CHAPTER 16:Paalam Best friend

8 2 1
                                    

Hindi ako agad pinatulog ng maraming bagay na iniisip ko kagabi. Nakokonsensya ako sa nangyari at gustong gusto kong sagutin lahat ng mensahe ni Jared sa akin pero hindi ko alam kung sya ba yung dapat na magsorry o ako.

"Bakit mo naman gagawin yun eh may Girlfriend kang tao, tsk tsk."

"Don't imagine, I just wanna say sorry about what happened earlier at the bar, it's not what you think."

Mapanuya nyang sinabi. Nanlalaki naman ang mata kong  napatingin sa kanya.

"At isa pa, wala akong girlfriend, hindi pwede yung taong gusto ko." sinabi nya yon ng deretso sa mga mata ko.

Napayuko na lang ako nang naramdaman kong mag-init ang akong pisngi sa kahihiyan.

"Eh sino yung kasama mo sa mall?"

Talaga namang kahit mamatay sa kahihiyan masagot lang ang mga tanong na yan.

"Hindi ko alam na ganyan  pala kainteresante ang bagay na yan sayo pero sige para masagot ang tanong mo, kapatid ko yung nauna at yung nakita mo kailan lang ay best friend ko." halatang nagpipigil syang matawa ng sabihin nya iyon.

Nagkaron ng biglang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Sinulit ko ang sandaling iyon upang pagmasdan ang buwan at mga bituin.

"Sana isa sa mga bituin na yan yung tatay ko." Binasag ko ang katahimikan na iyon nang bigla na lang yon lumabas sa aking bibig.

"Miss mo na?"

"Sobra, sya yung kasama ko dati pagmasdan ang buwan at mga bituin kapag malungkot ako kasi alam nyang yon yung magpapagaan ng nararamdaman ko. Tatambay kami sa garden ng bahay namin at kakantahan nya ako hanggang sa makatulog ako at kargahin papunta sa aking kwarto."

"I'll be him then, just this night I want you to feel him again."kinuha nya ang gitara sa kanyang tabi na hindi ko napansin kanina pa dahil siguro nalibang ako kausap sya.

Walang kahit ano pang tanong ay sinabi nya iyon na para bang hindi nya na kailangan malaman ang kahit ano maiparamdam lang sa akin na hindi na ako dapat malungkot pa sa pangungulila ko sa aking Ama.

Bawat tipa ng gitara, bawat buka ng bibig, ang himig na lumalabas sa kanyang bibig, ang haplos sa  aking puso at ang mga matang saki'y nakatitig, sa ilalim ng buwan at mga bituin.. Sa sandaling ito ay naramdaman ko ulit sya,ang tatay ko.


To dance with my father again...

Tinapos nya ang kanta na iyon nang nakatitig sa aking mga mata. Nagdulot nanaman iyon ng samu't saring pakiramdam na sa kanya ko lang nararamdaman, ni hindi kay Jared, tanging sa kanya lang at sa pagkakataong ito alam ko na kung ano ang sagot sa mga tanong ko.

Mahal ko na ang mayabang na ito. Hindi ko alam kung paano, at kailan nagsimula pero sigurado na ako na kahit sa maikling panahon na yun, nagawang baguhin ang pagmamahal ko para sa isang taong matagal ko nang gusto.

"I like you Marielle, siguro nga tama ka sa iniisip mo kung bakit ako nandito, yun ay dahil sinadya kong sundan ka hindi lang para mag sorry kundi dahil ito ang gusto ng puso ko."

Hindi ko alam ang sasabihin ko, at hindi ko rin alam kung kaya ko bang maniwala.

Unti-unti nyang hinaplos ang aking pisngi, inayos nya rin ang buhok sa gilid ng aking tenga, inangat nya ang aking baba hanggang  sa mapatingin sya sa aking labi.

She's A Late BloomerWhere stories live. Discover now