CHAPTER 13: Una

8 3 2
                                    

Natauhan ako sa mga nangyayari ng maramdaman ko na lang ang labi nya sa labi ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko bagaman mababaw lang ang halik na iyon sapagkat ngayon lang naman ako nahalikan.

Pero dahil nakikita kong masaya sya ay ngumiti na lamang ako kahit pa hindi bukal sa loob ko ang mga nangyayari. Ayokong maging dahilan ng pagkawala nang saya na nakikita ko ngayon sa kanyang mga mata kung sakaling itanggi ko at sabihing mali sya ng pagkaintindi sa sinabi ko. Dahil hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi pa ako handa na sagutin sya gayong kakasabi ko lang na mahal ko din sya.

"Hindi mo alam kung paano mo ko napasaya ngayon Marielle," Sinabi nya ito nang may sinsero'ng ngiti deretso sa  aking mga mata matapos ng halik na iyon. Nagpadagdag lamang iyon sa konsensya ko. Hindi na dapat ako makaramdam ng ganito dahil nandito na ito. Panindigan na lang.

"Masaya rin naman ako," hindi umabot sa mata ang ngiti ko ng sabihin ko iyon.

"Pangako, hindi ka magsisisi na binigyan mo ng chance na maging higit pa tayo sa isang magkaibigan. I love you babe, "

"Love you too."

Matapos nang pag-uusap na yon ay umuwe na rin sya at pumasok na ako sa loob.

"Hindi ko na alam Sha, napaka gaga ko."

"Nako! Sinabi mo pa, wala kang kasing gaga! Kesehodang sinagot mo yung tao para lang matakasan yang konsensya mo! Iba ka girl! Pwedeng pwede mo naman sabihin na hindi talaga yun ang ibig mong sabihin pero anong ginawa mo!? Babaeng to, tsk tsk. Hay nako naiinis ako sa mga tigiyawat mo ah, di ka tinulungan mag-isip ng tama!"

" Gago naman to, nagadvice pero may kasama nanaman panglalait"

Pagkatapos namin maghapunan ay naligo lang ako at nandito na ako ngayon sa kwarto ng magaling kong pinsan. Nagbabasa-sakaling mabawasan yung mga iniisip ko pero parang mas nadagdagan pa.

"Eh kasi girl nanggigigil ako sayo! Dapat kasi ay sinabi mo na lang na hindi pa talaga yun yon! Na mali lang pagkaintindi nya kasi hindi naman ibig-sabihin na sinabi mong mahal mo ay kayo na agad. Paano na yan ngayon? Anong plano mo ha!? Sa ginawa mo mas lalo mo lang sya masasaktan kapag nagpatuloy pa yung nararamdaman mo para don sa isa kasi syempre kayo na tapos ikaw may pinapangarap na iba! Palibhasa ngayon lang naligawan kaya walang alam!"

"Hindi mo kasi naiintindihan, mahal ko naman si Jared e. Siguro attraction lang yung nararamdaman ko kay Yabang."

"Sige convince mo sarili mo na ganon lang yon, tigilan mo nga ako sa mga pa ganyan-ganyan mo. Ngayon pa lang mag-isip isip ka na kung anong gagawin mo, hindi pwedeng dalawa silang mahal mo lalo na ngayon at boyfriend mo na si Jared, unfair yon sa part nya. Pakiramdaman mo ang sarili mo kung talaga bang mahal mo pa yung isa o tuluyan ka ng nahulog sa iba."

"Oo na Ms. Love expert, pwede dito na lang ako matulog? Please?"

"Tsk, Oo na leche! Huwag ka malikot ha, sisipain talaga kita."

"Sus, kunyare pa. Alam ko namang di mo ako matitiis"

Kinabukasan ay maaga kaming nagising para maglinis ng bahay. Nakasuot lang ako ngayon ng dolphin shorts at loose tee-shirt. Para feel na feel ko magbunot ng sahig, kasi mas presko gumalaw habang sumusunod sa tunog ng musika. Oo ganito kami magpinsan, mas ginaganahan kaming gawin ang mga bagay kapag may music.

Bigla naman tumunog ang cellphone ko na syang naka-connect sa speaker kaya tiningnan ko kung sinong nag message.

From: Babe

Goodmorning Babe :) Eat your breakfast, I love you.

Pinalitan ko na yung pangalan nya sa contacts ko since boyfriend ko na sya.

She's A Late BloomerWhere stories live. Discover now