CHAPTER 11:Tama Ka

12 4 0
                                    

Lumipas ang ilang araw, at biyernes na ngayon. Ngayon ang unang sahod namin sa trabaho kaya naman masaya ako.

Sa ilang araw na lumipas naging masaya naman ako lalo pa at palagi akong inaaya ni Jared lumabas, walang paglagyan ang aking kilig tuwing lalapit na sya sakin dala ang paborito kong bulaklak.

Parang roller-coaster yung naramdaman ko sa nagdaang mga araw, andon yung kilig at saya dulot nang presensya ni Jared at minsan dinadalaw pa rin ako ng mga pag-aalinlangan ko satwing maiisip ko ang taong dahilan nito pero nawawala kapag nandyan yung taong matagal ko nang gusto.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, masaya naman ako dahil kay Jared pero parang may hinahanap pa rin ako, alam ko kung ano ito ngunit ayaw ko na lang pangalanan.

Ngayong araw ay nag-aaya si Jared sa amin. Hindi ko maipagkakaila na hindi pa ako handa sa araw na ito dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila Tita kapag nalaman nilang may nanliligaw sa akin pero isinantabi ko ito dahil ayaw ko na rin maglihim pa.

From:Bb

Otw na ako. Wait me there :)

To:Bb

Okiee ingats babe!

Napagkasunduan namin na sunduin nya ako since hindi naman hassle sa kanya yun dahil may sasakyan sya.

Nung palabas na ako ng building ay nagmadali ako dahil nakita kong paalis na sya. Hindi ko pa naibibigay yung hoodie at yung payong at gusto ko na rin mag pasalamat.

"uy wait!"

Napatingin sya sakin ng may nagtatanong na mga mata.
 

At syempre hindi nanaman magkamayaw ang pagtibok ng puso ko.

"Ahm, about last Tuesday, I just want to say t-thank you. Alam kong s-sobrang late na hehe ngayon lang ako naka hanap ng tyempo eh. Heto nga pala oh,"

Sabay abot ko nung hoodie at nung payong sa kanya.

"Ah, pasensya na rin kung ngayon ko lang din maibabalik to, palagi ko kc naka kalimutan. Don't worry mabango na yan, kahit amuyin mo pa."

Tumingin lang sya sakin ng may pinipigil na ngiti.

"No you can have it, hindi ko ugaling bawiin ang mga bagay na ibinigay ko o ipinagamit na sa iba."

Natulala nanaman ako sa ngiti na yun kahit pa hindi ito umabot sa kanyang mga mata.

"Hey, natulala ka nanaman"

"Ha?"

"Tss"

"Ahh e-hh anong gagawin ko dito?"

"Hindi mo ba ko narinig? Sayo na yan kaya bahala ka."

Yun lang at umalis na sya sa harapan ko. Minsan hindi ko maintindihan ang ugali nya, may pangiti ngiti pa sya tapos biglang magsusungit. Hindi ko rin malilimutan yung pang-aasar nya sakin ng una kaming magkita tapos sa mga sumunod na araw ay nag sorry naman sya. Hindi ko na maintindihan. Tsk. Bipolar.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na rin si Jared.

Yung iba ay naiwan pa rito para samahan ako habang hinihintay si Jared. Habang si Yabang at yung iba ay nakaalis na.

"Bye guys! See you on Monday!"

"Uyyy ano yan Ayel ha! May pag-sundo pa ahh, shocks ang wafu pa. Pakilala mo naman ang beauty ni aketch!"

"Hay nako Esteban, mag hanap ka na lang ng sarili mong bb dahil akin na sya. Hahaha"

Yun lang at bumunghalit na sila ng tawa ng dahil sa itinawag ko kay Steve.

"Ang lakas mo talaga Ayel! Ikaw lang nakakatawag ng Esteban dito kay Steve. Hahaha" Ani Jester.

Ngumiti lang ako sabay flex kunwari ng muscles. Parang timang. Hahaha

"So kamusta naman ang araw mo?"

"Masaya naman hehe, lalo na't first pay-day ko ito. Hahaha."

"Naks, congrats then. I'm a proud suitor /future boyfriend. I love you." sabay ngiti pa niya.

"Ewkkkk! Naman eh, baka maihi ako sa kilig dito! Sige ka ang gara pa naman nitong kotse mo Hahaha"

"Hahaha. Sus masanay ka na kasi kapag naging tayo na, baka araw-araw mo kelangan magbaon ng arinola."

"Luh, medyo off yon erp korni HAHAHA."

"korni pero kinikilig sya"

Ilang minuto pa ang lumipas at nasa bahay na kami.

Nagmano lang ako kay Tito at Tita sa likod ko ay andun si Jared. Nagmano rin sya sa kanila.

"Ahh, good afternoon po."

Napunta sa akin ang paningin ni Tita.

"Oh Alexa, hindi mo sinabing may bisita tayo sana ay nakapaghanda ako kahit simpleng meryenda lamang. Pasok kayo hijo."

"Nako salamat po pero hindi na po kailangan.

Naupo lamang kami don sa may maliit na couch sa sala.

" Ah Mama, Si Jared nga po pala, Jared Tita at Tito ko kilala mo naman naman na si Sha diba?"

" Ahh yeah, san nga pala sya?

"Ah, nagpaalam may gagawin daw sila ng mga kaklase nya." ani tita.

"Ah, magandang hapon po ulit. I just came here po para pormal na magpakilala bilang manliligaw po ni Marielle," sinabi nya ito ng may ngiti da labi ngunit halata ang kaba sa kanyang mga mata.

Aaminin kong wala ring paglagyan ang kaba ko dahil noon pa man ay paulit-ulit na ang pagbabawal nila sa usaping may kinalaman sa pakikipag-relasyon ngunit ayaw ko nang maglihim pa na may manliligaw nga ako.

Napatingin ako kay Tito ng marinig ko ang pagtikhim niya.

"Huwag mo sanang masamain hijo pero ngayon pa lang dederetsahin na kita, para sa amin ay hindi pa ito ang tamang oras para sa ganyang bagay. Pero sa nakikita ko naman ay seryoso ka sa pamangkin namin dahil sa effort mo pa lang sa pagpunta dito sa amin, bibihira na ngayon ang ganyan. Kung maipapangako mo na hindi mo sasaktan ang pamangkin naman eh pumapayag ako."

"Ako rin, sana ay seryoso ka sa pamangkin namin hijo. Marami na syang napagdaanan kaya ang nais lamang namin ay ang ikaliligaya at ikabubuti nya."

"Makakaasa po kayo sa akin, matagal na rin po kaming magkaibigan ni Marielle at mahal ko po ang pamangkin ninyo kaya hinding hindi ko po sya sasaktan."

Naroon sa akin ang hiya dahil sa pagiging bulgar nyang pagpapahiwatig ng pagmamahal sa akin ngunit hindi mawawala ang kilig.

Ang akala ko noon ay imposible na ang araw na ito dahil sino nga ba naman ako para magustuhan ng isang tulad nya.

Alam ko sa sarili kong walang wala ako sa mga nagkakagusto sa kanya dahil hindi naman ako kagandahan, puro tigiyawat at hindi pa marunong pumorma pero maswerte ako dahil nagustuhan nya pa rin ako.

Napatingin sa akin sila Tita at Tito.

"Aasahan namin na walang magbabago sayo hija, alam mo sana kung paano i-balanse ang oras sa pagnonobyo at pagtupad sa pangarap mo."

"Oo naman po. I promise."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay umuwi na rin si Jared.

"Uyy ang lalim ata ng iniisip mo jan"

Nandito sa kwarto ko si Sha, katatapos lang namin mag jam gamit yung gitara ni regalo ni Jared.

"Hays, nalilito kc ako pinsan."

"Saan ka naman nalilito?"

"Sa nararamdaman ko."

Ngumiti sya ng nakakaloko sa akin at doon pa lang sa ngiti na yon ay alam kong alam nya na kung ano ang tinutukoy ko.

"Oo mahal ko si Jared.....




" pero hindi ako tanga para hindi malaman kung ano itong nararamdaman ko para sa mayabang na yun. Palagay ko tama ka sa sinabi mo noong una.... "


She's A Late BloomerWhere stories live. Discover now