CHAPTER 3: Fres Mint Candy

15 5 1
                                    

"Huy SLEEPING BEASTTTTT!!!"

"Anak ng tupa, anong problema mo kitang natutulog ang tao ingay ingay. Problema mo? - _-

Hays ano nanaman bang problema ng tukmol na to.

" Ako wala, ikaw magkakaroon pa lang. Alam mo ba kung anong araw ngayon?"

"Oo Monday ngayon eh ano naman sayo?

Teka, MONDAY??! Hala pakeng sheet!!! Oo nga pala ngayon ako kelangan mag report para sa trabaho ko lintek nakalimutan ko hays ang engot.

" Ay anak ka ng sampung kagang bakit hindi mo ko agad ginising!!! Tabe jan maliligo na ko!!!!

" Hala, ako pa eh kanina pa kita ginigising jan ikaw tong tulog mantika"

---------

"Ano okay na ba hitsura ko?"

After I took a quick bath, I just applied liptint and light foundation para naman magmukha akong tao kahit paano char

I'm just wearing jeans, long-sleeved shirt and sneakers tutal sabi naman nung araw na natanggap ako eh I can wear anything as long as I'm comfortable and I will look descent.

"Oo okay na yan, nakangiti na mga pimples mo oh sabi nila ang ganda ganda mo daw Hahaha"

"Ay ewan ko sayo dyan ka na nga!"

"Ma, alis na po akoooo!!

" Ay teka, itong batang to oh yung baon mong lunch oh! Hindi ka na nga nag agahan eh. Kumain ka kaya muna, "

" Nako don na lang po ako kakain siguro naman may cafeteria sila don, mali-late na po kc talaga ako kapag nag tagal pa ko first day ko pa naman."

" Ah ganon ba? Sige ingat ka ah good luck anak alam kong yakang yaka mo yan!

"Yakang yaka!! Fighting!"

---------

After ko mag logged in don kay manong guard, nagmadali na ko papunta dito sa elevator. Magsasara na nga eh buti na lang nakahabol pa ko. Pinindot ko na sa 10th floor ng may napansin akong familiar na tao.

"kapag minamalas ka naman talaga oh may makakasabay ka pang asungot tsk" Pagpaparinig ko.

"Goodmorning din sayo walking pimple" sabay ngisi nya pa.

"Goodmorning din sayo walking pimple" I mimicked him. Tsk. Ang angas talaga ng isang to sarap mahalin ay este suntukin!

The elevator opened so lumabas na ko at nagmadali bago pa masira ang araw ko sa mayabang na lalaking yun.

Deretso na ko sa may waiting area don at naupo don sa may couch may kausap pa kc yung babaeng nag assist saken nung nakaraan.

"Excuse me Ma'am, Goodmorning "  I approached her after nya don sa kausap nya.

"Yes?"

"Ahm, I'm actually one of the trainees here, I just get hired last Friday and they said I will need to report today."

"Ah yes, please follow me I'll accompany you to our training room."

"Here. You may go inside. I bet Joe will be here minutes from now. Goodluck"

"Thank you Ma'am"

"Don't mention it, anyways I'll go now."

Hays ang bait bait nya naman ang ganda pa. Sana lahat ng tao dito kasing bait nya para naman magaan magtrabaho less hassle, well sabagay sa isang banda minsan kelangan mo rin yung may konting challenge kc don ka matututo at mas magiging magaling. Hindi lahat nadadaan sa madaling paraan.

She's A Late BloomerWhere stories live. Discover now