalimutan dalhin.

" Hi."

Maikling sabi nya.

Nanunuod na lang samin itong pinsan ko at yung babae.

"your girlfriend?"

"Hahahahahaha"

Napatingin kami dito sa babae nung bigla syang tumawa.

"Oh yeah, girlfriend daw baby"

Sabi nya kay Mr. Yabang. Mukha namang naaasar yung mukha ni Yabang. Problema nito?

Hindi na sya nakasagot kc nagsalita na ko.

"Btw, we'll go now! Enjoy your date."

" Okay guys, my boyfriend says Ingat"

Sabi ni babae kahit wala naman sinasabi si Yabang.  Nakangiti pa sya at habang nakahawak sa braso ni Yabang .


After that unexpected meet up with that mayabang and his girlfriend umuwe na rin kami ng pinsan ko.

Tsk, baby amp! Ang baduy ng tawagan nyo uyy! Baby pa, eh ang laki laki na non tsk. Baby, babytawan nyo rin isa't isa,mga hunghang!!










She's A Late BloomerWhere stories live. Discover now